"Sinabi sa kanya ni Jesus, 'Naniniwala ka na ba dahil nakita mo ako? Mapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita.'"
Juan 20:29
********
Chapter 37
Heaven
"Ang sarap nitong muffins mo, hija.." nakangiting papuri ng Mommy Cecilia. Ang Daddy Flameric ay umabot ulit ng pangalawa niya. He nodded at his wife.
Nahihiya akong ngumiti rin sa kanila. "Igagawa ko po kayo ulit pangbaon." Sabi ko. Ibang kilig din ang naramdaman ko sa papuri nila sa akin.
"Pakidagdagan, Ate Heaven." nakataas pa ang isang kamay ni Donna sa akin.
Natawa ako. "Oo ba. Dadamihan ko pa ang sa 'yo."
"Wow! Thank you, Ate!" she smiled sweetly at me.
Nakita ko ang pailalim na lingon sa kanya ni Euric. Hindi iyon nakita ni Donna dahil busy sa pagkain. Kinausap pa siya ng Mommy Cecilia.
Euric stared at her. Na para bang walang ibang tao sa paligid kundi si Donna lang. May ilang segundo rin iyong nagtagal bago inilipat ang paningin sa iniinom. He even sighed.
Nang magutom si Aaron ay umakyat na rin ako para patulugin siya. He must be too tired. Panay ang iyak kasi kapag may ibang bumubuhat sa kanya. Iyak nang iyak kahit sa simbahan.
Nakatayo ako sa gilid ng kuna ni Aaron. I was breastfeeding nang maalala ko si Dreau. Tiningnan ko ang wall clock. Kumunot ang noo ko. Kanina pa siya nasa labas at hanggang ngayon ay hindi pa nakakauwi.
I sighed. I looked down at my child. I softly smiled and caressed his fluffy and rosy cheek. "Nasa'n kaya ang Papa mo, Aaron. Mukhang may pinagkakaabalahan yata," bulong ko sa kanya.
Dinilat ni Aaron ang mga mata niya at tiningnan ako. Ang dulo ng labi ay bahagyang tumaas. Pagkatapos ay pumikit ulit.
Mahina akong tumawa. Kinuha ko ang lampin sa balikat ko at pinunas sa gilid ng labi niya. "Siguro kasabwat ka ng Papa mo, 'no?" I giggled again. Hindi na dumilat si Aaron. Nakatulog na.
Hinele ko muna siya ng ilang minuto bago binaba sa kuna. Pinagmasdan ko siya kung gigising. Nang hindi na umimik ay saka ako bumalik sa kwarto ko para makapaglinis ng katawan.
Nakita ko ang cellphone sa ibabaw ng kama. I bit my lower lip. Umupo ako sa gilid ng kama at inabot ang cellphone. I dialled Dreau's number and call him..nilingon ko ulit sa kuna si Aaron..
**
3rd Person's POV
Inabutan ng isang stick ng sigarilyo ni Jandro si Dreau. Sina Val at Gelo ay sindak na nakatingala sa kanya. Walang magawa dahil nakatali sila sa upuan, ang mga kamay ay nasa likuran at napapaligiran ng mga armadong tauhan ni Dreau. They brought emergency lamp sa loob ng hotel. Na siyang tanging nagsisilbing liwanag sa paligid.
Inipit ni Dreau ang sigarilyo sa kanyang labi, naglabas ng lighter at sinindihan ito. Nanliit ang mga mata niya nang humithit, yumuko at binuga ang usok sa mukha ni Val. Parehong naliligo sa pawis ang dalawa. Putok ang labi ni Gelo at namumula ang pisngi dahil sa suntok na natamo kay Dreau. Habang si Val ay putok ang kilay at kumakawala ang dugo. Ang mga ngipin ay nagdurugo. May palagay pa siyang nabasagan siya ng ngipin sa harapan.
Both heaving heavily. And Dreau enjoying the fear written in their faces. He even tilted his head while watching the two. "I can even detach your head from your.." he winced. "short neck. That's for attempting to kill me and my son."
BINABASA MO ANG
Lion Heart (Touch #2)
General FictionThis is the story of a syndicate leader who fell in love with a hostaged Nun. "I found peace and..love in her. Mapapatawad ba ako ng Diyos niya kung aagawin ko siya sa kanya?" ---- Mayaman at nakukuha ang lahat, iyon ang nakagisnan ng isang anak s...