Chapter 19

122K 3.9K 1.4K
                                    

Chapter 19

3rd Person's POV

Mula sa masarap na pagkakatulog ay bahagyang napaangat sa kama si Dreau. He then realized na nakayakap siya kay Heaven. Both very naked at tanging ang kumot ang tumatakip sa kanilang kahubdan.

But there's a tension built up in his chest. Madilim pa ang buong kwarto niya. Si Heaven ay mahimbing ding natutulog sa kanyang tabi.

Nakiramdam siya. Narinig niya ang malakas na vibration ng cellphone na nakatago sa drawer.

Sinuklay niya ang buhok at dahan-dahang umalis sa kama. Iniwasan niyang magising si Heaven. Ayaw niyang maistorbo ang tulog nito dahil alam niyang pinagod niya ang dalaga.

Tinawid niya ang kinapupwestuhan ng drawer. Ang susi ay naiwan niyang nasa tabi lang ng vinyl player. It's late. Very late. Kung sino man ang tumatawag sa kanya ng ganitong oras ay tiyak na importante.

Pagkabukas niya ng drawer ay agad na tumambad sa kanyang mga mata ang maliwanag na screen ng phone niya.

He frowned. Inabot niya ito at sinagot ang tawag ng kanyang Uncle Ronan. Overseas call from Italy. "Hello, Uncle?" his voice was still raspy.

"Dreau! Finally sinagot mo rin!"

He combed his hair once again. Napalingon siya sa terrace nang makarinig ng kalabog sa baba nito. "What's wrong?"

"Umalis ka na d'yan! May pinaplanong hindi maganda si Kuya Manuel sa 'yo!"

Nagsalubong ang mga kilay ni Dreau. Hearing his father's name made him mad. "Anong plano?" matiim niyang sagot.

"He plans to torture you. Kaya umalis ka na d'yan bago ka pa niya maabutan. Some of your men backfired you too!"

"Fuck!" naalerto siya nang marinig ang isang putok.

"What is it? Tunog ba 'yon ng baril? Dreau?!"

"I'll call you back, Uncle!" the hurriedly turned off the phone. "Fuck it, dammit!" he hissed habang sinusuot ang panloob at pantalon. Humugot siya ng T-shirt sa aparador at saka patakbong nilapitan si Heaven sa kama. Tinapik-tapik niya ito sa pisngi. Nagmamadali ang kilos. "Heaven, Heaven wake up..!" he was torn between carrying her and hiding her under his bed.

Naalimpungatan si Heaven. Hinatak ang kumot at pilit na dumilat. Nang makita si Dreau ay nagtaka pa ito. "Bakit..?" her husky voice tore Dreau's heart.

"Get up, baby—hurry! Magbihis ka!" may pagmamadali niyang utos.

Napabangon si Heaven. Hindi na binuksan pa ni Dreau ang ilaw para na rin hindi malaman sa baba na gising na siya.

"Anong nangyayari?" kinakabahang tanong ni Heaven.

Dinampot ni Dreau ang bra at panty ng dalaga at sinuot dito. Inagaw naman ito ni Heaven at kusa nang nagbihis.

Kinuha ni Dreau ang baril niya sa drawer. Heaven looked up at him with a worried eyes.

"Anong nangyayari, Dreau?" she asked again. Ang tensyon na nakikita niya sa binata ay mas nagpapakaba sa kanya. Lalo pa nang nakita itong kumuha ng baril sa drawer.

Nang nakapagbihis na si Heaven ay inilang hakbang ito ni Dreau at madiing hinawakan sa balikat,

"Kahit na anong mangyari, 'wag na wag kang lalabas ng kwarto. Don't open the doors and don't turn on the light. Naintindihan mo 'ko?" mahigpit nitong bilin. Tinago ni Dreau sa dilim ang takot para sa dalaga. Hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili kung madadamay ito sa galit ng ama niya.

Hindi na maintindihan ni Heaven ang nangyayari. She wanted to ask more but there was urgency in his voice and words. "Dreau.."

"Just do what I say, Heaven. Understand?"

Lion Heart (Touch #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon