Chapter 10

158 4 0
                                    

Chapter 10

Unti unti kong minulat ang mata ko ramdam ko pa din ang bigat nun. Di manlang yata nabawasan ang sama ng pakiramdam ko.

Tiningan ko naman ang relo ko at halos mapamura ako ng makitang 5 na! Tatlong oras na akong natutulog. Shit! Dahil sa panick ko bigla akong napabangun at napatingin sa isang itim na coat na nahulog dahil sa biglaan kong pagbangun.

Hinanap naman ng mata ko si Cleo pero wala siya sa opisina niya kaya lumabas na lang ako para sana magtanong sa Secretary niya.

"Tiny? Where is my husband?" kita ko naman ang bahagyang pagtalon ni Tiny dahil sa gulat ng bigla akong magsalita.

"Nasa meeting po Maam! Pinapasabi niya po na antayin niyo daw po siya." napapikit naman ako dahil sa inis mas inuna niya pa talaga meeting niya kaysa sa asawa niya! What an ass!

Inayos ko naman ang table ko bago bumalik sa Office ni Cleo. I don't fucking know kung bakit kusa na lang akong dumiretso dun at nag antay sa coach kung saan ako natulog kanina.

"Pisti! siya nang iwan ako pa din ngayon nag aantay." mahinang bulong ko habang hinihilot ang ulo ko na sumasakit na naman.

Halos mapamura naman ako ng biglang bumukas ang pinto ng office niya kaya napatingin ako dun at nagtama ang mata naming dalawa.

His tie is a bit loose already para bang nastress siya sa meeting his hair is also messy pero di yun nakabawas sa gwapong mukha niya.

"Are you feeling okey already?" maingat niyang tanong sakin.

Feeling okey? Kailan ba ako naging feeling okey?

"Trangkaso lang. Thank you sa coat mo mauna na ako." binigyan ko naman siya ng pilit na ngiti bago ako mabilis na tumayo para sana lumabas pero naramdam ko ang biglaang paghila niya sakin dahilan upang mapasubsob ako sa upuan malapit sa tabi niya.

Pisti! di ko alam kung dahil ba nagiging marupok na ako o sadyang dahil lang sa lagnat na parang hinang hina ako ngayon!

"May trangkaso ka?! Di mo sinabi sana nagpatawag ako ng Doctor!" inis niyang sabi habang kinakapa niya ang leeg at nuo ko.

He looked so serious at kitang kita ang inis sa mata niya. Bakit ba siya nagagalit?

"Uuwi na tayo!" ramdam ko ang authority sa boses niya at di na din niya binitawan ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Tahimik lang akong sumusunod sa kanya habang papalabas kami sa opisina. Pagod ako at wala nang energy na makipagtalo pa.

Ramdam na ramdam ko naman ang tinginan ng iilang empleyado samin. Sino pa naman ang hindi maninibago diba? Mag asawa kami pero ngayon lang nila kami makikitang magkasama at magkahawak kamay pa.

"What the!" dinig ko ang boses ni Kuya Aizen pero di ko na yun pinagtuunan ng pansin.

All my attention is only for this guy na kanina pa hawak ang kamay ko. Hindi ganun ka higpit ang hawak niya tama lang naman yun para sakin.

Dinig na dinig ko naman ang mahihinang mura niya habang tinitingnan tingnan ako. Ano ba akala niya sakin mamamatay dahil sa lagnat.

"Matulog ka muna. I'll wake you up once were home." dahil sa pagod at bigat na din siguro ng pakiramdam nakatulog na din ako.

"Hey wake up. Time to eat and drink you meds." dinig kong bulong ni Cleo sakin habang tinatapik tapik niya ng mahina ang aking pisnge.

The room looks familiar. Shit! Bakit nandito ako?!!!!

Dahil sa gulat bigla akong napabangun! Andito lang naman ako sa Condominium ni Cleo! This condominium is supposed to be our home after our marriage pero ako lang mag isa ang tumira dito for almost 1 year habang naghihintay na parang tanga na balikan ng asawa niya.

"Bakit nandito ako?" pagalit kong tanong habang nililibot ang buong paningin sa loob ng silid na yun.

Nothing changed at all andito pa din sa wall ng kwarto ang mga sinabit kong litrato na nagpapa alalang kasal ako sa gwapong nilalang na to.

"I told you I'll bring you home." nakanguso niyang sabi habang inaayos ang pagkain sa harapan ko. Pisti! akala ko sa bahay namin ako iuuwi niya!

Halos mapasigaw naman ako ng makita ang suot ko! It's my fucking pajama and big sweater na sa tingin ko pag aari ni Cleo!

"Who change my clo-clothes?" nauutal kong tanong habang tinuturo ang sarili.

Shit lang! ako naman siguro nagpalit sa sarili ko diba? Maybe I've just forgotten it dahil sa sama ng pakiramdam ko.

"I change it. You were trembling because you are cold that's why I decided to change it." pisti! siya ang nagpalit sakin! Nakakahiya!

"Sana hinayaan mo na lang ako, no need to change me you can put some blankets on me para mawala ang panginginig ko." mahinang bulong ko para bang nawawalan ako ng sasabihin.

"I'm your husband. Wag kang magalala di kita pinagsamantalahan physically maybe mentally?" kita ko ang ngisi na naglalaro sa labi niya pisti! Mas lalagnatin pa yata ako sa sinasabi nito e!

"Bastos!" inis kong bulyaw habang binibigyan siya ng iilang suntok. Bwesit na lalaking to!

Dinig ko naman ang halakhak niya habang sinasangga ang pananakit ko sa kanya. Nakakainis!

"Hey! That's enough kumain ka na at iinom ka pa ng gamot." Nakangiti niyang sabi ngayon sakin. Hindi ko alam bakit napapasunod niya ako sa mga sinasabi niya.

Tiningnan ko naman siya he is busy with his loptop I think it's about work again.

"Where is my bag Cleo? I need to call my Mom." mahinang tanong ko habang nililibot ang paningin ko sa buong kwarto.

"Natawagan ko na, pero tawagan mo na lang ulit. Use my phone." inabot niya naman sakin ang cellphone niya kaya napatingin ako dun.

May password to malamang pero nagulat ako ng makitang wala yung password and his wallpaper, it was our wedding picture.

Tinawagan ko naman si Mommy at nagpaalam ako na andito ako ngayon kasama si Cleo of course my mother is relieved that I called her dahil kanina pa daw siya nag aalala nung malaman niyang may lagnat ako.

"Ahm. Thanks!" mahinang sabi ko bago inabot ang cellphone kay Cleo na ngayon at seryosong nakatingin sakin.

"Matulog na ako." kita ko naman ang mabagal na pagtango niya at panguso.

"I won't stay late. Tatabi din ako after this." he is staring at me intently habang sinasabi yun, and hearing it from him it gives me suddenly goosebumps.

"Okey." mahinang sagot ko bago ako tumalikod sa kanya shit!

Magtatabi talaga kami ngayon?! This is the first time na magtatabi kami for the past 3 years na mag asawa kami tapos may lagnat pa ako! Nakakainis ang malas!

Kumunot naman ang nuo ko dahil sa iniisip? Malas? Talaga ba Lilibeth?! may sakit ka na ngat lahat lahat naglalandi ka pa din.

Damn it!

Bit of Confusion (Series 2 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon