Nine's POV
Gusto kong isipin na umiiyak lang ako ngayon dahil napahiya ako kanina pero hindi talaga eh...
Hindi ko mapaniwala ang sarili ko dahil damang-dama ko yung psychological at emotional pain ng heartbreak ngayon.
Ganito yung distress na na-experience ko noong nag-break kami ni Scott. Feels like I'm dying; superlatively suffocating.
Ano ba kasing katangahan ang pinairal ko at umasa pa ako sa kan'ya?!
Naging cautious naman na ako noong umpisa, 'di ba?
Pero bakit ganon? Bakit 'di ko na-maintain yung mighty walls ko against him?
Bakit mas pinili pa rin ng sistema ko ang gustuhin s'ya despite the plethora of given complications?
I'm such a fool and Joaquin Phoenix got nothing on me now--- for I am Nine, the biggest clown of the year!
"Nine-hyung, hyungnim(kuya).." biglang may kumatok sa pinto nitong wash room; boses ni Earth, "Alam kong ikaw yang nasa loob, what's taking you so long? Hinahanap ka na ng mga coordinator sa post natin.."
"Upset stomach.." I quickly alibied with my crying-stricken voice, "Hintayin mo na lang ako sa post natin.."
Kahit wala pa sa wisyo ay agad kong inayos ang sarili ko; nagsuklay ako gamit ang kamay at mabilis na nagpunas ng luha gamit ang laylayan ng lab coat ko.
"No way, hindi ako aalis dito hangga't 'di ka lumalabas d'yan hyungnim.." nag-iba yung tono ni Earth, "Gusto mo bang tumawag ako ng assistance through radio?"
"Nako, huwag ka nang mag-abala, okay na ako.."
"Okay my ass!" biglang sumigaw si Earth and I can imagine him frowning right now, "Sobrang distorted kaya ng boses mo ngayon, Nine-hyung. Tell me, what's wrong? Umiiyak ka ba d'yan sa loob?"
Ugh, wala talaga akong maitatago sa kapatid kong 'to eh..
Since mukhang 'di na lulusot ang mga alibi ko sa kan'ya, binuksan ko na lang yung pinto nitong wash room at hinayaan s'yang makita ang lagay ko..
"Anong nangyari, hyungnim?!" napatakbo s'ya palapit sa'kin upon seeing my bloodshot eyes.
Hindi ako sumagot; yumakap lang ako na parang bata at umiyak sa dibdib n'ya.
"Sige hyungnim, iiyak mo na lang muna ang lahat.." he patted my back, "Nandito lang ako kapag ready ka na magkwento.."
So I did, I let his brotherly warmth comfort my broken heart.
Hindi naman ako sinuwerte sa lovelife, atleast meron akong kapatid na tulad n'ya.
"Nagkausap na kami Chen kanina.." I've started to talk upon calming myself, "He's the reason kung bakit ako umiiyak ngayon.."
"I don't follow.." Earth shook his head, "Kung nakausap mo na si Chen kanina, hindi ba dapat masaya ka ngayon?"
"The guy is an asshole, he shamed me in front of his retinue. He said na hindi raw n'ya ako kilala.."
"What?!" Earth clenched his fist, "Sinabi n'ya talaga 'yon sa'yo?!"
"Oo. Ang masakit pa ay sobrang dami ng media kanina, baka mamaya or bukas ay headline na ako sa mga local at international news."
"Asshole nga ang hinayupak! Pero teka, knowing you hyung, alam kong 'di ka basta-basta iiyak dahil lang sa ganitong bagay.. Hmmm, may hindi ka ba kinukwento sa'kin?"
Agad akong napa-iwas ng tingin dahil sa tinanong n'ya.
My God, magkadikit ba talaga ang bituka naming magkapatid?