Chapter 24

103 11 0
                                    

Chapter 24

Pamela Finns

"NAKIKINIG KA BA, Miss Finns?"

Tila bumalik ako sa reyalidad nang narinig ko ang boses ng striktong professor namin sa History. Nakapameywang siya sa harap ko at ubod na sama ang pinupukol niya sa akin.

"S-sorry po, ma'am." tumayo ako at nakayukong tugon ko.

"This is my last warning." huling sinabi niya bago bumalik sa harap at nagsimulang magsalita tungkol sa instruction niya sa aming test.

Tahimik kaming mga kaklase ko, maging ang mga kaibigan ko ay hindi ko rin makausap ng maayos. Ako naman ay naging tulala simula nang dumating ako sa silid-aralan, na-late ako dahil na rin sa pagharang sa akin ng Jenkins Twins. Hindi alam ng mga kaibigan ko iyon at pinag-iisipan ko pa kung sasabihin ko sa kanila dahil tila wala rin sila sa sarili tulad ko.

Isang subject na lang ay matatapos na ang morning class namin pero hindi ko pa nagawang kausapin ang mga kaibigan ko. Ang Jenkins Twins naman ay tila walang pakialam sa amin pero napapansin ko rin ang mga galaw ng dalawa lalo na't nasa likod kami.

Nakikita kong nakakuyom ang mga kamay ni Aspen habang pilit naman na pinapakalma ni Eloise ang kanyang kambal. Hindi ko alam kung napapansin din ba iyon ng mga kaibigan ko kahit na halata naman talaga iyon dahil nasa harap lang namin ang dalawa.

"Class dismissed."

Napatayo kaming lahat nang narinig namin ang anunsyo ng aming professor. Naunang lumabas ito na sinundan ng mga kaklase namin, breaktime na namin.

Inayos ko ang gamit ko at sinukbit ang bag sa aking balikat pero nang napaayos ako ng tayo ay napaawang ang bibig ko sa gulat ng napansin ko si Aspen na galit na naglalakad papunta sa aming kinaroroonan.

Nahigit ko ang aking hininga ng napansin ko na mabilis na napigilan ni Eloise ang kanyang kapatid. Hinawakan niya ang braso nito at pinaharap sa kanya saka may kung ano siyang sinabi rito na hindi ko narinig. Nakita ko ang pagbaba-taas ng dibdib ni Aspen na tila pinapakalma ang sarili.

Shit. Iba ang pakiramdam ko rito.

Mabilis kong hinawakan ang braso ng mga kaibigan ko at dali-dali ko silang hinila palabas ng silid-aralan dahil napatigil din sila sa ginagawa ng napansin nila si Aspen kanina. Wala akong pakialam kung nakaladkad ko silang dalawa, mas maganda na iyon kesa ma-encounter ko na naman uli si Aspen na mukhang galit na galit talaga.

Nang makaalis kami sa building ay saka ko binitawan ang kaibigan ko. Humarap ako sa kanila at napangiwi na lang ng napansin ko na masama ang tingin ang binigay nila sa akin.

"What?" tanong ko.

"P-papatayin mo ba kami?" pabalik na tanong sa akin ni Georgina at napahawak kay Crisanta para doon kumuha ng lakas. "What the he—" napabuga siya ng hangin at pilit na inaayos ang sarili.

"Nililigtas ko ang sarili natin." lumapit ako sa kanilang dalawa at pareho silang inalalayan.

"B-bakit gano'n na lang itsura ni Aspen?" tanong ni Georgina.

"Don't ask me that even though you know it's obvious." tugon ni Crisanta.

Sabay kaming naglakad patungo sa cafeteria para kumain. Umupo kami sa paborito naming pwesto at si Crisanta na rin mismo ang nagpresinta na um-order ng pagkain namin. Ilang minuto ang nakalipas ay dumating na rin siya dala-dala ang pagkain na gusto namin. Nagsimula na rin kami kumain dahil nagugutom na ko.

"Alam na niya." saad ni Crisanta na nakatingin sa ibang direksyon.

Nagtinginan kaming dalawa ni Georgina dahil kumakain na kaming dalawa at si Crisanta naman ay nakatingin sa ibang direksyon kaya napatingin kami kung saan siya nakatingin.

The Princess of Hell | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon