II. The Royal Undergarment

1.2K 84 29
                                    


Nine’s POV

Mukha ng isang lalaki ang bumungad sa’kin noong imulat ko ang mga mata ko.

It seems na kanina pa n’ya ako hinihintay magising dahil ngumisi s’ya noong makitang dumilat na ako.

“Sa wakas at gumising ka na rin..” he greeted.

“Sino ka?! Nasaan ako?!” I started to panic, bigla kong naalala na na-‘kidnap’ nga pala kami ni Earth.

Babangon na rin sana ako mula rito sa higaan pero hindi ko nagawa; ngayon ko lang napansin na nakatali pala ang mga extremities ko.

“Huwag ka nang magtangkang tumakas..” tinawanan ako nung lalaki, “Kahit makaalis ka d’yan sa hinihigaan mo, siguradong may babaril sa’yo sa oras na tumapak ka sa labas ng pinto..”

Literal na nanginig ang mga laman ko dahil sa sinabi n'ya.

Kasabay nang pagbalik ng wisyo ko, na-realize na ng sistema ko kung gaano kadelikado ‘tong sitwasyon ko ngayon.

“Ajhussi(Mister), maawa po kayo sa’kin..” my voice cracked, “Atsaka nasaan po yung kapatid ko? Ano pong kasalanan namin sa inyo?”

Tumulo ang mga luha ko after kong magsalita.

Para akong sinasakal sa takot ngayon.

“Huwag mo akong iyakan..” the guy yawne, “Hindi ako ang magdedesisyon kung anong mangyayari sa’yo.”

“Ano pong ibig n’yong sabihin?” I asked between my sobs.

Sobrang clueless ko talaga ngayon sa mga nangyayari. Wala akong maisip na dahilan para ma-involve kami ni Earth sa ganitong situation.

“Sabing wag mo kong iya---” hindi naituloy ng lalaki yung sasabihin n’ya dahil biglang bumukas ang pinto nitong kwarto.

May pumasok na mga lalaki, kasama nila si Earth!

“Earth!!” mas lalo akong naiyak.

Mga walanghiya, anong ginawa nila sa kapatid ko?!

Bakit nakahubad at parang wala s’ya sa sarili n’ya ngayon?!

“Magsalita ka na..” lumapit sa’kin yung lalaking huling pumasok, “Sinong nag-utos sa’yo na lasunin kami ng lola ko?”

Agad akong napatingin sa mukha nung lalaki dahil sa tanong n’ya--- s’ya yung lalaking tinulungan namin!

“Nahihibang ka na ba?!” I shouted in frustration, “Bakit ako ang tinatanong mo n’yan eh ako ang nagligtas sa inyo, nakalimutan mo na ba?!”

“Talagang pangangatawanan mo yang alibi mo?” ngumisi s’ya sa’kin then biglang sumenyas sa mga kasama n’yang lalaki.

Walang anu-ano ay naghubad silang lahat at pinalibutan si Earth.

“Anong gagawin n’yo?!” nagwala ako para makawala sa pagkakatali pero walang nangyari, mas naiyak lang ako dahil wala akong magawa. “Parang awa n’yo na, huwag n’yong idamay ang kapatid ko rito..” I pleaded between my sobs.

“Madali akong kausap..” sumenyas ulit yung lalaking tinulungan ko, pinatigil n’ya yung mga kasamahan n’ya. “Umamin ka na, pangako, palalayain ko ang kapatid mo.”

“Umamin? Sige. Ako nga ang lumason sa'yo.” I quickly lied in order to save Earth, “Ako ang nagpakain ng poison seeds sa inyo ng lola mo.”

“Alam ko na yan..” ngumisi sa’kin yung lalaki, “Ang gusto kong malaman ay kung sino ang nag-utos sa’yo..”

“N-n-nag-utos?” nautal-utal ako dahil literal na nanginginig ang mga facial muscles ko.

Natatakot kaai ako na baka may gawin sila kay Earth kapag nalaman nilang nagsisinungaling ako.

HIS Majesty, The Queen (J9 Fanfic) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon