Chapter 38
3rd Person's POV
"Sigurado ba kayo dyan, Don Manuel? Baka..baka may makilala sa inyo?!" kabadong tanong ni Dina sa matanda matapos itong isuot ang itim na subrero at salamin sa mga mata.
Mabigat na bumuntong hininga si Don Manuel at nilingon si Dina na hindi nag-abalang takpan ang nasunog na mukha.
"Sinong makakakilala sa akin dito, aber? Low class lang naman 'tong townhouse ni Steve. Hindi ako nakikipagkilala sa mga low class ding tao." he scanned her face and winced. "Alangan namang ikaw ang palabasin ko para tumawag sa kapatid ko. Edi pag-uusapan ka pa rito. Aalamin nila ang bahay mo at madadamay pa 'ko."
Napayuko si Dina dahil sa pagkapahiya sa sinabi ng Don. Hindi bago sa kanya ang panlalait ng matandang Zobel. Sa tuwing nakikita siya ay para bang sinumpa siyang nilalang sa mundo. Samantalang kapag pinupunan niya ang sexual nitong pangangailangan ay hindi nababanggit ang pangit niyang mukha.
Mapait siyang ngumiti. "Kung sa 'yo nangyari itong sunog sa mukha ko, ewan ko na lang kung may pumatol pa sa 'yong matanda ka." pasaring niya.
"Anong sabi mo?!" matalim na tanong sa kanya ni Don Manuel. Nagngitngit ang mga ngipin nito sa pagkakalingon kay Dina.
Humalukipkip si Dina at nagbunyi nang magalit ang matanda. "Wala ka ng pera. Ano pa ba ang hahanapin sa 'yo ng mga magagandang babae?" patuya niyang hinagod ang crotch area ng matanda. "Pasalamat ka nga at pinagtyagaan pa kita!" sabay talikod at balik sa loob ng bahay.
"Aba't--!" nakaramdam ng galit si Don Manuel kay Dina. Hindi niya nagustuhan ang pananalita nito ang pag-insulto nito sa tila pagkalalaki niya. "May araw ka rin sa aking babae ka." he murmured furiously.
Lumabas ng bahay si Don Manuel at naghanap ng matatawagan. Walang landline sa bahay ni Steve Esteban. Pinatanggal ng binata para makaiwas sa posibleng trace sa dalawa.
Malayo-layo rin ang nilakad ni Don Manuel bago nakita ang isang sari-sari store. He enjoyed the sun and freedom even just temporarily. Mayroon pa siyang kaunting perang dala dahil pupunta siyang convenience store to buy a few things.
Nilapitan niya ang tindahang may rehas na bakal. Simpleng bintana lang iyon na sinabitan ng mga chichirya at nilagyan ng mga garapon ng mga candy. Sa tabi no'n ay ang kulay itim ma landline. Nakadikit sa cradle ng telepono ang oras at presyo ng tawag.
Don Manuel saw the old lady inside the store. Nagpapaypay at nakatingin din sa kanya.
"Tatawag ako." lakas-loob niyang sabi sa matandang babae.
Hindi tumango ang tindera.
Inabot ni Don Manuel ang telepono at dinayal ang numero ni Ronan. Kinuyom niya ang kamao habang hinihintay na sagutin nito. Tumabi siya sa gilid nang may lumapit na batang bibili sa tindahan. He waited. Ilang beses din niyang dinayal ang numero ng kapatid hanggang sa may sumagot. "Hello, Ronan!" Don Manuel excitedly said.
"Kuya Manuel..?" naniniguro pang tugon ni Ronan.
Napangiti si Don Manuel. "Ako nga. I need your help!"
Hindi kaagad na nakatugon si Ronan.
Tumikhim si Don Manuel. Nilayo ang mukha sa tindahan.
He looked suspicious kaya hindi maiwasang hindi siya pansinin ng tindera. Palihim siya nitong pinagmamasdan habang nagsasalanin ng mantika sa bote.
"Padalhan mo 'ko ng pera! Kahit limang milyon! Ipagawa mo rin ako ng passport. Palitan mo ang pangalan ko tyak na pinatimbre na ako sa immigration. I need to get out of here!" bulong na niya sa mouthpiece. "As soon as possible!"
BINABASA MO ANG
Lion Heart (Touch #2)
Ficción GeneralThis is the story of a syndicate leader who fell in love with a hostaged Nun. "I found peace and..love in her. Mapapatawad ba ako ng Diyos niya kung aagawin ko siya sa kanya?" ---- Mayaman at nakukuha ang lahat, iyon ang nakagisnan ng isang anak s...