Chapter 26

153K 3.9K 1.4K
                                    

Chapter 26

Heaven's POV

Nang magising ako kinabukasan ay sandali akong nanatili sa higaan. I was alone. Pero naaamoy at nararamdaman ko pa rin ang pabango at presensya ni Dreau. He put me down on bed. He wanted me to sleep and washed away all my worries.

Pero..bago iyon ay dinala niya ako sa banyo at kamuntik pang paliguan. Tumutol na ako nang simulan niya akong hubaran. Dahil mabilis na sumunod sina Mommy at Nana sa banyo at inawat siya.

He got pissed. Pinaalis ko na lang silang lahat sa loob ng banyo dahil crowded na rin kami. I cleaned myself alone.

Pagkalabas ko naman ng banyo ay naroon pa rin si Dreau. Wala na sina Mommy at Nana Yolly. The door was closed.

"Sina Mommy at Nana?" tanong ko. Lumapit ako sa closet at nilabas ang panjama ko at peach color T-shirt. Pati panty at bra.

Nakatingin siya sa mga damit na kinuha ko. "Lumabas na." tipid niyang sagot at saka bumuntong hininga.

Marahan akong tumango at bumalik ulit sa banyo para magbihis. Sa paglabas ko ay nakita ko nang nakaupo sa gilid ng kama ko si Dreau. Nakade-kuatro at tila kay lalim ng iniisip. But I didn't bother to ask him. Gusto kong nakikita siyang malapit sa akin.

He made a promise. At iyon ang panghahawakan ko ngayon.

I  cleared my throat after I've done with my hair. Gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos maligo. "Magpahinga ka na rin." udyok ko sa kanya. Tumabi ako sa kama at inangat ang kumot.

Tumayo naman siya at lumakad papunta sa likuran ko. Nilagay niya ang mga kamay sa hem ng T-shirt ko. Nagulat ko roon at bahagyang napaigtad.

"Dreau.." I warning him.

Tinaas niya ang T-shirt ko at kinalas ang bra ko nang hindi na kailangang hubarin ang pang-itaas ko. Nilusot niya ang mga strap sa mga braso ko palabas sa butas ng damit. Hindi na ako nakapagsalita nang hubarin niya iyon sa akin at pinasok sa drawer ko. Nakatunghay lang ako sa kanya.

Paglingon niya sa akin ay nakataas na ang kilay niya at nilapitan ako. Siya na ang nag-angat sa kumot at pinahiga ako. Inayos niya ang kumot sa katawan ko.

He got impassive face. Ang hirap basahin lalo na kung hindi nakatutok sa akin ang mga mata niya.

Umupo siya sa gilid ng kama, sa kanang bahagi ko. "Get rest." He huskily whispered.

I sighed. "Matulog ka na rin. Galing ka pang byahe," pagpapaalis ko sa kanya.

"Matutulog na 'ko kapag tulog ka na." determinado niyang sagot sa akin.

I gulped. "Hindi ka pwede rito. Sa guest room ka matulog."

Sandali niya akong tinitigan. Malamig sa umpisa hanggang sa tila nag-apoy ang mga matang nakatitig sa akin.

"This is my parent's house." Ulit ko. "At isa pa..hindi rin ako makakatulog kung galit ka pa."

He closed his eyes heavily. Naalarma ako. Iyon ang itsura niya kapag nagtitimpi ng inis. Maaaring nagbago ang gupit ng buhok niya at pananamit pero siya pa rin si Dreau. He's still looking so lethal and drop dead gorgeous man. But screaming of danger.

His jaw clenched. His muscle moved. "Hindi ako magwawala kung 'yon ang inaalala mo." may diin niyang sagot sa akin at saka minulat ang mga mata. Nilingon ako. "Kaya pinapatulog na kita."

I protested. "Sa guest room ka lang—"

He cut me off from kissing me. Just an abrupt kissed to shut me off. "Even if it's killing me. I will go down in  your fucking guest room, My Queen." He huskily whispered over my lips.

Lion Heart (Touch #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon