Interlogue: Queen For Seven Seconds

832 78 46
                                    

QM's Note: Gusto n'yo pa ba ng season 2? 😅

Bas' POV

"Mama-nim(Ma'am).."

I approached the in-charge court lady. 

"Halos two hours na po nating hinihintay si Song-agasshi, hindi pa po ba tayo magsisimula?" I politely asked, "Sa tingin ko po kasi ay fair enough na yung binigay nating oras sa kan'ya para bumalik dito sa palasyo. We appreciate her efforts sa emergency but we can't deny the fact na may obligations din s'ya sa royal family as a selection candidate. Atsaka sigurado pong inasikaso na sa hospital yung crisis, wala na pong reason para magtagal s'ya roon.."

"May punto si Park-agasshi.." biglang dumating ang Wangdaebi at si Saint-daebi rito sa venue, "Naging lenient na tayo sa sitwasyon ni Song-agasshi, kung ayaw n'ya na talagang bumalik dito sa palasyo ay wala na tayong magagawa kundi ang i-disqualify s'ya sa selection.."

"Min-sanggung.." binalingan ng Wangdaebi ang in-charge court lady, "Magsimula na kayo.."

"Masusunod po, ma-ma.."

Nagkatinginan na lang kami ni Saint-daebi sa mga nangyari, sigurado na kasi ang panalo ng pamilya namin ngayon.

"Dalin n'yo na ang mga jar ng candidates dito sa harapan.." mabilis na utos ng in-charge court lady, "I-a-announce natin ang nanalo.."

Pagdating ng mga jar ay mabilis nilang binilang ang mga laman nito.

Unang binuhos yung laman ng kay Peach, "Dalawang gold coins po ang laman.."

"Dalawa lang?" hindi napigilang mag-violent reaction ng pamangkin ko, "That's kinda impossible po!"

"Pero ito lang talaga ang laman ng jar mo, "Park-agasshi.."

Tinaas ng court lady yung dalawang gold coins para makita ng lahat.

Since hindi na naka-imik si Peach ay sunod na nilang binuhos yung laman ng sa'kin.

Ngiting-ngiti ako ngayon dahil siguradong ako na ang panalo!

"Eight gold coins po ang laman ng kay Park Bas.."

Tinaas din ng court lady yung mga gold coins ko para makita ng lahat at kasunod no'y matinding katahimikan.

Tangina, anong nangyari?!

Binusog ko naman yung mga hampaslupa ah?! Bakit eight lang ang bumoto sa'kin?!

This is bullshit!!

"Hindi na natin bibilangan ang laman ng jar ni Song-agasshi dahil s'ya ay natanggal na sa selection.." binasag ng in-charge court lady ang katahimikan dito sa venue, "Magbigay pugay ang lahat kay Park Bas dahil s'ya na ang bago nating Jungjeon!"

As instructed, agad nag-bow sa'kin ang mga royal guards at court ladies dito sa venue.

Akala ko'y okay na ang lahat pero laking gulat namin noong biglang nagsigawan ang mga media at taong nanonood dito sa venue.

"Gusto naming malaman kung ilan ang laman ng jar ni Song-agasshi!"

Mukha silang manggulo ngayon kayo na-alert na ang mga royal guards.

"Ma-ma, ano pong gagawin natin ngayon?" tanong ng in-charge court lady sa Wangdaebi

"Pagbigyan n'yo na ang hiling nila para matapos na ang lahat.."

So they did.

Agad nilang binuhos yung laman ng jar ni Song-agasshi at mabilis nagkaroon ng brouhaha dito sa venue dahil sobrang dami ng gold coins na nalaglag.

HIS Majesty, The Queen (J9 Fanfic) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon