Chapter 22
Celestina Devins
"KAMUSTA ANG PAKIRAMDAM MO?"
"Maayos ako pero... minsan sumasakit ang dibdib ko." sagot ko at tipid na ngiti ang binigay ko sa kanya.
"Ngayon ko lang narinig 'yan mula sa maharlika, prinsesa." bumuntong-hininga si Eloise at nilapag ang baso sa bedside table. "Sa pagkakaalam ko, walang ibang karamdaman ang tulad natin at ngayon lang ako nakita 'yan mula sayo na isang maharlika." dagdag niya pa.
"Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin, Eloise." yumuko at tiningnan ang mga kamay ko na parang nilagyan ng itim na tinta dahil sa dami nito. Umabot na ito sa binti ko hanggang sa aking leeg kaya lagi akong nakasuot ng mahahaba para hindi mapansin.
Kung mapapansin, parang ugat ang mga ito na gumapang sa katawan ko pero naiiba lang dahil kulay itim ang mga ito. Tuwing sumasakit ang puso ko, otomatikong gumagapang ito sa katawan ko kaya hindi ko talaga alam kung ano ang nangyayari sa katawan ko.
"Gugustuhin ko man bumalik sa atin pero hindi p'wede dahil nawawala ang susi para sa portal."
Umupo siya sa gilid ng aking kama at hinawakan ang mga kamay ko. Nakita kong sinisilip niya ang itim na marka sa kamay ko pati sa akin hanggang braso, pagkatapos ay marahan niyang hinaplos ang mga kamay ko at ngumiti sa akin.
Huminga ako nang malalim. Tama siya. Nakakapagtaka dahil bigla na lang nawala ang susi para sa portal. Nasa secret vault iyon doon sa kanilang cabinet, sa kanilang apartment pero bigla na lang nawala sa hindi malamang dahilan. Noong tiningnan nila ang buong apartment ay wala naman bakas ng magnanakaw at hindi rin napansin ng mga ibang kapitbahay namin. Alam din namin na hindi sila nagsisinungaling dahil habang tinatanong namin sila at sinusuri namin ang kanilang emosyon kung nagsisinungaling o hindi pero wala naman.
Naputol ang usapan naming dalawa nang biglang pumasok sa kwarto si Aspen na may dalang pagkain. Tumayo si Eloise at nilapit niya ang lamesa sa kama ko at nilapag naman ni Aspen ang pagkain doon. Tinulungan nila akong dalawa na makabangon sa kama at habang kumakain ako ay nakatambay sila sa kwarto ko.
"Wala pa akong balita sa susi ng portal." biglang saad ni Aspen at kunot-noong tumingin sa bintana. "Nahihirapan din ako makipag-komunikasyon sa ating mundo dahil hindi sakop ng kapangyarihan ko iyon." tila sumusuko na siya.
Nalungkot ang kanyang kakambal sa balita. Ang pinagtataka naming tatlo ay hindi nila magawang makipag-komunikasyon sa aming mundo sa hindi malamang dahilan. Sinubukan ko na rin iyon pero mas lalo akong nanghihina.
Nakapag-desisyon na kasi ako noong nakaraan na uuwi na ko sa amin dahil alam ko naman sa sarili ko na wala akong mapapala rito sa mundong ito. Tapos na ko rito at wala na akong kaibigan.
Hindi nila ako tanggap bilang tunay na katauhan ko. Ramdam ko na tila hindi nila ako gusto na maging kaibigan simula nang nalaman nila iyon kaya ako na mismo ang sumira sa pagkakaibigan namin. That's enough and I want to go home now.
Pero alam ko sa sarili ko na hindi ako nagsisi na naging kaibigan ko sila. Marami akong natutunan sa kanilang tatlo kaya babaunin ko iyon pagbalik ko sa impyerno kahit sandali lang kami nagsamang magkakaibigan.
Ang araw na ito ay hindi normal sa akin, katulad noong mga nakaraang araw. Kung dati ay maaga kong inaayos ang aking sarili para pumasok, ngayon ay nakahiga ako sa aking kwarto at nagpapahinga. Hindi na rin ako nakapasok sa cafe shop dahil hindi ako pinayagan ng dalawa dahil sa nangyari sa akin kahapon.
Araw-araw ako nakakaramdam nang sakit sa aking dibdib at mas lalong dumadagdag ang itim na ugat sa katawan ko. Namumutla na rin ako at tila nanghihina na rin ang buong katawan ko... sa hindi malamang dahilan.
BINABASA MO ANG
The Princess of Hell | ✔
Teen Fiction[FINISHED] - COMPLETED Celestina Devins ang prinsesa sa kanilang mundo, sa Devins World. Mula noong bata hanggang sa paglaki ay kuryoso siya sa mundo ng mga mortal. Pinapangarap niya na makapunta siya sa mundo ng mortal dahil gusto niya na mamuhay n...