Chapter 20

119K 3.8K 739
                                    

Chapter 20

3rd Person's POV

Mula sa pagsusuklay ng kanyang alagang poodle ay napatingin si Monique sa pinto nang pabalang iyong bumukas at inuluwa ang kanyang Uncle Ronan. Na para bang kay layo ng tinakbo papunta sa library nila ng kanyang amang si Don Manuel.

Sinulyapan lang ni Ronan ang pamangkin at tinungo agad ang nakakatandang kapatid. "Kuya Manuel. Kailangan ka ni Dreau ngayon.." halos pagmamakaawa niya. Makailang beses niyang tinatawagan ang kapatid para puntahan sila pero hindi ito nagpaunlak.

Pagkatapos tawagan ni Ronan ang pamangkin para balaan sa binabalak ng kapatid niya ay agad itong lumipad sa Pilipinas. Ramdam niyang kailangan ni Dreau ang tulong niya. And true enough, tinawagan siya ng tauhan nito para ipaalam ang sinapit ng pamangkin niya.

Bumuntong hininga si Don Manuel at hininto ang pagbabasa ng paborito nitong libro. Tinanggal ang salamin sa mga mata at sumandal sa swivel chair.

"Marami akong ginagawa, Ronan. At saka nandyan ka naman para sa kanya, 'di ba? Oh, ano pang kailangan ninyong magtiyuhin sa akin?" walangbuhay nitong sagot sa kapatid.

"Maraming dugo ang nawala sa anak mo, Kuya. Kailangan niyang masalinan!" nauubos na ang pasensya niya sa inaasal ng kanyang nakakatandang kapatid.

Natawa si Monique na patuloy pa ring sinusuklayan ang balahibo ng kanyang mamahaling aso.

Ronan looked at her niece.

Monique was smiling, "Wala naman talagang magagawa ang Papa d'yan, Uncle—"

"Monique!" Ronan cut her off.

Nag-angat ito ng tingin sa kanya. Nagtaas ng kilay. "What? Hindi niya kami kadugo kaya wala rin siyang mahihinging tulong sa amin, Uncle. You better go and find some sa mga blood bank ng ospital." She rolled her eyes. "Wala kaming magagawa para sa kawawa kong kapatid.." she sarcastically said.

Napaawang ang labi ni Ronan at nilingon ulit ang kapatid. "Kuya ano 'to?" hindi niya makapaniwalang tanong.

Don Manuel sighed. Tumayo ito at nagsalin ng brandy sa kanyang goblet. Sumimsim at muling binalik ang goblet sa lamesa.

"Hindi ko anak si Dreau."

Namilog ang mga mata ni Ronan. "What?! Paanong..? Saan mo..kinuha si Dreau?!" halos pasigaw na tanong niya rito.

Nagkibit balikat si Don Manuel at muling sumimsim ng brandy. "Galing sa mortal kong kalaban. He's from Boac, Marinduque. Pero nauubos na ang pasensya ko sa batang 'yan. Masyado mong pinalaking sunod ang luho kaya matigas ang ulo. Walang galang. Nang dahil sa babae ay isasarado niya ang Casa? Tama lang sa kanyang mag-agaw buhay. Tutal naman ay wala na 'yang mga magulang. Wala nang naghahanap d'yan. Let him die for his own peace."

Nagpantig ang mga tainga ni Ronan. Kumuyom ang kanyang mga kamao at halos takbuhin ang kapatid para suntukin. "Kuya Manuel!"

Malakas na tumawa si Don Manuel.

"Sayang, Papa. Ang hot din namang tingnan ni Kuya Dreau. He's a good catch actually, just like Lennox,"

"Magtigil ka, Monique. I loath his parents." Pagbabantang sambit ni Don Manuel.

Dahil sa wala naman siyang magagawa na ay iniwan na ni Ronan ang mag-ama at umalis ng mansyon nito.

He drove again to the ospital to visit his nephew.

Kaya pala, kaya pala wala siyang ni katiting na pagmamahal kay Dreau ay dahil hindi niya ito tunay na anak.

Now Ronan realised it all. Pero nasaan na ang tunay nitong mga magulang? Nasa Boac, Marinduque pa kaya sila? It's been thirty three years since then. Are there still alive? Nagsasabi kaya ng totoo ang Kuya niya?

Lion Heart (Touch #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon