Chapter 19

94 11 0
                                    

Chapter 19

Celestina Devins

"OKAY KA LANG BA?"

Napalingon ako kay Ethan nang narinig ko ang boses niya. Tipid na ngumiti ako sa kanya at tumango saka ibinaling ang atensyon sa pagkain.

"Pansin ko lang na hindi ka okay." bumalik ang tingin ko sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "Kasi napapansin ko kanina pa ang tingin sayo ni Pamela at ang dalawang kaibigan niya." napakamot siya nang kanyang ulo.

"Don't mind them." sumipsip ako ng juice at patay malisya lang kahit alam ko naman na kanina ko pa nararamdaman ang pamilyar na tingin ng tatlo sa amin. "Let's focus on your subjects. Ano ba ang dapat kong ituro sayo?" tanong ko.

Pinipilit kong maging normal ang galaw sa harap niya pero ramdam na ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko. Napakagwapo niya, sobra.

Kinuha niya mula sa kanyang bag ang iilang notebook at nilapag sa harap ko. Kinuha ko iyon at tumango-tango nang nakita ko kung ano ang subject na ituturo ko sa kanya.

"Sa narra tree tayo tumambay at doon tayo mag-aral habang may libreng oras tayo." nakangiti niyang sabi kaya tumango ako bilang pag-sang-ayon.

Matapos naming kumain sa cafeteria ay nagdesisyon kaming pumunta sa sinasabi niya. Nang nakaupo kami sa bench na nasa likod lang ay narra tree, nilapag niya ang notebook sa pagitan naming dalawa at ang dalawang bag namin ay pareho naming nilapag sa paanan namin since malinis naman at ayos lang sa amin. Nagsimula na kaming dalawa.

Transferee itong si Ethan noong kaka-transfer ko lang din sa Clariton University. Hindi siya masyadong kilala dahil iwas din siya sa ibang tao. Ang totoo nga ay kakaunti lang ang kilala niya rito, isa ako roon.

Nakilala ko siya noong lumapit siya sa akin para magpaturo ng lessons na nahihirapan siya. Willing naman ako turuan siya. Kung tutuusin, araw araw ko siyang tinuturuan. Nasa Business Ads building din siya tulad ko pero magkaiba kami ng silid-aralan kaya sa uwian o breaktime kami nagkikita o p'wede rin sa libreng oras.

Inaamin ko nga na gwapo siya. Kakaunti ang kilala niya pero maraming nakakakilala sa kanya. Noong nakaraang taon, napasali siya sa beauty contest ng mga lalaki at hinirang siyang nanalo, representative siya ng ABM department kaya kilalang-kilala siya pero hindi ibig sabihin no'n close na niya lahat.

Kilala rin niya raw ako noon pa dahil lagi raw ako pinag-uusapan ng mga estudyante sa Clariton University. Dahil sa katalinuhan ko, nakilala ako nang lahat at ako lang daw ang taong nakalagpas sa rank ng kilala rito, sina Pamela, Georgina at Crisanta.

Nabuntong-hininga na lang ako nang naaalala ko na naman ang nangyari noong nakaraang araw. Simula nang kausapin ko si Pamela, hindi na ko nagtangkang lumapit sa kanya o sa dalawa. Simula rin noon ay umaaligid na sa akin ang guardians ko, sina Aspen at Eloise.

Hindi nila ako tinitigilan hangga't hindi ako sasama sa kanila pauwi kung saan kami nanggaling, sa impyerno.

At hindi na rin ako magtataka na alam ng dalawa kung ano ang katauhan ko. Ramdam ko na rin iyon dahil sa tingin nila. Hindi ako tanga para hindi mapansin iyon at dahil nakabalik na ang kapangyarihan ko, nababasa ko ang isipan nila pero alam ko ang salitang privacy kaya binigyan ko sila no'n kahit na alam ko na ako ang pinag-uusapan nilang tatlo.

Alam na rin ng guardians ko ang tungkol kina Pamela. Noong nag-usapan kami noong nakaraan ay naramdaman din nila ang presensya ni Pamela na nagtatago malapit sa amin, tahimik na nakikinig sa pinag-uusapan. Kaya labis ang kanilang pagkataranta at gustong-gusto na nila ako iuwi sa impyerno dahil pinagbabawal sa amin na malaman ng mortal ang tungkol sa amin.

The Princess of Hell | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon