Chapter 16
3rd person's POV
"Magsipasok na kayo sa loob! Tapos na ang palabas!" tinulak at sinigawan ni Dina ang mga babae sa Casa.
May ibang inirapan at tiningnan siya ng masama dahil sa pagtulak.
Pinanlakihan ito ng mga mata ni Dina at dinuro. "Oh, anong tinitingin-tingin mo dyan?! May reklamo ka?!" matapang pa niyang tanong sa babae."
"Wala ho!" pagaspang na sagot naman nito at tinalikuran na siya.
Pinasadahan siya ng tingin ni Dina. The woman is younger than her. Well, siya lang naman ang pinakamatandang babae sa Casa. But the power that she obtained from Dreau and Ronan must be the weapon that she has over these women.
"Bilisan niyong kumilos!" sigaw niya ulit.
Hinintay niya munang makapasok ang mga babae sa pink room bago ni-lock ni Dina ang pinto. Lumabas siya at tumungo sa sala para manigarilyo. Naabutan niya roon ang ilang mga tauhan. Pagod, inaantok at may pinag-uusapan.
Humalukipkip siya at humithit sa sigarilyo. "'Di ko akalaing hindi pa tutuluyan ni Boss 'yang si Manny. Kapag si Jandro ang nakatuklas, t'yak na totoo ang hinala niya." she blurted out of the blue.
Si Edward ang nakarinig sa kanya na nakaupo sa sofa at nagkakape.
Ngumisi ang lalaki. "Eh kung 'di dumating 'yung babae ni Bossing, todas na 'yang si Manny. Maswerte pa siya at nasa bahay lang din si Sister." sabay iling nito at binaba ang tasa.
Dina scoffed hatredly. She shifted on her feet. "'Yang Heaven na 'yan ang maswerte. Kung alam ko lang na nasa kabilang kwarto lang siya, I could strangle her neck to death." Wala sa sarili niyang sabi habang ang imahe sa isipan ay ang pagtapos sa buhay ni Heaven.
She smirked when she imagined her out of breath. Choking and dying in her hands.
Napatanga naman si Edward sa kanya. "Anong sinasabi mo d'yan..?"
Dina sighed. Humithit ng sigarilyo at bumuga ng usok paitaas. She tilted her head, exposing her smooth neck. "I wonder kung kailan mauubos ang swerte niyang Heaven na 'yan.. 'di rin naman magtatagal ay pagsasawaan din 'yan ni Boss. Itatapon na parang lantang bulaklak sa basurahan." She looked at him and winked. "Don't worry, ipapatikim ko rin sa inyo ang babaeng 'yan." And gave him a wicked smile.
Umiling si Edward. "'Wag na lang. Ang kay Bossing, kay Bossing lang. Nadala na ako sa nangyari sa amin ni Dennis. Buti kung pakawalan pa siya ni Bossing. Baka nga maging first lady na 'yun dito balang araw,"
Pinanliitan siya ng mga mata ni Dina at napatuwid ng tayo. Tumapon sa sahig ang upos ng sigarilyo nito.
"Ako lang ang babae rito sa Casa!" bigla niyang inis sa kausap.
Lumapit naman sa kanila si Dennis at tinapik si Edward sa balikat. Natawa sa naging reaksyon ni Dina.
"Hala Dina 'wag kang masyadong high blood. Tingnan mo, nadagdagan na naman ang wrinkles mo sa mukha. Ilan na 'yan, isa..dalawa..tatlo..apat--" he teased her.
"Damn you!" galit na sigaw niya at saka tinalikuran ang mga lalaki.
Naiwang nagtatawanan naman ang mga tauhan sa pagkapikon ni Dina.
"Halatang patay na patay kay Bossing 'yang si Dina," ani Dennis sa kasama.
Nagkibit balikat naman si Edward at sumimsim ng kape sa tasa. "Eh kaso mas maganda at bata naman 'yung Madre. Anong panama niya ro'n?"
Dennis smirked. "Magpapa-botox muna siya. Hot pa rin naman ang Lola Dina natin,"
Lumakas ang tawanan sa sala. Narinig pa iyon ni Dina kaya padabog niyang sinarado ang pinto ng kusina.
BINABASA MO ANG
Lion Heart (Touch #2)
Ficción GeneralThis is the story of a syndicate leader who fell in love with a hostaged Nun. "I found peace and..love in her. Mapapatawad ba ako ng Diyos niya kung aagawin ko siya sa kanya?" ---- Mayaman at nakukuha ang lahat, iyon ang nakagisnan ng isang anak s...