Chapter 20

93 11 0
                                    

Chapter 20

Crisanta Velins

HINDI MATANGGAL-TANGGAL ang tingin ko kay Celestina na nakapwesto sa isang sulok kasama ang isang hindi pamilyar na lalaki, nakaupo sa harap niya. Napapansin ko rin ang lalaki na tingin nang tingin sa gawi namin. Nararamdaman niya siguro ang tingin namin sa kanila.

"Who's that boy?" taas kilay na tanong ni Pamela na katulad ko ay hindi rin matanggal ang tingin doon. "I don't familiar to his face."

"If I'm not mistaken, his name is Ethan Aguirre. He's from Business Ads too but he's another room. And he's popular in Clariton University because he's the winner of beauty contest for boys." paliwanag ni Georgina at kinain ang sandwich na nilibre ni Pamela.

"Okay." hindi interesadong sagot ni Pamela at umiwas nang tingin pero alam ko na minamatyagan niya ang kinikilos ni Celestina.

Pasimple lang ang tingin ko pero napapansin pa rin ng lalaking kasama ni Celestina sa table ang tingin naming tatlo. Ramdam ko na rin na sinabi niya kay Celestina ang napapansin niya dahil minsan na lang siya tumitingin sa gawi namin, siguro kinausap ni Celestina na huwag na lang pansinin kaya sinunod niya.

Ibinalik ko ang atensyon sa pagkain para hindi na nila mahalata na minamatyagan namin si Celestina.

Matapos kasi namin malaman ang tunay na katauhan ni Celestina, doon nagsimula ang pag-iwas niya sa amin at tuluyan ng nagkalamat ang aming pagkakaibigan. Dismayado ako Roon pero wala rin ako magagawa dahil hindi ko kayang makipagkaibigan sa isang... demonyo.

Sinabi sa amin ni Pamela ang pinag-usapan nila ni Celestina pati rin ang tanong ni Celestina sa kanya. Ang tanong niya na tatanggapin ba namin siya kahit na hindi siya tulad namin?

For me, I don't know. Hindi ko kasi akalain na hindi pala tao ang kasama namin, isa siyang demonyo. Kaya gulat na gulat ako noong nalaman ko iyon. Wala rin ako komento doon. At hindi ko rin alam kung anong pakitungo ang gagawin ko once na makasama namin si Celestina kaya siya na rin ang mismong umiwas.

"Look, they're going outside." narinig kong mahinang bulong ni Gerogina dahilan para tumingin kami sa nginunguso niya.

Nakita namin ang pagsabay na paglabas ng dalawa sa cafeteria. Akmang tatayo kaming dalawa kami ni Georgina pero may kamay na humawak sa braso namin dahilan para mapaupo kami.

"Huwag niyo na sila sundan, hayaan niyo na sila." saad ni Pamela.

Sinunod na lang namin ang sinabi ni Pamela at pinagpatuloy namin kainin ang nakalatag sa lamesa pero sa ilang minuto na nakatambay sa cafeteria, napansin namin ang isang babae na humahangos na lumapit sa kanyang kaibigan na malapit lang sa pwesto namin.

"Oh, girl, bakit parang hinabol ka ng aso? Anong nangyari sa mukha mo?" nagtatakang tanong ng isang babae, kaibigan niya.

"Sorry kung late ako. Tumawag kasi ako ng mga lalaki, eh." napakamot ng ulo ang babae.

"What? Tanghaling tapat kumekerengkeng kana?" biro pa ng isang bakla dahilan para matawa silang lahat.

"Baliw, hindi 'no! May nahimatay kasing babae kaya kailangan ko magtawag ng lalaki para tulungan si Ethan Aguirre!"

"Kilala mo ba ang nahimatay?" tanong uli ng bakla.

"Oo, kung hindi ako nagkakamali si Celestina Devins ang nahimatay na dinala sa clinic!"

Nanlaki ang mga mata ko at nagtinginan kaming magkakaibigan. Nakita ko rin sa kanilang mukha ang gulat na ekspresyon dahil sa nalaman kaya agad kaming napatayo at dali-daling lumabas ng cafeteria para pumunta sa clinic.

The Princess of Hell | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon