Chapter 22
Heaven
"Ma'am kanina ka pa raw d'yan," mahinahong boses ng isang babae.
Mabilis kong pinunasan ang luha sa pisngi ko nang may kumatok ulit sa pinto ng cubicle. This time, ay may nakahalata nang matagal na ako sa loob. Marahil ay may nakaramdam at sinumbong ako sa isa sa mga staff ng fast food. "Sa-sandali na lang po." Sagot ko.
Sinikop ko ang tatlong PT at tinapon sa bin na nasa isang sulok. Nag-flash pa ako ng bowl bago binuksan ang pinto.
"Ay. Madre pala." Dinig kong bulong ng isang babae. Pinasadahan pa niya ako ng tingin.
I gave them an apologetic smiled. "Pasensya na po."
Nakakaintindi akong nginitian ng staff ng establishment. Umatras ng kaunti para makadaan ako.
"Okay. Ako ang sunod. Ihing-ihi na 'ko."
Parang mauunahan ang babaeng agad na lumakad at pumasok sa nilabasan kong cubicle. There were about 3 ladies waiting outside the cubicle I used. Sa kabila rin ay may nakapila na.
"OMG! Nag-preggy test ka ba rito, Sister? Ayun oh sa basurahan!" the lady spoke maliciously at me.
Napahinto ako sa paglabas at gumapang ang init sa buong mukha ko. Pati ang staff na nagpupunas na ng malaking salamin ay napahinto at napalingon sa akin. Ang ibang mga babae ay tiningnan na rin ako.
Ang babaeng nasa loob na ng cubicle ay nakasilip sa bowl at sa basurahan. Pagkatingin niya sa akin ay tinaasan niya ako ng isang kilay. Marahang pagpasada sa katawan ko ang ginawa niya. May panlilibak ako roong nakita.
She then chuckled. "Mayroon talagang hindi nakakatiis, ano? Tsk, tsk." And she closed the door.
Napayuko ako at nanlalamig na lumabas ng lugar na iyon. Ramdam ko ang pagsunod nila ng tingin sa likuran ko. Sa gitna ng ingay sa loob ng fast food chain na iyon ay ang hiya sa kalooban ko.
Agad akong pumara ng trycicle at nagpahatid sa kumbento.
Tears run on my cheek. Pinunasan ko iyon. But another tears run down.
Pagkabayad ko sa driver ay walang lingon kong tinahak ang Chapel. Binati pa ako ng hardinero namin pero hindi ko na siya pinansin. Lakad-takbo ang ginawa ko makayapak lang kaagad sa Chapel.
When I reached the first pew..para akong natutunaw na kandila. Nanginginig ang mga tuhod ko. Napakabilis ng tibok ng puso ko. At halos nakikiagaw na ako sa hangin makahinga lamang.
Nanghihina akong umupo at tumingin sa malaking krus sa altar. My lips trembled..and I sobbed. Ang mga kamay ko ay tinakip ko sa aking mukha.
Hinayaan ko ang sariling umiyak nang umiyak. I murmured 'sorry' to Him. I neglected. I broke my vow. Na buong akala ko ay mananatiling sa akin lamang ang nangyari sa akin..sa amin ni Dreau.
"S-sorry..sorry.." I murmured again. Ilang beses kong pinunasan ang mga pisngi ko pero agad ding napapalitan ng panibagong luha. "So-sorry po.." muli akong tumingin sa krus. Muli ring lumabo ang mga mata ko at napuno ng luha.
Nagtagal akong ganoon ng ilang minuto. My eyes were already sore. Nang matuyo ay natulala lamang ako at inisip ang mangyayari mamaya, bukas at sa susunod pang mga linggo.
And then my parents..
Inikot ko ng tingin ang buong chapel. Soon, kailangan ko ring iwan ang kumbento. Hindi ito para sa akin.
At may..batang nabubuhay sa tiyan ko..she or he will grow..iluluwal ko siya sa mundong ito. Isipin ko pa lang ang magiging buhay niya sa akin ay labis-labis nang alalahanin. I am a broken woman. May kapasidad ba akong maging ina?
BINABASA MO ANG
Lion Heart (Touch #2)
General FictionThis is the story of a syndicate leader who fell in love with a hostaged Nun. "I found peace and..love in her. Mapapatawad ba ako ng Diyos niya kung aagawin ko siya sa kanya?" ---- Mayaman at nakukuha ang lahat, iyon ang nakagisnan ng isang anak s...