XXXII. The Royal Sacrifice

1K 56 25
                                    

QM’s Note: Long chapter ‘to para makabawi naman ako sa bagal ng update ko! Comment & vote! 😘


Nine’s POV, Gyotaejeon

Nataranta ang mga court ladies ko rito sa quarters dahil nagmamadali akong lumabas sa washroom.

Katatapos ko lang maligo at ngayo’y naglalakad-takbo ako papunta sa harapan ng grand boudoir.

“Jungjeon-mama..” inalalayan ako ni Edma-sanggung, “Huwag po kayong magmadali, may isang oras pa po kayo bago ang morning greetings n’yo sa mga dowagers ng palasyo.”

“Cancel my morning greetings.” mabilis kong sagot, “May parating na ‘bagyo’ ngayon dito sa Gyotaejeon, kailangan nating maghanda.”

“Bagyo?” napakunot s’ya ng noo, “Hindi ko po kayo maintindihan, Jungjeon-mama.”

“You’ll get it later. For now, i-cancel mo na muna lahat ng mga morning schedule ko at sabihan mo ang mga wardrobe court ladies na gusto kong magsuot ng corset at stockings ngayon.”

Kahit mukhang clueless, wala na s’yang nagawa kundi ang sumunod sa mga utos ko, “Ngayon din po, Jungjeon-mama.”

Pagkaalis ni Edma-sanggung, agad kong binalingan ang mga stylist court ladies na naka-standby sa gilid.

“Pwede n’yo nang gawin ang hairstyle at make up ko.” I casually ordered, “I want a simple yet alluring look today..”

______________

*moments later

“Ma-ma, nakakahinga pa po ba kayo? Gusto n’yo po bang luwagan natin nang konti?”

Sobrang bothered ng tono ni Edma-sanggung habang kinakabit n’ya yung pinakuha kong corset.

“I’m alright, don’t worry.” I beamed assuringly, “Just make my waist as slim as possible.”

“Kinakabahan po ako sa mga inaakto n’yo ngayon, Ma-ma.” I heard her sigh, “Ano po ba talagang nangyayari?”

“Basta, just do exactly....”

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil biglang may sumigaw nang sobrang lakas mula sa labas nitong Gyotaejeon.

“JUNGJEON!!!”

Oh my, ito na yung ‘bagyo’! And yes, ang bagyong tinutukoy ko ay walang iba kundi si Chen.

Kagabi ko pa na-envision na mangyayari ‘tong galit na pagsugod n’ya rito Gyotaejeon.

Sigurado naman kasing ang appointment ko kay Joss-daegun as the new head of Royal Infirmary ang unang report na matatanggap n’ya ngayong umaga.

“Ma-ma, sigurado po akong ang Jusang-jeonha yung sumigaw mula sa labas.” tinapos na ni Edma-sanggung yung paglagay ng corset sa bewang ko, “Isusuot ko na rin po ang dangui(coat) at seuran chima(skirt) n’yo para maharap n’yo s’ya nang pormal.”

(Dangui & Seuran Chima- daily attire of a Joseon Queen.)

“No need, salubungin mo na lang ang entourage ng Jeonha at siguraduhin mong s’ya lang ang makakapasok dito sa quarters ko. After that, paalisin mo na ang lahat dito sa Gyotaejeon. Dapat kami lang ng Jeonha ang matitira rito sa loob.”

“Masusunod po, Jungjeon-mama.”

Ilang segundo lang ang lumipas mula noong lumabas si Edma-sanggung ay pumasok na nga si Chen dito sa quarters ko.

Agad akong nagbigay galang sa kan’ya at umaktong hindi affected sa galit na galit na hitsura n’ya ngayon.

“Jeonha, ipagpaumanhin n’yo po ang kasuotan ko ngayon.” I deeply bowed, “Hindi pa po ako tapos magbihis dahil napaaga ang pagbisita n’yo.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HIS Majesty, The Queen (J9 Fanfic) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon