Chapter 18

97 11 2
                                    

Chapter 18

Pamela Finns

Tila wala sa sariling naglakad ako sa isang malapit na bench. Pabagsak akong umupo roon at tulalang nakatingin sa damo.

Matapos kong marinig ang rebelasyon kanina, hindi na ko nagtagal doon. Basta na lang ako umalis dahil kung tatagal ako roon ay baka mahalata nila na may nakikinig sa kanila. Hindi ko alam ang kapangyarihan na mayro'n ang isang demonyo pero pakiramdam ko malakas ito.

Para akong lutang. Paulit-ulit na pinoproseso sa utak ko ang nangyari kanina. Sa sinabi nila Aspen at Eloise ay maniniwala ako, sa mukha pa lang nila ay alam kong seryoso sila at hindi sila nagbibiro. Ano ba itong pinasok ko?

Napagtanto ko, ang babaeng kinaibigan ko at sinasama ko ay hindi isang tao, isang demonyo. Ako, isang mortal pero siya, isang imortal. Magkaiba kaming dalawa ni Celestina dahil hindi siya taga-rito, nakatira siya sa impyerno, 'yon ang narinig ko mula kay Aspen.

Bakit sa lahat ng nilapitan ko demonyo pa?

Isa siyang prinsesa, tinitingalaan ng namumuhay sa impyerno. Kung prinsesa si Celestina, ano naman ang dalawang transferee? Prinsesa rin na kaya nandito para sunduin si Celestina at pareho silang babalik sa pinanggalingan nila?

What the fvck.

Napahawak ako sa aking buhok at mahigpit na humawak doon. Gusto kong mapasigaw dahil sa nalaman ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko, hindi ko alam kung ano ang nangingibabaw. Pakiramdam ko, mababaliw ako!

"Hey..."

Otomatikong nanlaki ang mga mata ko nang narinig ko ang boses na 'yon. Napako ako sa aking kinauupuan at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Shit. She's here!

Narinig ko na tumikhim siya dahilan para mapaangat ang tingin ko. Dumako ang tingin ko sa kanyang mukha. She looks innocent and for me, she likes angel pero hindi ko akalain na demonyo pala ang kaharap ko.

Umiwas ako nang tingin at lumayo ng konti sa kanya. Narinig ko ang buntong-hininga niya dahil siguro nahalata niya ang kinikilos ko. Hindi na ko makatingin ng diretso sa kanya dahil sa takot.

"A-alam ko na narinig mo ang usapan namin nina Aspen at Eloise kanina..." biglang nagsalita siya. Nanlaki ang mga mata ko. "I'm sorry kung naglihim ako sa inyo, sa tunay kong katauhan."

Tikom ang bibig ko at walang balak magsalita pero sa sinabi niya naramdaman ko ang kirot sa puso ko. Ang boses niya, nanginginig at ramdam ko na malapit na siya umiyak.

"W-wala akong balak sabihin iyon sa inyo pero ngayon alam mo na ay totoo 'yon... isa akong imortal o anuman ang itawag mo sa akin. 'Yon ang lihim ko kaya umiwas ako sa inyong tatlo noon pero nagpumilit kayo na makipag-kaibigan sa inyo." garalgal ang tinig niya. "Noon, pilit lang ang pakikipag-kaibigan ko sa inyo pero dumating ang araw na kasama ko kayo. I know the value of friendship."

"Nagawa kong makisama sa inyo, sa ibang tao. Nagawa kong makipag-kaibigan na noon ay wala ako. Nagagawa ko ang lahat na hindi ko nagagawa noon. Lahat lahat ay natutunan ko sa inyo kaya nagpapasalamat ako sa inyong tatlo... dahil dumating kayo sa buhay ko." kumuyom ang kamao ko. Huwag kang iiyak, Pamela. "Kaya alam mo na ang totoo kong pagkatao, sa alang-alang ng pagkakaibigan natin, matatanggap mo ba kung sino ako?"

Nahigit ko ang aking hininga sa tanong na 'yon. Sumikip ang dibdib ko kaya isang malakas na buntong hininga ang ginawa ko para gumaan ang pakiramdam ko.

"H-hindi ko alam..." mahinang sagot ko at tumayo. "N-napagtanto ko na hindi ka tao, isa kang demonyo." dahan-dahan akong naglakad at huminto ako nang nasa likod na niya ako. "H-hindi ko alam kung bakit ako nakipag-kaibigan sa isang tulad mo na hindi belong sa mundong ito."

The Princess of Hell | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon