Chapter 13

103 11 0
                                    

Chapter 13

Celestina Devins

ISANG MALAPAD NA NGITI ang pinakita sa akin ni Pamela nang marinig niya ang sinabi ko. Hinawakan ko ang kanyang balikat at mahinang tinapik iyon.

"Kaya huwag kang panghinaan ng loob, okay? Nandito ako... kami na handang damayan ka kahit anong mangyari. If you need a help just call me or us. We'll be always here for you." sabi ko.

"Maraming salamat." tugon niya. Nakita ko na pa may nagbabadyang luha na baba pero mabilis siyang tumingala para pigilan na huwag umiyak. "Masaya ako kasi nakilala ang ganitong kaibigan, sina Crisanta at Georgina... syempre ikaw. Kaya hindi ako nagsisi na naging kaibigan kita kasi ang bait bait mo saka naramdaman ko talaga na isa kang tunay na kaibigan."

Tipid akong ngumiti at hindi na lang nagsalita. Sa sinabi niya ay naalala ko na may lihim akong tinatago sa kanya, sa kanila. Pero kahit anong pilit nila, hindi ko p'wedeng sabihin sa kanila dahil gaya ng napag-usapan namin ni Zara ay kailangan ko itago kung sino ang tunay na ako dahil kapag nangyari 'yon ay tiyak magkakagulo. Alam ko na mahirap paniwalaan ang gano'n pero alam ko rin na kapag nalaman nila iyon, siguro ay katapusan na.

"Oh, ito na ang pagkain na binili namin sa inyo."

Nawala ang atensyon namin sa isa't isa nang narinig namin ang pamilyar na boses ni Georgina. Nakita ko itong naglalakad papalapit sa kinaroroonan namin kasama si Crisanta habang may dalang pagkain na mukhang binili nila sa cafeteria.

Nilahad nilang dalawa ang dalawang sandwich at inumin para sa aming dalawa ni Pamela. Mabilis ko naman ito kinuha at nagpasalamat sa dalawa.

"Dapat hindi na kayo nag-abala pa." nahihiyang saad ko sa kanila.

"Sus, wala 'yon! Saka sinadya kasi namin na bilhan ka ng pagkain dahil alam naman namin na susunod ka sa amin after mo makipag-usap sa dean." nakangiting sambit ni Georgina. "Minsan lang naman ako manlibre kaya sulitin mo na!" natawa kaming tatlo sa sinabi niya.

Naalala ko pala na sa kanilang tatlo ay medyo kuripot si Georgina pagdating sa pera, sa pagiging gastadora naman ay si Pamela, habang si Crisanta ay sakto lang dahil minsan lang siya naglalabas ng pera katulad ko. Alam niya kung paano ang pagiging limitado kapag pera ang usapan. Magkaiba kasi kapag kay Georgina ang usapan, kahit na may gusto siyang bilhin ay mas pinipili niyang huwag na lang kunin dahil iniisip niya na nagsasayang ng pera habang kami ni Crisanta kapag talagang kailangan namin bilhin ay gagastos kami ng pera.

"Saan tayo pupunta pagkatapos natin makita ang grades result natin?" biglang tanong ni Crisanta.

"Gala tayo?" sumilay ang malapad na ngiti ni Pamela sa kanyang labi.

"SAAN ba tayo pupunta?" tila nababagot na tanong ni Georgina na nakasimangot habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Secret!" humagikgik si Pamela at ituon ang atensyon sa pagmamaneho.

Napasandal ako sa upuan at tumingin sa bintana gaya ni Georgina. Abala si Crisanta sa kanyang cellphone at naka-earphones pa ito kaya hindi p'wedeng istorbohin.

Matapos naming kunin at makina ang grade results namin ay nag-aya si Pamela na gagala raw kami since wala naman pasok. As usual, nakita ko ang grades ko. Natuwa ako kasi wala naman nagbago at puro uno ang nakita ko sa lahat ng subjects ko. Nagpapasalamat na lang ako sa professor ko sa history dahil hindi niya binabaan ang grades ko kahit na may kasalanan ako sa kanya noong nakaraan..

Pero nakakalungkot din ang nangyari sa tatlo. May tag-iisang tres sila sa subject na history dahil ito ang unang subject na pinapasukan namin, sa pagiging late kaya ayun binababaan sila ng grade ng professor namin. Hindi rin maganda ang grades nila sa ibang subject, may nakita akong uno at dos pero ang mas nakakalungkot lang ay 'yong tres.

The Princess of Hell | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon