Chapter 24
3rd Person's POV
"Ay bwisit! Ang ingay mong bata ka!" rinding sigaw ng babaeng nakatakip ang mukha sa hawak na sanggol.
Bumaba siya mula sa sinakyang jeep at nakarating ng Mataas na Kahoy. Gutom na gutom na siya at naririndi pa sa batang kanina pa iyak ng iyak sa kanyang bisig.
"Kung akala mong palalamunin kita, manigas ka! Hindi ka na makikita ng mga magulang mo!" her anger ate her humanity. Binigyan niya ng tela ang bata at basta na lang tinakip sa bibig nito.
Malalim na ang gabi. Naghanap siya ng basurahang pagtatapunan sa sanggol nina Dreau at Heaven. At hindi kalayuan mula sa kinauupuan niyang semento ay namataan niya ang patung-patong plastic na itim sa gilid ng gutter. Napangisi siya at tumungo roon bitbit ang ginamit kaninang kahon ng cake.
Sinipa niya ang ilang plastic. Ang space na ginawa ay pinaglagyan niya ng kahon ng cake at saka nilapag doon ang sanggol na sipsip ang binigay niyang tela.
Tinakip niya sa paligid nito ang mga plastic ng basura.
She smirked. "Ikaw ang magbabayad ng kasalanan ng mga magulang mo." saad nito bago tumakbo at iniwan ang sanggol.
Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating ang isang lalaking magtatapon ng basura.
Leo stopped. Pinakinggan ang paligid..natakot pa siya at baka may nagmumulto sa kanya.
Namilog ang mga mata niya. "Multo..? Multo ba 'yan..?" tanong pa niya. Kinilabutan siya. "May umiiyak na sanggol!" bulalas niya.
Tinakbo niya ang umpok ng mga basura at hinawi ito. Palakas nang palakas ang hiyaw ng bata hanggang sa makita niya ang pinaglagyan nito. "Sanggol! M-may sanggol dito!" sigaw niya. Pero wala ni isang dumaraan sa mga oras na iyon.
Kinuha niya ang bata at tinanggal ang telang nakatabing sa mukha nito. Nagpalingon-lingon siya sa paligid. Balak niya sanang dalhin ang bata sa barangay. Ngunit may bigla siyang naalala. Huminto siya sa gilid at masuyong tiningnan ang sanggol na nakatulog sa kaiiyak.
Then he smiled. "Iuuwi na lang kita sa Talisay.." he murmured. Naalala ang pag-uusap nilang mag-asawa para sa kapatid nitong gustong mag-ampon dahil hindi magkaanak noong nakaraang buwan lamang. Naghahanap ng maaampon ang mag-asawa.
Inuwi niya sa kanilang bahay si baby Aaron. Nang magising ang bata at nag-iiyak ay ay binigyan ito ng breastmilk ng asawang babae. Kapapanganak lang din ng kanyang asawa kaya may gatas pa. Nagkasundo ang dalawa na bukas na bukas din ay isorpresa ang kapatid nito kasama si Aaron.
**
(Talisay, Batangas)
Napanganga si Michelle nang makita ang sanggol na dala ng kapatid niya. Agad niya itong binuhat at magaang hinaplos ang pisngi ni baby Aaron.
"Lalaki ba siya, Ate?" nakangiti niyang tanong.
Ngumiti si Lovely at dinuyang ang sariling anak. "Oo."
Michelle smiled. "Aba'y kay gwapong bata.." tiningnan nito ang asawa mula sa ginagawa nitong pagkukumpuni ng telebisyon. "Malaking bulas yata ito, babe.." magiliw pa rin niyang komento.
Ngumiti lang ang asawa niya at saka tumayo. Naghugas ng mga kamay at sinilip si Aaron. Inakbayan si Michelle at pinisil ang balikat. "Sabihin mo na sa kanila, babe." mahina nitong udyok sa kanya.
No'n lamang nabalik ang huwisyo si Michelle. Marahang tumango sa asawa at binalik sa bayaw ang baby.
Nagkatinginan sina Lovely at ang asawa nito.
BINABASA MO ANG
Lion Heart (Touch #2)
General FictionThis is the story of a syndicate leader who fell in love with a hostaged Nun. "I found peace and..love in her. Mapapatawad ba ako ng Diyos niya kung aagawin ko siya sa kanya?" ---- Mayaman at nakukuha ang lahat, iyon ang nakagisnan ng isang anak s...