VI. The Royal Schlong

1K 82 34
                                    


Nine's POV

"Wa..."

Sisigawan ko sana si Earth ngayon dahil hindi n'ya ako ginising nang maaga kanina pero agad akong natigilan dahil sa inabutan ko-- it seems na may kasama si Earth dito sa kitchen namin.

Curiousity killed the cat, hindi ako tumuloy mag-barge in sa loob; nagtago akong parang spy sa gilid ng pinto at nag-eavesdrop sa usapan nila.

"So kamusta na po kayo ng boyfriend n'yo, Earth-hyung?" the voice is so familiar.

"Boyfriend ka d'yan.." this one is Earth. "Hindi pa nga kami; MU MU lang, ganon. Tsaka ko na siguro sasagutin si London Boy kapag pinuntahan n'ya na ako rito sa Jeju Island.

"I see, I see. Uhm.. Pansin ko lang Earth-hyung, bakit po puro mga foreigner ang tipo n'yo ni Nine-hyung?"

Literal akong na-choke sa sumunod na tinanong nung familiar voice.

Damn, si Chen pala 'tong kausap ni Earth!

So tama pala talaga 'yong naalala ko na s'ya yung naghatid sa'kin pauwi kagabi?

"Loko.." narinig kong natawa si Earth, "Hindi naman puro foreigner ang tipo namin ni Kuya Nine, sadyang puro 'internationals' lang talaga yung mga nali-link sa'min.."

"Pero teka nga bata ka, bakit pala puro tungkol sa love ang tinatanong mo sa'kin? Inlove ka na ba or something? It seems kasi na kumukuha ka ng pointers sa'kin about sa love eh.." Earth asked.

I dunno why pero pakiramdam ko'y na-excite ako sa tanong ng kapatid ko.

"Inlove? Hindi po eh.. Pero tama kayo ng hinala Earth-hyung, interesado nga po ako sa mga love topics. Ramdam ko po kasing malapit na akong hanapan ng mapapangasawa ng family ko.."

"What?!" napasigaw si Earth, "You mean arranged-marriage thingy?!"

"Ganon na nga po.. Bali tradition po ng family namin yan.."

"My God! Bakit ba ang hilig ng mga rich family sa ganyang concept? So anong plano mo 'bout that? Tututol ka ba sa gusto nilang mangyari?"

"Tututol? Hindi po pwede eh. Lahat po kami sa family ay may sacrifices at ginagalang ko po 'yon. Ayaw ko pong maging unfair sa mga elders ko.."

The what?!

Bakit parang may mali kay Chen? I mean, masyado s'yang mature para sa edad n'ya, atsaka kagabi ko pa talaga napapansin na parang 'ibang mundo' yung kinalakihan n'ya.

Seriously, something's wrong with his family.

I'm aware naman sa customs ng mga elites pero pakiramdam ko talaga'y 'another level' 'tong family ni Chen.

"From what family kayo, Chen?" pumasok na ako sa loob ng kitchen at walang patumanggang sumali sa usapan nila, "And dito ka ba natulog kagabi?" dagdag na tanong ko noong mapansin kong damit ni Earth ang suot n'ya ngayon.

After those questions ay sinaluhan ko na rin sila rito sa hapag.

"Lee po ang surname ko.." the kid supplied kahit mukhang nagulat s'ya sa pagdating ko, "Opo, dito nga po ako natulog. Ayaw n'yo po akong pabalikin sa hotel ko kagabi, 'di ba?"

From nonchalant face ay agad akong nakaramdam nang pag-init ng pisngi dahil sa mga sinabi ni Chen.

Nawala rin 'yong will ko na usisain yung family background n'ya dahil sa hiya!

D'yos ko, nagkalat nanaman ba ako kagabi?!

Well, knowing myself, malamang sa malamang ay ginawa ko nga yung sinabi n'ya.

HIS Majesty, The Queen (J9 Fanfic) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon