XIX. The Royal Rival

902 78 72
                                    

*earlier

Bas' POV

"Ma-ma(Your Highness), saan bang lupalop ng mundo n'yo nakuha 'yong fraud face reader na 'yon?! Bakit ang pangit ng binigay n'yang interpretation sa'kin?!"

Hindi ko napigilang mag-huramentado rito sa harapan ni Saint-daebi; s'ya ang una kong pinuntahan noong natapos ang round one ng selection.

"Fraud? Tama naman 'yong naging reading n'ya sa mukha mo ah?" she mockingly smirked, "Nagulat nga ako nung banggitin n'ya na lumipas na ang chance mo sa throne! Hahaha!"

"Ma-ma, seryoso ako!" I glared at her, "Paano na lang kapag natanggal ako sa selection dahil sa lintek na face interpretation na 'yon? You think na mas may chance si Peach sa'kin?!"

Isa pa 'yong bobitang pamangkin namin na 'yon--- sinabihan ko na ngang 'wag maglalagay ng kahit anong makeup pero nag-lipstick pa rin ang talipandas!

"Compose yourself, Park-agasshi." medyo nagseryoso na 'tong kapatid ko, "Ang Wangdaebi(Grand Queen Dowager) ang kumuha sa mga Chinese na 'yon kaya wala akong nagawa. And don't worry that much, more on formality na lang kasi yung face reading portion ng selection. You both did well sa phase one and two, siguradong papasok kayo for round two.."

"Formality?" medyo kumalma na 'ko, "Ano pong ibig n'yong sabihin, Ma-ma?"

"Hindi na raw applicable yung practice na 'yon sa panahon ngayon. It's just pinagdaanan 'yon lahat ng mga naging Jungjeon ng Joseon kaya hindi inalis sa selection."

"I see.." I nodded in relief, "Dapat ay sinabi mo na sa'kin kahapon para hindi na 'ko nag-hysterical, Ma-ma.."

"Kaninang umaga lang sinabi sa'kin ng Wangdaebi ang desisyon n'ya kaya 'di ko nasabi sa'yo." humigop s'ya ng tea bago nagpatuloy magsalita, "Nga pala, may bad news ako sa inyo ni Peach."

"Ano po 'yon?"

"Tinanggal na ng Wangdaebi ang power ko sa selection.."

"What?!" nanlaki yung mga mata ko sa sinabi n'ya, "Bakit daw po?!"

"Nag-petition daw ang Prime Minister sa kan'ya. Headline kasi sa Internet na dadayain ko raw ang selection dahil kamag-anak ko kayo ni Peach."

"That guy is such a nuisance! Dapat hindi ka pumayag, Ma-ma! Ikaw ang Daebi(Queen Mother) nitong palasyo, malaking sampal sa position mo na mawalan ng power sa selection!"

"Alam ko pero wala na 'kong magagawa.." she shrugged, "But looking at the brighter side, mas mabuti na yung ganito para hindi kayo ma-question ng general public kapag isa sa inyo ni Peach ang nanalo. Atsaka 'knowledge and skills' lang naman ang core values ng round two, I'm pretty sure na makakapasa kayo kahit wala ang tulong ko.."

"Kunsabagay.."

May punto 'tong kapatid ko pero hindi na mawala sa isip ko si Mew..

Bakit all of the sudden ay bigla s'yang nag-meddle sa royal family business?

_______________

*present

Nine's POV

Malapit na 'ko sa REM ng sleep cycle ko noong bigla akong may naramdaman na weird sensations sa mga labi ko.

So wet, so hot..

Agad akong dumilat para tignan kung ano ang nangyayari exactly but no chance. Wala akong makita dahil patay nga pala ang mga ilaw--- my nyctalopia is acting up!

All I can perceive is may humahalik na amoy-alak sa'kin ngayon.

"Sino ka?!" I freaked out.

The shady person didn't respond.

HIS Majesty, The Queen (J9 Fanfic) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon