Chapter 14
Celestina Devins
"AYAW MO BA SUMAMA SA AMIN?"
Napaangat ako nang tingin kay Crisanta nang nakita ko siya sa harapan ko. Nakalahad ang kanyang kamay sa harap ko kaya tumingin ako sa kanyang likod kung saan nakita ko ang dalawa na abala sa pakikipag-usap sa isang madre. Nakita ko rin ang tuwa sa mga mata ni Pamela habang kausap ito, mukhang kakilala niya ito.
"Dito na lang ako." ngumiti ako sa kanya.
"Kung 'yan ang gusto mo, hindi kita pipilitin." bumuntong-hininga siya at nagulat ako nang umupo siya sa tabi ko. "Sasamahan na lang kita dito kasi wala kapag pumunta ako roon ay wala kang kasama rito."
"Okay nga lang na mag-isa ako dito." saad ko pero umiling siya bilang tutol sa desisyon ko. "Bahala ka nga." pagsuko ko.
"Tinatamad din ako na pumunta sa kinaroroonan nila kaya maupo na lang tayo habang nakatanaw sa kanilang tatlo." sabi niya kaya muli kaming tumingin doon. "Simula nang bata pa si Pamela ay kilala na niya ang madreng 'yan dahil ang ina niyan at lola ni Pamela ay magkaibigan."
Napatango ako sa sinabi niya. Kaya naman pala magkasundo ang dalawa kahit magkalayo ang edad. Hindi ko nga rin akalain na matanda ito sa amin dahil sa nakikita ko ay mukhang dalaga siya tulad namin pero siguro dahil sa suot ay hindi ko talaga nahahalata na matanda siya sa amin. Saka ang ganda rin niya.
"Kung tutuusin ay sayang ang lahi ng madreng 'yan dahil mas pinili nitong maging madre kaysa mag-asawa pero para sa akin ay okay na rin iyon dahil nasa kanyang desisyon niya 'yon." napailing siya. "Alam mo ba na muntik na 'yan ipagkasundo ang madreng 'yan sa ama ni Pamela? Pero hindi rin natuloy dahil hindi rin pumayag ang ina nito dahil nasa madreng 'yan ang desisyon hanggang sa naging madre siya. Nakapag-tapos na rin iyan ng pag-aaral at may sariling negosyo ang pamilya niyan pero wala siyang hinawakan, ang kapatid lang niya na bunso ang mismong sumalo ng negosyo, 'yon ang pagkakaalala ko noong sinabi ni Pamela sa akin ang tungkol sa madre na kausap nila."
Natapo ang usapan naming dalawa nang napansin namin na nagpapaalam na ang dalawa sa madre at pareho silang naglakad papunta sa kinaroroonan namin kaya tumayo kaming dalawa ni Crisanta para hintayin sila.
"Sister Amanda, ito nga po pala ang isa kong bagong kaibigan, si Celestina."
Tumingin sa akin ang babae na kausap nila at nakunot ang noo ko nang nakita ko siyang nagkasalubong ang kilay nang dumako ang tingin niya sa akin.
"It's nice to meet you, Celestina." ngumiti sa akin ang babae at medyo nailang ako nang nakita ko na sobrang titig siya sa mukha ko. "P-parang may kamukha ka..."
"Kamukha po?" takang tanong ni Pamela at tumingin din sa akin. Napataas ang kilay ko. "Sister, nagbubukod tangi lang po si Celestina kaya mukhang nagkakamali ka po."
"H-hindi, sigurado ako na may kamukha ka, hindi ko lang matandaan kung saan ko nakita ang kamukha ng mukhang 'yan." saglit siyang napaisip.
Medyo nagtaka ako sa sinabi ng babae. May kamukha ako? Sa pagkakaalam ko ay hindi naman kami magkamukha ni ama, si ina ay nakuha ko ang lahat sa kanya pero wala na siya, at si kuya... kamukha ko siya para kaming pinagbiyak na bunga.
Hindi kaya... imposible. Alam ko na nasa mundo namin si kuya Hariel para matutunan kung paano hawakan ang mundo namin kaya imposible na nandito siya sa mundo ng mga mortal. Pero posible rin dahil noong nando'n pa ko sa mundo namin ay hindi ko rin nakita si kuya Hariel sa kaharian o masyado lang ako naloloka dahil sa pinagsasabi ng madreng ito?
"Pam, kailangan na natin umalis." biglang aya ni Crisanta at hinawakan ang kamay ko.
"Ay, oo nga pala." bumaling si Pamela sa madre na hindi mawala ang tingin sa akin. "Aalis na po kami, sister. Babalik na lang po ako kapag mayro'n akong oras." paalam ni Pamela.
BINABASA MO ANG
The Princess of Hell | ✔
Genç Kurgu[FINISHED] - COMPLETED Celestina Devins ang prinsesa sa kanilang mundo, sa Devins World. Mula noong bata hanggang sa paglaki ay kuryoso siya sa mundo ng mga mortal. Pinapangarap niya na makapunta siya sa mundo ng mortal dahil gusto niya na mamuhay n...