Chapter 8

121K 3.9K 1.9K
                                    

Chapter 8

Heaven

"Mmm.." ungol ko.

Naalimpungatan ako nang makaramdam ng mabigat na nakadagan sa ibabaw ng tiyan ko. Dinantayan ko iyon. Napamulat ako ng mga mata nang maramdaman ang init ng balat ng kung sinong taong iyon.

I opened my eyes. Tumigil ako sa paghinga nang magisnan sa tabi ko, sa iisang kama si Dreau. Nakadapa ito pero sa akin nakaharap ang mukha. Hubad ang balikat.. bumaba ang mga mata ko sa baywang nitong nakalabas hanggang sa natatabingan ng kumot. Ang kanyang tattoo ay nakabalandra sa mga mata ko.

I gasped slowly. Dito siya natulog kagabi? Hindi ko na namalayan ang pagtabi niya sa akin.

Madilim-dilim pa sa labas dahil hindi pa tumatagos ang sinag ng araw sa bintana at kahit sa pinto. Ang sarap pa sanang bumalik sa pagtulog dahil sa mataas na temperatura mula sa aircon. At ang kama ay sobrang kumportable. Nakababa pa rin ang mga kurtina nito.

Kung hindi lamang ako kinakabahan sa pagkakadantay ng braso ni Dreau sa akin ay tiyak na babalik lang ako sa pagtulog.

Nilingon ko siya ulit. Tiningnan ko ang braso niya sa tiyan ko. Halos hindi ako humihinga habang dahan-dahan kong tinataas palayo sa akin ang parteng iyon ng katawan niya. Ang labi niya ay bahagyang nakabukas at hula ko ay sobrang himbing ng tulog nito.

Ang sabi ni Jandro ay uminom ito kanina. Suminghot ako ng amoy niya. Kumunot ang noo ko. Amoy sabon lang siya. May kaunting amoy ng alak pero mas nangingibabaw ang amoy panligo sa katawan niya.

Natigilan ako at pinagmasdan ang mukha niyang nahiwa ng kutsilyong pinuslit ko. Bumuntong hininga ako. Natatabingan iyon ngayon ng buhok niya pero hindi nakaligtas sa mga mata ko.

Madali kong naramdaman ang guilty. Malaking lalaki si Dreau at hindi ko akalaing magagawan ko siya ng sugat sa alinmang parte ng katawan niya. Ang muscle sa balikat niya at mga braso ay dapat ng kailagan. Idagdag pa ang malakas nitong awra. He's the complete package of a greatest warrior kung nasa unang panahon kami.

Sa ilang minuto ay hinayaang kong pagmasdan niya at dagdagan ang kuryoso sa isipan ko. Kakaiba pala ang itsura niya kapag tulog. Parang bata na nakabukas ng bahagya ang bibig. Kung tititigan pa ay maamo ang mukha niya, wala iyong bangis at tapang na palagi niyang pinaparamdam sa akin.

Pinutol ko lamang ang pagtitig sa kanya nang maramdaman kong naiihi ako. Dahan-dahan akong bumangon at tinungo ang banyo. Hindi sinasadyang napatingin ako sa vinyls niya.

Nilingon ko siya. Still the same position. Binalik ko ulit ang pansin sa player.

Lumapit ako roon at kuryosong sinipat ang player niya. It looks old. Silver ang kulay. Hindi ako maalam sa vinyls pero dahil lumang panahon pa ito nauso ay batid kong mahal din ang halaga no'n. Nowadays, ay mas gamit na ang CD player.

Nakita kong hindi pa natatanggal ang malaking plaka ng Guns and Roses. Iyon ang madalas niyang pakinggan kapalit ang british band na Oasis. Hindi rin ako nakikinig ng mga ganitong uri ng kanta dahil masyadong maingay. At kadalasan naman yata ay puro kalalakihan din ang may gusto ng ganitong genre ng musika.

Sa tabi ng vinyl player ay ang mga nakasandal na iba pang plaka. Isa-isa ko iyong binisita. Karamihan mga banda at pulos mga kakaiba ang mukha ng mga artists not until I settled my eyes on one particular vinyl.

Noong una ay kinunutan ko iyon ng noo. Among the rock artists ay may naligaw na 90s boyband. At hindi ako pwedeng magkamali dahil nahilig din ako sa ganoong kanta.

I bit my lower lip. Kinuha ko ang plaka at pinagmasdang maigi. Plus One ang pangalan ang boyband. Nangingiti ako.

Nilapag ko iyon at saka tinanggal ang Guns and Roses na nakasalang. Maingat kong nilabas ang plaka ng Plus One at iyon ang pinalit ko.

Lion Heart (Touch #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon