Chapter 14

141K 4K 1.1K
                                    

Happy 2020! God bless you all! ❤️🎊

********

Chapter 14

Heaven

Hindi ko makuha ang tinging binibigay sa akin ni Jandro habang nagmamadaling lapitan ako. "Jandro..bakit?" mahina kong tanong sa kanya pagkalapit.

Tumikhim ang tindera sa likuran ko. "May kailangan ka pa ba, Miss? Huy!" untag niya sa akin.

Nalito ako kung kanino ibibigay ang atensyon. Si Jandro ay husto nang nakalapit at tiningnan din ang tindahan.

Nilingon ko ang tindera. Kinakabahang ngumiti. "Pasensya na po," sabi ko na lang at humakbang na ako paalis doon para hindi makaharang sa tindahan. Bahagya akong nagulat nang paikutan ako nina Jandro at ng tatlo pang kasunod niya.

May ilang taong nakakapansin ng pag-ikot nila sa akin pero hindi naman kumibo. Mahigpit akong napahawak sa veil sa aking braso.

"May..kailangan pa kayo?" tinubuan ako ng kumakabog na dibdib. I looked around.. pero hinarang nila maging ang paglingon ko sa ibang tao sa paligid.

I looked up at Jandro. I questioned him.

He sighed. Tiningnan sandali ang mga kasama. "Lumayo kayo ng kaunti.." utos niya sa mga ito.

Walang kumibo at sumunod na lamang sa sinabi niya. Nagkanya-kanya silang layo. Iyong isa ay pasimple lang bumili ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan sa harap ng tindahan.

Muli kong tiningnan si Jandro. He looked at me and sighed again.

"I'm sorry, Sister Heaven. Pero..pinababalik ka ni Boss sa Casa." Sagot niya sa akin.

Namangha ako. Napatitig ako sa kanya at naghintay pa ng idudugtong pero hindi na siya nagsalita pa ulit.

Napalunok ako. "P-pero bakit..?" at halos mapaigtad ako nang bigla niya akong hawakan sa siko at banayad na hinila paalis doon.

Hindi ako no'n nakatanggi dahil sa tatlo pa niyang kasama. Sinubukan kong lumingon ulit sa ibang tao..I even wanted to ask for a help pero para bang may mga batong nakaharang sa lalamunan ko. I couldn't speak. I am scared. But I'm not willing to scream.

Iba naman ang pakitungo ni Jandro sa paglingon ko at binulungan pa, "'Wag mo nang subukang sumigaw, Sister. Walang silbi 'yan." Warning niya sa akin.

"Ano ba 'tong ginagawa niyo sa akin? Pinayagan na niya akong umalis, 'di ba? Bakit..bakit binalikan niyo 'ko ngayon?"

Makahulugan niya akong tiningnan habang naglalakad kami pabalik sa bahay na iyon.

"May mali sa nangyari kaya ka pinababalik ni Boss."

"Anong mali? G-ginawan ko naman ang gusto niya. Sinunod ko ang gusto niya. Ano ang mali roon?" suddenly, I felt a pang of pain in my chest.

"Hindi ko alam ang sagot dyan. Mas mabuting tanungin mo na lang siya.."

Ramdam ko ang pagkaputol niya sa sasabihin nang mapatingin sa isang itim na van na dumaan sa gilid namin. Sinundan ko rin iyon ng tingin. Wala akong makita dahil sa tinted ang mga salamin pero kung makatitig doon si Jandro ay para bang tumatagos ang mga mata sa loob ng sasakyang iyon.

At malakas akong napasinghap—"Jandro!" nang bumaba ang salamin sa passenger seat at unang lumabas ang dulo ng isang baril.

Agad akong nanigas sa panlalamig. Mabilis na kumilos sina Jandro at ang mga tauhan niya. Agad na naglabas ng kanya-kanyang baril at tinutok din doon.

Lion Heart (Touch #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon