Chapter 4

181 12 26
                                    

Chapter 4

Celestina Devins

SA SUMUNOD NA ARAW ay pagkarating ko ng eskwelahan ay nasa gate pa lang ako ng may naramdaman akong may taong nasa likod ko. Nang tingnan ko 'yon ay gano'n na lang ang gulat ko ng nakita ko si Pamela na nakangiti sa akin.

"Hello, Celestina!" nakangiti niyang bati.

"Hi..." bati ko at tumalikod sa kanya.

Mabilis ang lakad ko patungong library para roon tumambay.

"Goodmorning, Mrs. Cordillera." nakangiti kong bati nang nakita ko ang librarian na nasa pwesto niya.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumiti.

"Hello, goodmorning, Ms. Devins." bati niya rin. "Tambay na naman?" tanong niya.

Tumango ako. "Magbabasa po ako ng related sa lessons namin." sagot ko at kinuha ang libro na kinuha ko noong nakaraang araw. "Ito po pala 'yong libro na hiniram ko noong nakaraang araw. Salamat po. Nakatulong po ito sa akin." sabi ko sa kanya habang nilalapag ang libro na isasauli ko.

"Mabuti naman may natutunan ka sa librong ito." komento niya habang abala siya sa librong binigay ko sa kanya. Ilang saglit niya 'yon hinawakan hanggang sa nilapag niya.

"Ako na po maglalagay sa bookshelf nito." nakangiti kong sambit at kinuha ang libro.

"Maraming salamat, Ms. Devins."

"Wala po 'yon." bigla akong nahiya.

Nagpaalam na ko sa kanya na pupunta sa pwesto ko. Bumalik siya sa kanyang gawain habang ako ay pumunta sa mga bookshelf para ibalik ang libro at kumuha ng babasahin ko. Nang makakuha na ko ng libro ay umupo ako sa pwestong lagi kong tinatambayan.

Sa ilang saglit kong pagbabasa ay may naramdaman akong tao na umupo sa tabi ko. Napa-angat ako ng tingin at gano'n na lang ang gulat ko ng nakita ko si Georgina na nakaupo sa tabi ko. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin.

"Celestina..." tawag niya sa akin. "How are you?" tanong niya.

"Ahm... I'm okay..." halos nakangiwi na ko kasi naistorbo niya ang pagbabasa ko.

"P'wede paturo?" nakangiti niyang tanong.

Bigla akong naalerto. Hindi talaga nila ako tatantanan. Pasimple kong kinuha ang bag ko at nilagay doon ang libro na kinuha ko. Akmang aalis na ko sa table pero napatigil ako ng narinig ko ang boses ni Georgina.

"Oh, saan ka pupunta? Hindi mo ba ako tuturuan? I need tutor."

"Ah... eh... may gagawin pa kasi ako. Alis muna ako ha?" paalam ko at agad na umalis sa harap niya.

"W-what? Wait!" pagpigil niya sa akin pero hindi niya nagawa dahil mabilis ang lakad ko patungo sa pwesto ni Mrs. Cordillera.

"Ito po ang hihiramin ko." sabi ko at pinakita sa kanya ang libro na kukunin ko.

"Sige. Enjoy reading, anak." nakangiti niyang sabi nang matapos suriin ito.

Tumango ako at mabilis na lumabas ng library. Malayo layo ang nilakad ko hanggang sa mapagod ako. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi sumunod si Georgina sa akin.

Umupo ako sa bench at doon na lang tinuloy ang pagbabasa ko pero habang nagbabasa ako ay may naramdaman akong tao sa harap ko. Nang tumingin ako roon ay nakita ko si Crisanta na seryosong nakatingin sa akin.

"Wala ka bang ginawa kun'di ang magbasa lang?" tanong niya habang nakatingin sa librong hawak ko.

Napabuntong-hininga ako at nilapag ang libro sa lap ko.

The Princess of Hell | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon