Chapter 12

106 10 0
                                    

Chapter 12

Celestina Devins

HALOS MAPATALON AKO sa gulat nang narinig ko na nag-ring ang cellphone ko, na binili ni Pamela para sa akin. Nang tingnan ko kung sino ang tumawag ay huminga ako nang malalim na napagtanto na si Pamela pala ito.

Kinuha ko ang cellphone at tinanggap ang tawag. Medyo hindi pa rin ako sanay sa cellphone na ito pero kahit pa paano'y alam ko naman kung paano gamitin ito. Minsan may hindi ako alam dito pero nakakagawa ko naman matutunan ang mga iyon kahit hindi na kailangan ng tulong ni Pamela o ang dalawa.

"Bakit ka napatawag?" tanong ko nang nailagay ko ang cellphone sa tainga ko.

"Nasa labas ako ng apartment mo. Samahan mo ko pumunta sa Clariton University para tingnan ang results ng card natin this semester." kahit hindi ko siya nakikita ay nararamdaman ko na nakangiti siya.

Nang sumilip ako sa bintana ay nakita ko nga na nakaparada ang kanyang sasakyan sa harap ng apartment. Nakita ko rin ang mga kapitbahay na tinitingnan kung sino ang may-ari ng kotse. Nakita ko rin na sumilip si Pamela sa bintana ng kanyang kotse at kinawayan niya ako saka nginitian.

Agad kong pinatay ang tawag at nagmamadaling nagbihis. Hindi ko naman akalain na susunduin ako ni Pamela rito sa apartment. Kung tutuusin, p'wede naman makita ang card results namin sa internet pero mukhang trip ni Pamela na makita ang card sa personal.

"Pasok ka sa passenger seat. Hindi naman natin kasama 'yong dalawa kasi nauna na sila roon at hinihintay tayo." nakangiting saad niya at siya na rin ang nagbukas ng pinto para sa akin.

Pumasok ako sa passenger seat at sinara ang pinto. Narinig ko ang pagbukas ng makina kaya sinuot ko ang seatbelt. Nang napansin ni Pamela na maayos na ako sa passenger seat ay pinaandar na niya ang sasakyan.

Tatlong araw ang nakalipas ay naging okay na rin sila ng kanyang magulang kaya nakauwi na siya sa kanilang bahay. Sa tatlong araw niya na kasama siya ay wala kaming ginawa kun'di ang gumala sa mall araw araw para bumili ng mga gusto niya. Noong nakita ko na sumusobra na siya ay sinabihan ko siya na porket mayaman sila ay gagastusin na niya ang pera. Sinabi ko rin sa kanya na mas maganda kung ipunin niya ang pera kaya kapag may kakailanganin sa tamang panahon ay mabibili niya. Masama rin na sumobra sa pangga-gastos ng pera kaya simula nang sabihan ko siya ay natahimik na lang siya sa isang tabi at hindi na rin nag-aya sa akin na pumunta ng mall.

Aaminin ko, sobrang ingay ni Pamela sa apartment. Noong una ay naiirita ako sa ingay pero sa mga sumunod na araw na kasama ko siya sa apartment ay nasanay na ko sa bunganga niya. Hinayaan ko na lang siya sa gusto siya. Natutulog siya sa kama ko habang ako ay natutulog sa sofa. Nang nalaman niya 'yon ay pinilit niya ako na matulog sa tabi niya pero mas pinili ko na matulog sa sofa. Nakakahiya naman kung matutulog ako sa tabi niya.

"We're here!"

Bumalik ako sa reyalidad nang narinig ko na nagsalita si Pamela. Lumabas na siya ng sasakyan kaya binuksan ko na ang pinto na nasa tabi ko at lumabas na rin. Isang malakas na simoy ng hangin ang sumalubong sa aming dalawa. Mabilis kong hinawakan ang aking buhok para hindi ito liparin ng hangin.

Naunang naglakad si Pamela papunta sa unibersidad kaya sumunod ako sa kanya. Sa pagpasok namin ay nakita ko ang mga iilang estudyante na mukhang tuwang-tuwa na makita ang mga kaibigan nila. Ang iba pa nga ay napansin kong nakatingin sa aming dalawa ni Pamela at mukhang pinag-uusapan kami base sa galawa at kilos nila pero isinawalang-bahala ko na lang iyon. Tutal wala rin naman ako mapapala saka hindi ako mahilig pumatol sa mga tao na puro salita lang ang alam.

Kung titingnan ay nasa kalahating college students ang nakikita ko sa loob ng unibersidad. Siguro ang kalahati ay tinamad kaya sa internet na lang nila tiningnan ang kanilang card at least hindi rin sila nahirapan.

The Princess of Hell | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon