Nine's POVMake him a man, what?!
Ayaw kong mag-assume pero it's clear na sex yung tinutukoy ni Chen, 'di ba?!
D'yos ko, ano nanaman ba 'tong naisipan ng bata na 'to?
Seryoso ba s'ya? Or bote na ng soju ang nagsasalita ngayon?
"Make you, what?" I tried my best to sound clueless kahit halos ma-choke na ako sa meaning ng tirada n'ya, "Sorry, I don't follow."
Nagpanggap din akong busy sa paglapirot ng mga natirang lettuce ng samgyeopsal; makagawa lang ng dahilan para iwasan ang mga titig n'ya ngayon.
Seriously, I don't know what to feel anymore.
Should I feel offended kasi inaya n'ya akong mag-sex gayong wala naman kaming relationship?
Or should I feel flattred kasi may nagkaka-interes pa pala sa 'beauty' ko kahit papano?
"Hmm.." biglang inabot ni Chen ang kaliwang kamay ko, dahilan para mapatingin ako sa kan'ya. "I want to make love with you, Nine-hyung."
Ilang segundo rin akong natulala dahil sa straightforwardness n'ya.
"Crazy!" I quickly repelled his hand as I gathered my composure, "Chen, I won't cry foul kasi aware ako na iba ang environment na kinalakihan mo. But Iet me tell you this, you can't have sex nor ask for it to someone you just met."
Damn, I never imagined myself to say such 'words of wisdom', ako ba talaga 'to?!
"Sorry po.." nag-apologetic bow si Chen, "I didn't mean to offend you po, Nine-hyung. Gusto ko lang po talagang i-correct yung nangyari sa'tin the other night."
What the hell?!
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi n'ya.
Hindi maganda ang kutob ko roon sa term n'yang 'nangyari'. Tangina, ano nanaman kayang kabalbalan ang ginawa ko noong lasing ako?
"W-what do you mean sa 'nangyari'?" halos mabulol ako dahil sa kaba; the 'pit of shame' is waving at me!
"Hindi n'yo na po maalala?"
I gulped, "Hindi eh, can you please enlighten?"
"Nothing serious naman po.." ngumiti nang tipid si Chen, "Naghubad lang po kayo sa harap ko at nag-ayang i-sex kayo. Sinabi n'yo rin po na prevalent naman ang one-night stand to justify na okay lang 'yon gagawin natin. But don't worry po, walang contact na naganap. Hindi ko po kayo ginalaw dahil alam kong lasing lang kayo. Yan po ang dahilan kung bakit nilakasan ko na ang loob ko ngayon, gusto ko pong kunin ang consent n'yo habang hindi pa kayo lasing."
Fuck!!
Sabi ko na eh!!
To my distress, hindi ako nagdalawang isip na itapal yung mga tirang lettuce leaves sa mukha ko.
Ang alam ko na lang ngayon ay dapat kung takpan ang mukha kong nakakahiya.
Shame on me!!
"Nine-hyung, ano pong ginagawa n'yo?!" narinig kong lumapit si Chen dahil sa ginawa ko.
"Just let me be.." I hold onto the lettuce leaves, "Hindi ko na alam kung paano kita haharapin ngayon. Pwede bang mauna ka sa loob ng bahay? Tanungin mo na lang kay Earth kung saan ang kwartong tutuluyan mo.."
"Hindi ko po pwedeng gawin yang utos n'yo.." naramdaman kong mas lumapit pa si Chen sa'kin, "Ayaw ko pong matapos ang araw na 'to na may 'gap' tayong dalawa. Ayaw ko pong nahihiya kayo sa'kin.."