*Inner Court, Gyeongbok Palace"Nine's POV
"I met Chen and guess what?! He's planning to disqualify me!"
Pagkarating ko sa candidate's quarters ay agad akong nagtago sa washroom para tawagan si Earth.
I really need this call, feeling ko kasi ay mababaliw na 'ko dahil sa kahayupan ni Chen!
"The hell?!" Earth exclaimed, "What exactly happened? Bakit ang bilis ata? Kakapasok mo lang sa palace, 'di ba?"
"On the way sa candidate's quarters ay nasalubong namin 'yong entourage ni Chen, we overheard na pinapa-disqualify n'ya yung pangalan ko sa isang court lady.."
"That bastard! Ano bang problema ng gago na yan? Atsaka sino pala 'yong kasama mong naka-overheard? Nakita ba kayo ni Chen?"
"Yung court lady na nag-assist sa'kin ang kasama ko. Hindi kami napansin nina Chen dahil ang bilis nilang maglakad, atsaka medyo tago rin yung naging pwesto namin sa gap ng hallway.."
"Oh my.." I heard him sigh, "Baka sabihin nung court lady kay Chen na narinig mo ang lahat! I bet na alam n'yang ikaw si Song Nine, 'di ba?"
"Hindi naman siguro ako isusumbong nung court lady; mukha s'yang naawa sa'kin kanina eh.. She even said na maging vigilant ako at all times dahil uso talaga ang conspiracy rito sa palasyo.."
"That's a relief to hear.. So ano na palang plano mo ngayon? Gusto mo na bang umuwi? Pwede tayong humingi ng tulong kay Mew-daegam kapag gusto mo nang lumabas d'yan sa palasyo.."
"I'll stay." I uttered in certainty, "Andito na 'ko eh, ngayon pa ba ko susuko? Atsaka ico-cover ng media ang mga selection rounds, once na gumawa sila ng kagaguhan, I'll make sure na iiskandaluhin ko sila sa national TV!"
"I commend your fighting spirit, Song-agasshi." he stressed my selection title, "Pero gusto ko lang ipaalala sa'yo na Royal Family yang kinakalaban mo!"
"I know and hindi naman ako kikilos as long as wala silang ginagawa na masama sa'kin.."
"Good! Anyways, sasabihin ko kay Mew-daegam 'tong incident. Kailangan natin ng backer just in case.."
"Okay. Pero huwag mong sasabihin yung about sa'min ni Chen ah? Atsaka..."
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil biglang may nagpatunog ng drum sa labas.
Siguro ay dumating na lahat ng mga candidates dito sa inner court..
[Inner Court - aka the 'Back Palace'; where the Royal Residences lies.]
__________
*Candidate's orientation*
"Yung totoo? Candidate ba tayo rito or prisoner? Nahihilo na 'ko sa dami ng palace rules na kailangan nating isaulo at sundin.."
Hindi na napigilang bumulong nitong katabi ko dahil sa dami ng pinapaliwanag nung in-charge na court lady sa harap.
"Nahihilo na nga rin ako.." ngumiti ako sa kan'ya, "Pero hindi naman ako ganoon ka-bothered, ang plano ko kasi ay magkulong na lang sa kwarto kapag walang selection activity para wala akong ma-violate na rule if ever.."
"Good idea! Bakit 'di ko naisip yan?!" she smiled back, "Nga pala, I'm Oh Elle. Daddy ko ang mayor ng Busan.."
As expected, puro anak nga ata ng mga politician ang kalaban ko rito!
"I'm Song Nine.." I shyly introduced myself, "A doctor from Jeju.."
"O-M-G..." nanlaki yung mga mata n'ya upon hearing my name, "Doctor Song Nine of Jeju? Naging recipient ka na ng Philanthropy Award ng Koreana Magazine, right?"