Chapter 30

144K 4.5K 1K
                                    

Chapter 30

Heaven

Kahit namumugto na ang mga mata ko sa kaiiyak ay nagagawa ko pa ring mangiti habang pinagmamasdan si Aaron na mahimbing pa rin ang tulog sa bisig ko. Hindi ko maipaliwanag ang sobrang sayang nararamdaman ko.

I softly caressed his long hair na tumitikwas na ang dulo. I smelled him so many times and I still can't get enough of him. I held his so little hand. Nakatikom pa iyon pero pinaloob ko ang hintuturo ko sa kanyang munting palad. He stirred. Gumalaw ang labi niyang animoy may sinisipsip ang paggalaw nito pero hindi naman siya dumilat.

I kissed his fingers. Hanggang sa pinatili ko iyon sa labi ko. Walong buwan. Unang walong buwan niya ang nawala sa aming dalawa. Sinilid siya sa loob ng cake box na para bang walang buhay na nilalang ang naroon. Pero ngayong narito na ang anak ko.. "Hinding-hindi ka na mawawala sa paningin ko, anak. Miss na miss kita.." I whispered. Sinubukan kong huwag humikbi, pero hindi ko iyon nagawa.

Sinuklay ni mommy ang buhok ni Aaron. Ang Nana Yolly naman ay kanina pa rin nakatunghay sa kanya. Tuwang-tuwa at panay ang silip.

"Aba'y kamukhang-kamukha ng ama niya, Carol," Nana Yolly commented.

Hindi ko na naitago ang mangiti. That's what I thought too. But honestly, I don't mind kung maging carbon copy pa siya ni Dreau. As long as I have them both in my life.

"Hindi naman lahat, Yolly. Kamukha rin ni Norviel ang apo namin oh," she even tilted her head to find the angle.

"Ay sus. Sa haba ba naman ng biyas at kamay ni baby Aaron, eh halatang sa mga Frago namana. Ang lakas ng dugo nila kaysa sa mga Baltazar."

My mother only chuckled. Sina Dreau at Daddy ay nasa labas pa. Kausap ang mga pulis. It bothered me kung bakit may escort na pulis sina Dreau. Sina Detective Huarez siguro ay umuwi na muna.

"Nako, ayan na, nainis na,"

Agad kong binalik ang tingin kay Aaron nang pumiksi ito. Unti-unting umasim ang mukha hanggang sa tuluyan na itong umiyak nang malakas.

Naalarma ako. Tumayo pa ako para iugoy niya sa braso ko. But his cries continued. Namula na nang husto ang buong mukha niya na tila iritadong-iritado.

Kinakabahang nilingon ko si Mommy. She checked his diaper. Bagong palit pa.

"Baka may masakit sa kanya, Mommy.." nag-aalala kong sabi.

"Padedehin mo muna, anak." she advised.

Tumango agad ako. Then I look for his feeding bottle. Napansin iyon ni Nana.

"'Di, sa 'yo muna pasususohin, hija. Sagana ka naman sa gatas niya,"

Sumang-ayon na rin si Mommy. Kaya umakyat na kami sa kwarto. Sinamahan din ako ni Mommy dahil kinakabahan ako sa pagpapadede kay Aaron. Ibinigay ko muna sa kanya ang anak ko para makapaglinis ng dibdib at palit na rin ng damit.

Natataranta ako sa malakas na hiyaw ng iyak ni Aaron. Naririnig ko pa ang pagpapatahan sa kanya ni Mommy pero hindi no'n napapakalma ang anak ko.

I changed into dress na may makapal na strap. Binubutones lang din ang dulo ng strap sa pinagdugtungan nito kaya madaling tanggalin kapag magpapa-breastfeed. I didn't wear a bra. Sa loob ng dress ay naka-panty na lang ako.

Pinunasan ko rin ng basang bulak ang magkabila kong nipple bago umupo sa kama. Pumwesto ako sa headboard. I unbottoned the left strap. Dahan-dahang iniabot sa akin ni Mommy si Aaron at tinuruan niya akong itapat ang nanginginig ng labi nito sa nipple ko.

I was nervous. Siguro dahil sa malakas niyang iyak kaya natataranta ako. Pero si Mommy ay mahinahon lamang.

"Itaas mo nang kaunti ang braso mo, Heaven,"

Lion Heart (Touch #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon