Chapter 23
3rd Person's POV
Dinala ni Ronan sina Dreau sa kanyang private resort. Doon ay naiayos na niya ang pagdadala ng dalawang doktor at ilang nurse para mabantayan pa rin ang kalagayan ng pamangkin at nina Jandro.
Pinahintulutan din niya ang mga Frago na makapasok sa loob.
Inasikaso kaagad ng mga doktor si Dreau dahil sa pagdurugo ng balikat nitong may tama ng baril. Dreau constantly cursing all throughout the walking and transfering into his room in the resort. Hindi na alintana ni Cecilia ang malulutong nitong mura kahit pa sa harapan nilang mag-asawa. Meanwhile, Euric examined his brother. This man is a carbon copy of his father Flameric. At ang lukso ng dugo na kanyang nararamdaman ay hindi na niya maitanggi. He wanted to bring him in a nearest ospital but that's gonna be impossible. He smelt something's not right with this group. Maraming tauhan ang nakakalat sa labas at ang umaatikabong barilan sa clinic na pinanggalingan nila ay madugo.
Maaari silang mamatay doon kung hindi lang nakataas.
Ang mag-amang Frago ay naghintay sa labas ng kwarto hanggang sa matapos ang mga tumitingin na mga doktor kay Dreau. But not Cecilia. She insisted to be with his son.
Dreau noticed the woman. Panay ang iyak at hawak sa kamay niya. Nang tingnan niya si Ronan para humingi ng paliwanag ay nagkibit lamang ito ng balikat.
Matapos ang mahabang minuto ay natapos ang panggagamot. Pinalitan ang benda ng balikat at binti si Dreau. Pinainom ng gamot. Even Jandro and Billy were properly checked too.
Pagkaalis ng mga doktor ay agad na kinamusta ni Cecilia si Dreau. Sinuklay ang tumatabing buhok nito sa mga mata. Her eyes were pooled by her tears. At malakas ang kabog ng kanyang dibdib. The same way she held him after he was born, lying on her arms with a blood on his forehead.
Tinitigan ni Dreau ang babae. He cleared his throat. Kumakalabog din ang dibdib sa kaba. "Sino ho ba kayo?" he asked bluntly.
Naupo sa tabi ng kama si Cecilia at pinagmasdan ang anak. Siya namang pasok nina Flameric at Euric. Tumayo sa tabi ng asawa si Flameric habang tumayo sa paanan ng kama si Euric. Both were very nervous upon finally being closed with the missing prince.
Umupo sa single sofa si Ronan. He sighed. "They are..your real parents, Dreau." He started.
Agad na nilingon ni Dreau ang tiyuhin. Nagsalubong ang mga kilay. "What the fuck?!" he was still surprised hearing it from his uncle.
Namulsa si Euric at napatingin sa kanyang ama. Flameric looked at his second son too. Habang si Cecilia ay halos mapapikit sa salitang lumabas sa anak.
Sa katabing lamesitang gawa sa rattan ay nagsalin ng brandy sa goblet si Ronan para maibsan man lang ang tensyong naramdaman mula pa kanina.
"Sinabi na sa akin ni Kuya Manuel, Dreau. Hindi ka niya anak kaya..humingi ako ng tulong sa kanya nang mangailangan ka ng dugo at inamin niyang wala siyang magagawa dahil hindi ka naman niya anak—"
"Ayaw niya lang akong bigyan kaya 'yon ang sinabi niya!" he was started to get pissed. Napangiwi siya nang sumakit ulit ang balikat niya dahil sa biglaang pwersa.
Cecilia got alarmed, "Calm down, hijo.." mahinahon niyang payo rito.
Napapikit si Dreau. He was feeling the pain but the pain in his chest was unbearable. Wala siyang balak na tulungan ng ama. Ganoon ka walang kwenta ang buhay niya para rito. Not even a droplet of his blood.
"Ako ang nagbigay sa 'yo ng dugo, Trojan. Our blood type is rare." Sagot ni Flameric.
Muling dinilat ni Dreau ang mga mata at tiningnan ang lalaking nagsalita. Nagtagal doon ang titig niya.
BINABASA MO ANG
Lion Heart (Touch #2)
General FictionThis is the story of a syndicate leader who fell in love with a hostaged Nun. "I found peace and..love in her. Mapapatawad ba ako ng Diyos niya kung aagawin ko siya sa kanya?" ---- Mayaman at nakukuha ang lahat, iyon ang nakagisnan ng isang anak s...