Prologue

512 23 7
                                    

Prologue

Celestina Devins

NAPABUNTONG-HININGA ako habang nakatingin sa kaharian. Madami akong nakakarinig ng palahaw at pagmamakaawa ng mga kaluluwang nakarating na sa mundo ng immortal, ang lugar ng kung saan dapat silang parusahan.

Kami ang mga demonyong naghahari sa mundong ito. Kami ang mismong naghahatid sa mga kaluluwa sa mismong magiging tahanan nila habang buhay. Ang magiging tahanan na nila simula ngayon.

Nakikita ko ang mga kaluluwa na halos humiga na sa malamig na sahig dahil pinagsisisihan na nila ang ginawa nila sa mundo ng mga tao, mga mortal. Sila kasi ang mga taong may ginawang malaking pagkakamali kaya napunta sila sa lugar na ito.

Hindi ko alam kung maaawa ba ako o hindi. Desisyon nila 'yan at ito ang kahahantungan ng ginawa nila sa mundo ng mga tao. Wala na silang magagawa dahil nakapasok na sila rito. Wala ng atrasan.

Tumayo ako at hinayaan na lang ang mga tauhan ng ama ko sa gawain nila. Tinungo ko ang labas ng kaharian at pumunta sa malawak na hardin pero hindi 'yon ang gusto kong puntahan talaga, tinahak ko ang daan patungong puno. Ang paborito kong lugar.

Kahit madilim ang kalangitan ay nakakatulong sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Nakakaginhawa sa pakiramdam at parang wala ako sa mundo na kinalakihan ko. Umupo ako at sumandal sa puno. Pinikit ko ang aking mga mata at pinapakiramdam ang malamig ng simoy ng hangin.

Kuryoso ako kung ano ang tinutukoy ng ibang kaluluwa ang mundo nila, mundo ng mga tao. Ano kaya nakikita ro'n? Maginhawa ba ang mundo nila? Masaya? Walang maririnig na mga pagmamakaawa ng mga kaluluwa? Malayo sa magulong mundo? Parang gusto ko pumunta ro'n at maramdaman ko kung ano ang nararamdaman ng mga tao. Palagi na lang ako kuryoso tungkol sa mundo nila ng marinig ko ang salitang 'mundo ng mortal'.

"Napakalalim ang iniisip mo, binibining Celestina."

Napadilat ako at mabilis akong napa-angat ng tingin ng may narinig akong boses sa likod ko. Otomatikong kumunot ang aking noo ng may nakita akong babae na sobrang ganda. Tanya ko ay mas matanda sa akin ng ilang taon.

Pero nagtaka ako kung bakit siya narito? Hindi p'wede ang pumapasok galing sa labas. Ang tangi lang pinapapasok ni ama ay mga kawal niya at kilalang kaibigan niya lang ang pinapayagan niya makapasok sa kaharian.

"Walang nakakaalam na nakapasok ako sa kaharian na ito."

Nanlaki ang aking mata ng mapagtanto ko na nabasa niya ang nasa isipan ko. Paano 'yon? Oo, may kakayahan kami makapag-basa ng isipan ng bawat immortal pero sarado naman ang isipan naming mga maharlika dahil may kakayahan kami na pagilan ang mga ibang immortal na mabasa ang isipan namin. At nagulat talaga ako na nabasa nitong babae ang nasa isip ko.

"Sino ba ang hindi makakakila sa bunsong anak ni Dansel?" nakangiting sabi niya. "Huwag kang matakot sa akin, binibini. Nandito ako upang tulungan ka."

"T-tulungan? T-teka sino ka ba?" biglang tanong ko sa kanya.

"Ako si Zara, ang makakapag-bigay sayo ng kahilingan na gusto mo." dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Napa-ayos naman ako ng upo. "Kaya kitang dalhin sa mundo ng mga mortal na hindi kayang ibigay sayo ng iyong ama."

Napayuko ako ng naalala ko na nagalit sa akin si ama dahil hiniling ko sa kanya noon na gusto ko pumunta sa mundo ng mga mortal. Hindi niya ako pinayagan dahil natatakot siya sa maaaring mangyari sa akin pero nagpumilit ako hanggang sa hindi ako pansinin ni ama dahil sa nangyaring 'yon. Nalaman ko na kaya hindi niya ako pinapayagan dahil para protektahan ako sa kapahamakan, ayaw niyang masaktan ang kanyang nag-iisang prinsesa ng impyerno dahil kailangan ako pangalagaan nila habang buhay.

Pero nasa batas nila 'yon. Ang protektahan ang maharlika dahil espesyal sila sa mundong ito.

"Napakahirap naman ang kahilingan na 'yon." saad ko sa kanya.

"Hindi mahirap, binibini. Para sa akin ay napakadaling gawin ang kahilingan na 'yon. At totoo iyon kung papayag ka sa kahilingan na ginawa ko para sayo." hindi maalis-alis ang kanyang ngiti sa labi.

"Ngunit ayaw ko na magalit sa akin si ama." mahinang tugon ko sa kanya.

"Iyon ang kahilingan mo sa kanya noon pa diba? Maintindihan naman 'yon ng iyong ama, hindi siya magagalit dahil 'yon ang gusto ng kanyang prinsesa."

"Sigurado ka ba riyan, Zara?" paniniguro ko.

"Oo naman."

"Hindi ba delikado ro'n sa mundo ng mortal?" tanong ko.

"Hindi, maganda ang tanawin do'n. Mapayapang lugar, walang magmamakaawang tinig ang maririnig mo ro'n. Maaliwalas ang paligid at marami kang kaibigan na makikilala." nakangiting pahayag niya sa akin kaya hindi ko maiwasang mapangiti. "Ano gusto mo ba na pumunta sa mundo ng mortal?" tanong niya sa akin.

"May kapalit ba ang kahilingan na 'yan?"

Tila napaisip siya. "Mayroon."

"Ano naman 'yon?"

"Saka ko na sasabihin ang tungkol do'n kapag kinakailangan ko na." makahulugan siyang ngumisi sa akin kaya kinilabutan ako. "Ano gusto mo ba?"

Saglit ako napaisip sa kanya. Masaya ako na makakapunta ako sa mundo ng mortal, sana may makilala akong magiging kaibigan do'n kasi rito ay halos ilag sa akin ang mga immortal na mababa sa akin kaya wala akong kaibigan na maituturing dito.

"Kanina pa ako naghihintay, binibini." tila naiinip na sambit niya.

Ngumiti ako sa kanya. "Oo, gusto ko ang kahilingan na gusto mo para sa akin."

"Nagkakaintindihan na tayo sa usapan." masayang sabi niya at humarap sa akin. "Pero ipapangako mo sa akin na huwag mong ipapaalam na isa kang immortal at anak ng demonyo, maliwanag ba?"

Tumango ako. "Oo, ipapangako ko." tugon ko sa kanya.

"Kung magkakaintindihan na tayo ay hawakan mo ang aking kamay at pupunta tayo sa mundo ng mga mortal." sabi niya sa akin at nilahad ang kanyang kamay.

"Pero si ama baka magalit siya na bigla akong umalis sa kaharian."

"Hindi 'yan, magtiwala ka lang sa akin." ngumiti siya na pinapahiwatig na ayos lang ang gagawin namin.

Pumikit ako at huminga ng malalim saka dumilat muli at tumango sa kanya.

~~~**~~~

Jammmyyykyut

The Princess of Hell | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon