Chapter 34

133K 3.8K 1.1K
                                    

Sinabi sa kanya ni Jesus, "Hangga't hindi kayo nakakakita ng mga himala at mga kababalaghan, kailanman ay hindi kayo sasampalataya." Juan 4:48

Ingat po!

*********

Chapter 34

Heaven

"Hija.."

Nilingon ko si mommy na tumabi sa akin. Nasa veranda ako at nakangiting pinapanood si Aaron na pinapasyal ni Dreau malapit lang sa Villa. I urged him used a carrier. Na hindi niya gusto noong una pero napilit ko rin sa huli.

Ilang beses ko silang kinunan ng palihim ng litrato at sisuguruduhin kong mapi-print ko iyon sabay lagay sa photo album. Looking at him, a broad shouldered man, a big tattoos on his arms, a manly stubble and a sexy body carrying a baby in a carrier hung on his shoulder..that would be his breakthrough as  a father. I softly giggled the thought.

Halos hindi ko na matanggal ang paningin ko sa mag-ama ko. Yes, they are mine.

"Mommy," nakangiti kong tugon sa kanya.

She smiled at me. Tinanaw rin ang mag-ama. Dreau was talking to Aaron. Napapangisi kung minsan. At ang kamay ay nakasalo sa likod ng ulo ng anak habang nakatingala sa kanya.

"Kinausap daw ni Dreau ang daddy mo.."

I stayed my eyes on her. Kumurap-kurap ako sa gulat.

"Dreau wants a grand wedding for you." Nilingon niya ako.

Napaawang ang labi ko.

"Hindi man niya deretsong sinabi pero parang hiningi na rin niya ang kamay mo sa amin." banayad niyang sabi.

My heart froze and then went crazy. "Wala pong..nababanggit sa akin si Dreau, Mommy. But you know that..I want to marry him too. Not just because of Aaron."

"Alam namin iyon, hija. Matagal na, 'di ba?"

I slowly nodded. Nahihiya rin ako sa kanila dahil sa kwarto ko na naglalagi si Dreau. Hindi man sila kumikibo ay alam kong nakikiramdam din sila sa amin.

But I am proud for what Dreau did. Asking for my hand from my parents..who said he can't be good man? In his own way, he can.

"At pinagpaalam na rin niya ang pagbisita ninyo sa Boac. Pero pagkatapos daw munang mabinyagan ang apo ko,"

Tumango ako. "Aasikasuhin na po namin 'yan, Mommy."

She agreed. "Gusto rin palang bumisita nina Mother Superior dito. Nasasabik silang makita ang anak mo."

Napangiti ako. Tinawagan na ako ni Sister Lima kanina lamang tungkol sa pagbisita. Darating sila bukas o hindi kaya ay sa makalawa. I'm excited to see them too. And for them to meet Dreau and Aaron for the first time.

Napatingin kami ni Mommy nang marinig ang parating na sasakyan. It's a truck. Nilingon din iyon ni Dreau. Nilapitan ni Cardo ang driver ng truck at tinuro ang direksyong paparkingan.

"Iyon na yata ang mga poste ng ilaw na itatayo ng nobyo mo," mommy said.

Pagkalingon ko kina Dreau ay palapit na sila sa akin. Pinagmamasdan ni Dreau ang truck na pinalagpas sa Villa at ngayon ay tinatahak na ang hotel.

Sinalubong ko siya pagdating sa lilim. Tinanggal ko ang lock sa baywang ni Aaron at saka siya binuhat. I kissed his neck and giggle. Oh how I love his baby scent. Bagong paligo pa. Ang hawak kong bimpo naman ay pinunas ko sa noo at leeg ni Dreau na pinagpapawisan na. He even closed his eyes while I was wiping his sweats.

"Sa loob na kayo. Puntahan ko lang 'yon," kinuha niya ang kamay ko at dinampian ng halik.

Si Jandro ay nakita kong sumunod na rin doon.

Lion Heart (Touch #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon