Chapter 17

125K 4.1K 1.7K
                                    

Chapter 17

Heaven

Hindi ako umalis sa bintana hanggang sa tuluyang makita ko sa baba si Dreau. Nakapasok na ang Papa at iyong babaeng kasama. Sinarado na rin ni Jandro ang gate.

Agad na nilapitan ni Dreau ang ama. His father didn't have any emotions on his face. It was like..a plain reaction upon seeing his own son. Kahit na natatakpan ang mga mata nito ay nababanaag ko ang kawalan nito ng interest. Habang si Dreau ay animoy excited ang itsura rito.

Matapos na ngumiti naman ang iyong babaeng kasama. Humakbang at walang sabing hinalikan sa labi si Dreau.

Namilog ang mga mata ko. Tinulak agad ito ni Dreau at nag-angat ng tingin sa akin. Hindi maipinta ang mukha niya.

Napapaso na akong umalis sa terrace at pumasok sa loob ng kwarto niya. Napadampi ako ng hawak sa dibdib nang bumulusok ang malakas na sipa ng puso ko. Na para bang gusto nitong durugin ang butong nakapaligid sa dito.

I gulped. Sa iglap lang ay tila dinaanan ng buhawi ang isip at puso ko. Dahil ba iyon sa paghalik ng hindi ko pang nakikilalang babae kay Dreau?

Mabilis kong iniling ang ulo. "I'm not..affected!" I whispered. Ilang beses ko pa iyong inulit para lang mapakalma ang tila nag-panic kong puso ko.

I heaved out a deep sigh. Nilatag ko na lamang ang sarili sa kama at pumikit.

"I'm not affected." ulit ko.

***

"Nasaan si Dreau?" tanong ko kaagad kay Billy nang dalhan na niya ako ng panghapunan ko sa kwarto. Ilang beses na akong sumisilip sa labas at wala pa rin doon si Dreau. Mula pa kanina ay hindi pa nagpapakita sa akin.

Sinulyapan ako ni Billy habang isa-isang nilalapag ang mga dala sa mesa.

"Hindi ko po alam, Ma'am. Baka po..kasama lang ni Kuya Jandro sa baba."

Pinagmasdan ko na lang ang pagkaing dala niya. Tulad kaninang tanghali ay mag-isa lang din akong kumain.

"Kasabay niya bang kumain ang Papa niya kanina?" I asked.

Natigilan sa paglapag ng tasa si Billy. "P-po? Eh, 'di ko nakita, Baka po,"

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. He look tense. Kumunot ang noo ko. "Sa labas sila kumain?" usisa ko pa.

Maiintindihan ko naman kung hindi nila gugustuhing kumain dito sa Casa. But the food here is good. Masarap din namang magluto ang Tatay ni Billy. But then, hindi ko naman sila personal na kilala. Base sa mukha ni Dreau kanina..siya ang klase ng anak na paluluguran ang magulang.

Siguro ay nakadepende siya sa ama niya buong buhay niya dahil wala siyang nagisnang ina. He's a bastard. That must be very hard for him too.

I bit my lower lip. I tssked. Ilang beses ko pa siyang ininsulto tungkol sa pamilya. "Haisst!" I murmured regretly.

"Hindi niyo po ba gusto ang pagkain niyo, Ma'am Heaven?" nag-aalalang tanong ni Billy.

I sighed and looked up at him. I smiled. "Hindi-I mean, hindi sa 'yo 'yun." Napakamot na ako sa noo dahil sa mali kong sagot. "Basta. Naiinis ako sa Boss mo." dumulas na ang mga salita sa dila ko.

Siyang kamot naman sa batok ni Billy. Bahagya akong tumawa dahil sa batid kong naguguluhan na yata siya sa akin.

"Salamat, Billy. Kain?" alok ko. Inabot ko ang kutsara at tinikman ang sabaw ng nilagang maraming kalabasa.

He stood up straight and held the tray. "Salamat po, Ma'am. Sige po, lalabas na po ako."

Nginitian ko siya. Pagkalabas niya ay hindi rin naman ako nakakain kaagad. Nilingon ko ang terrace. Does his father approve his business? Ganito rin kaya ang negosyo ng ama niya?

Lion Heart (Touch #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon