Bas’ POV“No way.. This can’t be happening..”
Literal na nanikip yung dibdib ko noong mapanood ko yung news sa TV.
Nag-abdicate si Joss after n’yang gawing royal edict yung Equality at Same-sex Marriage Law?!
Tangina! Anong kagaguhan ‘to?!
Ilang araw lang akong nawala sa palasyo dahil sa sakit ko tapos ganito na agad ang bubungad sa’kin?!
Bullshit!!
Bakit ‘di na lang nya ako pinatay kesa ganitong magdudusa ako dahil sa rash decisions n’ya?!
I fucking hate him!!
He’s so unfair!!
“Sir Bas, ‘wag n’yo pong gawin yan!”
Na-alarm yung royal nurse na nagbabantay sa’kin dahil bigla kong hinugot yung dextrose na nakalagay sa kaliwang kamay ko.
“Just let me be, Kevin.” I quickly dismissed his concern, “Kailangan ko nang bumalik sa palasyo, ASAP.”
Agad s’yang napa-iling sa mga sinabi ko, “Pero magagalit po sa’kin ang Jeonha sa gagawin n’yo, Sir Bas. Aware po s’ya na sa isang araw pa dapat ang release n’yo..”
[Jeonha - His Majesty (King) ]
“Jeonha?!” I can’t help but to roll my eyes, “Napanood mo naman sa news na nag-abdicate na s’ya sa throne, ‘di ba? Don’g ever call him like that again or else, ire-report kita sa ‘malicious use’ mo ng palace honorifics. We must observe palace laws at all times!”
Hindi na naka-imik si Kevin dahil sa threat ko sa kan’ya at agad ko namang sinamantala ‘yon para makaalis dito sa resthouse na pinahiram sa’kin ni Joss for my recuperation.
Nagpatong lang ako ng coat sa current clothes ko then lumabas at nag-drive na ako papunta sa Gyeongbok Palace.
_______________
*King’s Quarters, Gyeongbok Palace
“Sir Bas, hindi raw po muna magbibigay ng audience si Joss-daegun kahit kanino..”
Pinigilan ako ng mga court lady noong tinangka kong pumasok sa quarters ni Joss.
“Padaanin n’yo ko!” sinubukan ko silang hawiin, “Kailangan ko s’yang makausap ngayon!”
This time ay mga royal guards naman ang lumapit sa’kin.
“Sir Bas, huwag po kayong gumawa ng gulo. Mapipilitan po kaming hulihin kayo kapag nagkataon..”
“Hulihin?” tinignan ko sila nang masama, “Nakalimutan n’yo na bang ako ang head secretary at under ko kayong lahat?! Padaanin n’yo ko!”
Kahit nagwawala na ako ngayon ay hindi talaga ako pinapasok ng mga royal guards at court ladies.
Natigilan na lang kami sa ‘tulakan’ noong biglang bumukas ang pinto at lumabas si Joss.
“Hayaan n’yo na s’yang makapasok..” he commanded.
They quickly followed, binitiwan at pinapasok na nila ako sa loob.
“Na-miss kita..” inakap ako ni Joss noong makarating kami sa bed area, “Bakit pala nandito ka na? Hindi ba’t sa isang araw pa dapat yung balik mo rito?”
Mabilis namang nag-init ang ulo ko dahil sa inasta n’ya, feels like hindi man lang kasi s’ya bothered sa mga ginawa n’yang rash decisions habang wala ako!