XX. The Royal Stare

847 83 57
                                    

Qm's Note: Another boring chapter. Please comment and vote para malaman natin kung sino ang magiging reyna ng palasyo! 😂

Nine's POV

"Okay ka lang ba, Dr. Nine?"

Agad akong kinamusta ni Elle noong makabalik ako sa pwesto namin after ng obeisance.

"Okay lang ako.." I assuringly smiled, "Medyo napangunahan lang ng kaba kanina.."

"Hmm, sure? Wala bang masakit sa'yo or any discomfort man lang?" medyo doubtful ang tono n'ya, "Ang sama kaya ng bagsak mo kanina.."

Actually, medyo masakit nga yung hips area ko ngayon. Pero tolerable naman yung sakit kaya technically ay 'okay' pa rin ako.

"I'm fine, really." I subtly lied, "Pinagtawanan ba ako ng lahat kanina?"

"Hindi naman.." she shook her head, "Pero ang sama ng tingin sa'yo ng mga Park kanina; napatayo pa nga sila noong nilapitan ka ng Jusang(King) at Daegun(Prince).."

Pasimpleng nginuso ni Elle yung dalawang Park-agasshi sa kabilang gilid ng pwesto namin.

And to my surprise, hanggang ngayon pala ay nakatingin sa'kin yung Bas!

D'yos ko, affected ba s'ya at si Joss-daegun ang pinili kong 'tulong' kanina?

Tatanungin ko pa sana si Elle pero hindi ko na naituloy dahil bigla kaming nilapitan ng mga court lady.

Naglagay sila ng papel at inkwell sa harap namin at inabutan kami ng calligraphy brush.

"Ang round two ng selection ay opisyal nang mag-uumpisa.." announcement ng in-charge court lady sa harap, "Para sa phase one, ang kailangan n'yong gawin ay sagutan ang bugtong na hinanda ng ating Wangdaebi. Tanging ang mga makakakuha lamang ng tamang sagot ang mag-a-advance sa last phase ng round na ito. "

After magsalita ng in-charge court lady ay binuksan na nila yung malaking scroll sa harapan.

Doon nakalagay yung bugtong na kailangan naming sagutan!

"May dalawampung minuto kayo para sagutan ang bugtong." she instructed, "Maaari na kayong magsimula.."

Wangdaebi's Riddle:

It is a person, who is this person? This person was a food examiner for the king from olden times. The Chinese 'food examiner' originates from this person. This person was a slave of a family so this person did all the types of menial work. And this person was also a teacher to everyone. There's a legend that says, "When this person is living, the world is covered by mountains. But when this person dies, the world will be covered by water."

After kong basahin yung bugtong ay literal akong pinagpawisan nang malamig.

Kaloka, bakit naman kasi 'food examiner' ang hinahanap nila ngayon?

Kumusta naman yung mga inaral kong history ng mga past Joseon Kings and Queens, 'di ba?

I'm doomed..

____________________

Napabuntong-hininga na lang ako noong nag-announce na yung in-charge court lady ng last five minutes.

Wala pa rin kasi akong sagot 'til now..

Sinubukan kong sumilip sa papel ni Elle, but no chance, wala rin s'yang sagot.

D'yos ko!

Dito na ba matatapos ang selection journey naming dalawa?

On the verge of giving up, bigla kong napansin na nakatingin pala sa direksyon ko ang Wangdaebi ngayon; nakangiti s'ya sa'kin at para bang may gustong sabihin.

HIS Majesty, The Queen (J9 Fanfic) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon