Chapter 5

144 13 26
                                    

Chapter 5

Celestina Devins

"UWIAN NA, Celestina. Sabay kana sa amin." nakangiting paanyaya ni Pamela habang hawak-hawak ang mamahaling bag.

Umangat ang tingin ko sa kanya dahil abala ako sa pag-aayos ng bag ko.

"Hindi na. May bisikleta akong dala." tugon ko at sinukbit ang bag sa balikat. "Mauna na ko."
paalam ko at lumabas ng silid-aralan pero habang naglalakad ako ay naramdaman ko sila sa likod ko.

"Sige na, Celestina. Sabay kana." pagpupumilit ni Pamela.

"Oo nga para may girl bonding tayo. Ayaw mo, Celestina?" tanong ni Georgina.

"Saka nakakatakot umuwing mag-isa kaya sabay kana sa amin." segunda naman ni Crisanta.

Napabuntong-hininga ako at huminto. Humarap ako sa kanila.

"Sanay na ko." sabi ko sa kanila. "Saka ayaw ko makaabala sa inyo kaya salamat na lang sa paanyaya pero hindi ko tatanggapin 'yan." dagdag ko.

"Ano ka ba? Hindi ka abala sa amin! Kaibigan kana namin 'no!" nakangiting sabi ni Pamela. "Sabay ka na kasi sa amin dahil nag-aalala kami sayo." pagpupumilit pa niya.

"Huwag na kayong mag-alala sa akin dahil wala naman masasamang tao na umaaligid d'yan." saad ko at tinalikuran ko sila

Hindi ko p'wedeng sabihin sa kanila na pupunta ako sa café shop at nagta-trabaho roon. Ayos na sa akin na kaibigan ko sila pero huwag lang nila malaman kung saan-saan ako pumupunta.

"Manong, salamat po sa pagbantay sa bisikleta ko." nakangiti kong pagpapasalamat sa gwardya na nakabantay sa gate.

"Wala 'yon, Tina." ngumiti rin sa akin ang gwardya.

"Aalis na po ako, manong." paalam ko sa kanya. "Ingat po kayo." sabi ko.

"Ingat ka rin sa pag-uwi, Tina!" tugon niya at kumaway.

Natawa na lang ako at tinuloy ang paglalakad palabas ng gate. Nang nasa labas na ko ay sumakay ako sa bisikleta. Akmang paaandarin ko na ito pero napatigil ako ng may humintong sasakyan sa harap ko.

"Celestina!" nakangiting tawag ni Pamela sa pangalan ko. "Ayaw mo ba talaga sumabay sa amin?" tanong niya.

Mula sa backseat ng sasakyan ay nakita kong sumilip doon sina Georgina at Crisanta.

"May pupuntahan kami. Sama ka?" tanong naman ni Georgina.

Ngumiting umiling ako. "Hindi na. Kailangan ko umuwi. Walang bantay sa apartment." dahilan ko sa kanila kahit ang totoo ay didiretso ako sa trabaho ko.

"Ay, sayang naman." malungkot na sabi ni Georgina.

"Sa susunod na lang."

"Talaga? Sa susunod? Tatandaan ko 'yan ha. Magtatampo talaga ako kapag hindi ka talaga sumama sa susunod." singit ni Pamela mula sa driver's seat.

"Oo, sa susunod." paninigurado ko.

"Okay, sige! Ingat ka ha?"

Tumango ako. "Ingat din kayo."

"Ba-bye!" sabay na paalam ng tatlo bago nila sinara ang bintana ng kotse. Umandar na ito palayo sa akin hanggang sa nawala na ito sa paningin ko.

Nakahinga ako ng maluwag na wala na sila. Mabuti na lang talaga nakaalis na sila.

Nagsimula na kong paandarin ang bisikleta ko palayo ng unibersidad. Sa ilang minutong byahe ay nakarating ako sa café shop. P-in-ark ko ang bisikleta sa harap at pumasok sa café shop. Dumiretso agad ako sa locker room namin.

The Princess of Hell | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon