Chapter 11
Celestina Devins
"CELESTINA..."
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Napakurap ako nang liwanag ang bumungad sa pagdilat ko. Napaungol ako dahil ang sakit sa mata. Bumangon ako at napahilamos ng mukha saka binuksan muli ang mga mata ko.
"Hey, goodmorning..."
Lumingon ako sa nagsalita. Napabuntong-hininga ako nang nakita ko si Pamela na nakaluhod sa harap ko. Siya ang taong nanggising sa akin. Natatandaan ko pala na nandito siya sa apartment ko.
"Magandang umaga." pabalik na bati ko, hindi ngumingiti.
Umangat ang tingin ko at nakita kong ala siyete na ng umaga. Tumayo ako at niligpit ang kumot ko saka ang unan ko. Pumunta ako sa kusina at naramdaman ko naman na sumunod sa akin si Pamela. Umupo ito sa upuan habang ako naman ay nagtimpla ng kape para sa amin.
"Fvck. Ang sakit ng ulo ko..." narinig kong sambit niya sa mahinang tono pero hindi nakaligtas sa pandinig ko iyon.
Lumapit ako sa ref at kumuha ng makakain namin. Kinuha ko ang bacon, hatdog, at egg. Nagsaing ako nang kanin habang nagluluto ng ulam. Nang matapos ako ay hinanda ko iyon sa harap niya pati ang gamot na kinuha ko first aid kit.
"Kumain ka muna bago uminom ng gamot." saad ko at umupo sa harap niya.
Saglit siyang tumingin sa akin pero nang hindi na niya kinaya ang gutom ay mabilis niyang nilantakan ang pagkain na nasa harap niya. Kakaunti lang ang kinain ko dahil mukhang mauubos niya ang pagkain at halos nangalahati na rin ang kanin na sinaing ko.
Napasandal siya sa upuan nang naubos niya ang pagkain niya at nakainom na rin siya ng kanyang gamit. Nakita ko pa na hinahaplos niya ang kanyang t'yan na para bang binababa niya roon ang pagkain na nasa loob. Napailing na lang ako at niligpit ang pinagkainan namin.
"Bakit ka nagpakalasing? Bakit ka umuwi ng dis oras ng gabi?" nagsimula na akong magtanong habang nakaharap siya kanya.
"N-nag-party kami sa isang bar nina Crisanta at Georgina..." mahinang sagot niya at umiwas ng tingin sa akin. Napataas ang kilay ko nang nakita ko ang kinikilos niya. She's lying. "K-kaya halos gabi na rin kami nakauwi and hindi kami nagsabay kasi dala namin ang mga sasakyan namin.
"You're not a good liar, Pamela." sumeryoso ako at dahan-dahang lumapit sa kanya. "So, what's your problem?" tanong ko.
Sa unang tingin ko pa lang sa kanya kagabi ay alam ko na may problema siya. Kaya parang tumama ang hinala ko na may prolema siya kaya uminom sila at nagpakalasing si Pamela.
"P-p'wede ba ako na temporaryong manatili mo na rito sa apartment mo, Celestina?" nahihiyang tanong niya. "Don't worry, babayaran ko ang pananatili ko rito basta sabihin mo sa akin kung magka—"
"What's your problem, Pamela?" seryosong tanong ko na halos idiin ko na ang mga salitang sinabi ko.
Napatikom siya nang bibig at halos iyuko na rin niya ang kanyang ulo dahil takot na magtama ang paningin naming dalawa. Nakita ko na pa huminga siya nang malalim bago magsalita na ikinaawang ng labi ko.
"Nag-away kami ng magulang ko."
Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang nakita ko na may tumulong luha sa mga mata niya. She's crying. Ilang segundo lang ay nakita ko na rin ang paggalaw ng kanyang balikat hanggang sa narinig ko ang mahinang hikbi niya.
Inangat ko ang aking kamay at akmang hahawakan siya pero napatigil ako. May parte sa akin na hayaan na ilabas ang damdamin niya kaya binaba ko ang aking kamay at napabuntong-hininga. Tumalikod ako at kumuha ng tubig saka nilapag sa harap niya.
BINABASA MO ANG
The Princess of Hell | ✔
Novela Juvenil[FINISHED] - COMPLETED Celestina Devins ang prinsesa sa kanilang mundo, sa Devins World. Mula noong bata hanggang sa paglaki ay kuryoso siya sa mundo ng mga mortal. Pinapangarap niya na makapunta siya sa mundo ng mortal dahil gusto niya na mamuhay n...