Chapter 25
Dreau's POV
Ngiting-ngisi ang naging reaksyon ko nang panoorin ko siyang naglakad palayo sa akin. Umiling ako at hinaplos ang pisnging malakas niyang sinampal. Maybe she missed me that much.
Nang mawala sa paningin ko ang reyna ko ay saka naman nagmamadaling lumapit sa akin si Jandro. He got a worried face.
Yumuko ako at tiningnan ang palad ko. I felt it. Her breast were larger. Katulad pa rin noon pero mas mabilog at lumaki yata ngayon. But I like it here in my hands. They fit at each other. So perfect match.
"Boss. Mainit agad ulo ni Heaven?" nagtataka niyang tanong sa akin.
I smirked. "Saan siya ng nagpunta?" hanap ko agad.
Jandro cursory nodded a direction. "Sa bahay na nila. May dinner daw,"
Kumunot ang noo ko. "Umalis agad? Iniwan ako?!" I felt the familiar alarm in my chest. Hindi ko na nahintay pa ang isasagot ni Jandro at tinakbo ko agad ang nilabasan ni Heaven. Si Attorney Dela Rosa at Donna na lang ang naabutan ko. Napahilot ako ng sintido sa inis.
Donna laughed at me. She teased me. Tinuto-turo pa ako.
"Basted ka pala Kuya eh. May pabili-bili ka pa ng lupa dyang nalalaman. Semplang ka lang pala sa reyna mo." pang iinis niya sa akin.
I glared at her. Malakas na naman siyang tumawa at napahawak pa sa kanyang tiyan. Dapat hinagis ko na lang 'to sa labas ng eroplano. Badtrip.
Malalaking hakbang ang ginawa ko pasakay sa sasakyan.
***
Heaven's POV
Pagkaparada ko ng pick up ay agad na akong lumabas ng sasakyan at umakyat sa loob ng bahay. Angel followed me quitely and I felt guilty dahil sa galit na nararamdaman ko kaya hindi ko siya masyadong nakakausap.
Huminto ako sa sala. Mariin akong pumikit at bumuntong hininga. Tila minamartilyo ang dibdib ko sa lakas ng tibok ng puso ko. Magkahalong pananabik, pagkabigla at galit ang nararamdaman ko. Para lang iyon sa isang tao at hindi ko dapat ibagay sa lahat.
Inhaled, exhaled. Dumilat ako at pilit na nginitian si Angel. She put down her bag on the couch. "Ipapahanda ko lang ang hapunan, Angel. Kung gusto mo ay magpahinga ka muna sa guest room." I suggested. Mayroon na rin naman siyang tinutuluyan na kwarto rito sa amin.
Nginitian niya ako. Kinumpas ang isang kamay. "Don't worry about me. Tutulong na lang ako sa paghahain," she volunteered.
I sighed. "Thank you." I murmured.
Ngumiwi siya at tinaas ang sleeves ng polo niya bago magsiko. "Ay sus!" balewala niyang ekspresyon.
Sa kusina ay naroon sina Nana Yolly at Issay. We're down to two househelp. Kaya kung may libre akong oras ay ako na rin ang namimili sa palengke.
Kasalukuyan silang nanonood ng TV sa kusina nang pumasok kami. Napatayo sina Nana, "Kakain na ba kayo, hija?" tanong niya sa akin.
Tumango ako at binuksan ang cabinet. "Opo, Nana." Napahinto ako at binilang kung ilang tao ang hahainan. Kumuha ako ng anim na plato. Agad naman akong nilapitan ni Issay para tulungan. "Palabas nalang sa dining ng mga pagkain, salamat."
"Sige po, Ate." Tumalima agad si Issay. Tinanggal ang mga takip nang nalutong ulam at nilagay sa tray bago lumabas ng kusina.
Habang si Angel ay abala ay paglalabas ng mga baso at tubig sa fridge.
Sinaway naman kami ni Nana.
"Ako na, ako na riyan. Kagagaling niyo lang sa byahe," sermon niya sa amin.
BINABASA MO ANG
Lion Heart (Touch #2)
General FictionThis is the story of a syndicate leader who fell in love with a hostaged Nun. "I found peace and..love in her. Mapapatawad ba ako ng Diyos niya kung aagawin ko siya sa kanya?" ---- Mayaman at nakukuha ang lahat, iyon ang nakagisnan ng isang anak s...