Chapter 1
Heaven
Umaambon ng hapong iyon nang marating ko ang bayan ng Padre Garcia. Ilang taon na rin magmula nang makauwi ako rito. Wala masyadong pinagbago ang lugar maliban sa mga binanggit sa akin ng mga magulang ko sa tuwing nakakausap ko sa telepono.
Ganoon na lamang ang pagbuntong hininga ko nang matanaw ang malaking arko sa itaas ng gate ng Baltazar Farm. Hindi na kailangan pang bumaba ng sasakyan dahil nakabukas na ang gate na gawa sa matatabang tabla at bakal bilang pangtibay sa bawat edges nito. Binabaybay ko ang makitid na pathway patungo naman sa Villa Aurora. The villa was named after my grandmother. Tiningnan ko ang mga nagtataasang puno sa magkabilang panig ng pathway. Natatakpan nito ang pagbagsak ng ulan sa windshield ng sasakyan ko. Binuksan ko ang bintana. I was right then. Malamig at malinis ang hanging tumama sa mukha ko.
Noong kabataan ko ay madalas akong naglalaro bahaging ito ng farm o hindi kaya nagbibisikleta habang ang Nana Yolly ay panay ang habol sa akin ng puting bimpong parati kong tinatakbuhan bago pa mailagay sa likod ko.
I smiled. Nilabas ang kaliwang kamay at sinapo ang malamig na hangin sa aking balat. Why, I missed this place so much. Hindi ako nakauwi ng ilang taon kahit na anong hiling ko noon sa daddy. Parang tinutusok ang puso ko ng malalaking karayom nang maalala ang sariling ama at sa palagi nitong pagtangging makauwi ako.
Nang matanaw ko na ang dalawang palapag na villa ay pinasok ko na ang kamay at humawak sa manibela. I heaved out a deep sigh. Malaki ang villa para sa aming tatlong mag-anak. Kahit pa kasama ang apat na kasambahay. Ang unang palapag ay gawa sa malalaking adobe at ang ikalawang palapag ay gawa sa de klaseng kahoy. Ang mga bintana ay nanatiling gawa sa capiz pero pinaglagyan na ito ng bakal sa harapan bilang proteksyon kung may magtangkang mangloob. Malaki kasi ang bintana kapag nabuksan at madaling pasukin kung pupwersahin. Noon ay nae-enjoy ko ang malayang pagdungaw pero ngayon ay tila hinigpitan.
Sa paglipas ng maraming taon ay unti-unting pinatibay at pinaglagyan ng modernong kagamitan ang villa. Mula sa entrada ay hinanap ko sa isang tagong sulok ang mga CCTV cameras. Ang sabi ng kanyang ina ay gumastos ng malaki ang dad niya para rito. May dalawang beses nang nilooban ang farm ng mga magnanakaw at sa kasawiang palad ay nakuha ng mga ito ang kanilang isang kabayo at limang manok. Kung noong una ay madaling nakatakas ang magnanakaw, ngayon ay pinahanap na ito at nilathala ng pulisya mula sa kuha ng CCTV.
At nitong huling buwan ay sinalanta ng malakas na bagyo ang bayan ng Padre Garcia. Ayon sa balita ay naging sentro ng mata ng bagyo ang timog bahagi ng Batangas. At dahil malapad ang sakop ang bagyo ay natamaan nito ang bayan namin. At ang farm ng pamilya.
May sakit ang daddy nang tawagan ako ng mommy. I knew, hindi niya gustong umuwi ako mula sa kumbento. Pero nasa tinig niya ang pag-asam na makita ako.
Kumpol ng hangin ang pinakawalan ko dahil sa pagsikip ng lalamunan ko. Wala silang alam na uuwi ako rito. Ang mother superior ng kumbento ay walang alinlangan akong pinauwi matapos kong sabihin ang nararamdaman sa mga magulang. It took me only a confession and they let me go home.
Ipinarada ko ang lumang pick up sa harap ng bahay. Hindi ko pa naman napapatay ang makina ng sasakyan ay agad na bumukas ang isa sa double door na gawa sa narra. Napangiti ako pagkakuha sa susi at bumaba ng driver's seat. Kinawayan ko ang matandang babaeng sinino ang dumating, "Nana Yolly.." tawag ko.
Inayos ng Nana ang kanyang salamin sa mga mata at humakbang ng dalawang beses. She scanned me from head to toe. At unti-unting lumaki ang ngiti sa labi. "Heaven? Ikaw nga ba, hija?" she even walked down the stairs, in four to five steps. At maigi pa akong tinitigan. Napapalakpak pa ito sa huli. "Aba'y ikaw nga!"
BINABASA MO ANG
Lion Heart (Touch #2)
General FictionThis is the story of a syndicate leader who fell in love with a hostaged Nun. "I found peace and..love in her. Mapapatawad ba ako ng Diyos niya kung aagawin ko siya sa kanya?" ---- Mayaman at nakukuha ang lahat, iyon ang nakagisnan ng isang anak s...