Nine's POV"Halma-mama(royal grandmother), pinatawag n'yo raw po ako?"
Tanong ko sa Wangdaebi after kong mag-perform ng deep obeisance; pinapunta n'ya ako rito sa quarters n'ya noong natapos ang press conference ko with the media.
"Iwan n'yo muna kami ng Jungjeon.." utos n'ya sa mga court ladies bago ako sinagot.
Agad naman s'yang sinunod ng mga 'to, naglakad na sila palabas dito sa kwarto.
"Jungjeon, nabahala ako sa pagbanggit mo ng royal harem system sa media kanina.." she started, "Desisyon mo ba talaga ang bagay na 'yon o may pumilit lang sa'yo? Ang Jusang ba ang nasabi sa'yo nito?"
"Ma-ma, tama po kayo ng hinala, ang Jusang nga po ang humiling sa'kin na gawan ko s'ya ng royal harem.." I confirmed, "Pero hindi n'ya po ako pinilit sa bagay na 'to, sariling discretion ko po ang tuparin ang gusto n'yang mangyari.."
Mukhang nanlumo ang Wangdaebi dahil sa mga sinabi ko.
"Jungjeon.." she let out a troubled sigh, "Masaya ako dahil gusto mong gampaman nang mabuti ang tungkulin mo sa Jusang.."
"Pero gusto ko lang ipaalala sa'yo na apo na rin kita ngayon.." hinawakan n'ya ang mga kamay ko, "Natatakot ako na baka maging miserable ang buhay mo rito sa palasyo kapag tinuloy mo ang paggawa ng royal harem para sa Jusang--- ayaw kong magaya ka sa'kin, Jungjeon."
Medyo gets ko kung bakit sobrang troubled ngayon si Halma-mama.
Noong panahon kasi n'ya ay muntikan na s'yang ma-dethrone dahil sa kagagawan ng isang royal concubine.
"Halma-mama, maraming salamat po sa paalala n'yo.." I've tried to smile, "Pero buo na po ang loob ko, gusto ko pong magtiwala sa mga plano ng asawa ko.."
"Kung yan talaga ang gusto mo ay wala na akong magagawa, Jungjeon.." tumango-tango na lang s'ya, "Ang maipapayo ko na lang sa'yo ay.."
"Tatagan mo ang puso't isip mo.."
______________
*Gyotaejeon
"Buin(wife)!"
Humahangos si Chen na pumasok dito sa quarters ko.
"Jeonha.." agad kong tumigil sa ginagawa ko para mag-bow sa kan'ya, "Hindi po ba't may meeting pa kayo with the parliament? Bakit nandito na po kayo?"
"Ngayon ko lang napanood yung sinabi mo sa presscon.." bigla n'ya akong niyakap, "Hindi ba't sinabi ko sa'yo na kalimutan mo na yung favor ko about harem?! Ayaw kong ma-stress ka pa nang dahil sa'kin.."
"Jeonha, may ibang tao po rito sa kwarto.." I whispered.
I'm pertaining sa mga court ladies ko na tumalikod na ngayon dahil sobrang 'intimate' ng posisyon namin.
"This is against the palace rules.." dagdag ko pa.
"Wala akong pakielam sa mga formalities, ang welfare mo lang ang pinakamahalagang bagay sa'kin ngayon.." mas lalo n'yang hinigpitan yung pagyakap, "Buin, gusto kong bawiin mo yung mga sinabi mo sa media kanina. Huwag mo akong i-torment nang ganito, pinagsisihan ko nang sinabi ko 'yon sa'yo that night.."
Uhm..
Hindi ba pwedeng bumalik na lang si Chen sa 'hostile' self n'ya?
Hindi kasi ako sanay kapag ganito s'ya kabait at kalambing..
"Jeonha, please.." kumawala ako yakap n'ya then bumaling ako sa mga retainers ko, "Edma-sanggung, lumabas muna kayo.."
"Masusunod po, Jungjeon-mama.."
BINABASA MO ANG
HIS Majesty, The Queen (J9 Fanfic)
Fiksi PenggemarFlutter through the sky, Butterfly.