Chapter 28
Heaven's POV
Napalingon ako sa bukana ng kusina. Si Issay lang ang pumasok. Napabuntong hininga na lamang ako ulit.
Pagkahugas ko ng mga kamay ay lumabas ulit ako at tumayo sa porch, tinanaw ang daan palabas sa gate. I sighed. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nagparoon at parito matingnan lang kung nakabalik na sina Dreau kahit na imposible naman. Dalawang oras pa lang ang lumipas mula nang umalis sila. Dadaaan pa silang Mataas na Kahoy at Lipa. Tiyak na aabutan na sila ng gabi o madaling araw o hindi kaya kinabukasan pa.
Umiikot din sa isipan kong babalik siya rito, sa akin. Kakausapin ako o lalambingin. I gulped. "I miss you already.." I murmured. Kung minsan ay hindi ko kayang panghawakan ang sariling inis kapag nakikipagtalo ako sa kanya. He's a hot-tempered man. Siguro ay hindi langa ko sanay na mayroong karelasyon.
He's my boyfriend.. my soon-to-be husband.. my partner. But I would still acted like some single/independent woman. I should have respect him too. As a man and as the father of my child.
At sana ay magkaroon sila ng lead sa paghahanap sa anak namin.
Hinaplos ko ang mga braso nang umihip ang malamig na simoy ng hangin. I sighed. Patalikod na ako nang tawagin ng isa sa mga tauhan ni Dreau. Nilingon ko siya. Kumunot ang noo ko.
"Ma'am nasa gate po si Ms Angel," imporma niya sa akin.
Mabilis akong napaharap sa kanya. "Papusukin niyo." Sabi ko. Dreau knew her, bakit kailangan pang ipaalam sa akin.
The guy cleared his thoat. "Nagbilin po kasi si Boss Dreau na 'wag magpapasok ng kahit sino—"
"Girlfriend 'yun ni Jandro." Pati ako ay natigilan sa lumabas sa bibig ko. Pero nasabi ko na kaya..simple akong nagkibit balikat.
Siya namang kunot ng noo niya. "Po..?"
He's not sure. Wala naman yatang pinapakilalang nobya sa kanila si Jandro.
I bit lower lip and I cleard my throat. "Girlfriend ni Jandro si Angel kaya papasukin niyo. Tawagin niyo pa si Jandro at ipaalam sa kanya.." hamon ko pa sa huli.
Napakamot sa batok ang lalaki. Nilagay sa tainga ang kanyang cellphone. "Girlfriend daw siya ni Sir Jandro. Papasukin niyo na." at saka pinatay ang tawag. He looked at me. At tila may tinging 'kayo ang bahala, ma'am' sa akin. "Pinadaan na po, Ma'am" paalam niya sa akin.
Tumango na lang ako bilang sagot at bumalik siya sa kanyang pwesto. Ilang sandali pa ay natatanaw ko na ang pulang hondo civic ni Angel. Secondhand niya iyong nabili sa kakilala. Wala pang isang taon nang mapunta sa kanya.
Nakabukas ang bintana kaya kinawayan niya ako. Pinarada ang sasakyan sa tapat ng front door. Pinatay ang makina. Pagkababa ay pinasadahan ng tingin ni Angel ang mga nakabantay na lalaki sa labas. Napanguso at saka umakyat sa porch.
"Nandito ba ang presidente..?" biro pa niya.
Hinawakan ko siya sa braso at hinila papasok sa loob ng bahay. "Mga tauhan sila ni Dreau."
"Anong meron? Dito na ba siya titira?"
Dito nga ba? "Hindi pa namin napag-uusapan. May nangyari kasi kay Detective Denzel kaya..pinapunta niya rito ang mga tauhan niya. Denzel was killed."
Angel gasped. Huminto sa paglalakad at shocked akong tinitigan. "What?!"
I sighed and nodded. "Nang puntahan siya ng mga detective ni Dreau, they found him dead in his condo unit. Merong witness pero hindi naman niya nakita ang mukha ng pumatay. And all...his documents or written reports about Aaron were missing."
BINABASA MO ANG
Lion Heart (Touch #2)
General FictionThis is the story of a syndicate leader who fell in love with a hostaged Nun. "I found peace and..love in her. Mapapatawad ba ako ng Diyos niya kung aagawin ko siya sa kanya?" ---- Mayaman at nakukuha ang lahat, iyon ang nakagisnan ng isang anak s...