Epilogue
MULA SA PASSENGER SEAT ay kinuha ko ang bulaklak at lumabas ng sasakyan saka marahang sinara ang pinto. Inayos ko ang white polo na damit ko pati ang ripped jeans na suot ko. Nagsimula na akong naglakad sa dulong bahagi ng kagubatan.
Malakas na hangin ang sumalubong sa akin nang makarating ako sa bangin. Sandali kong ipinikit ang mga mata ko at dinama ang malamig na hangin na tumatama sa balat ko.
Nilapag ko ang palumpon ng red roses sa bangin at umayos ng tayo. Sandali ko itong tiningnan para bumulong sa hangin.
I miss you, Celestina Devins. I'm still waiting for your comeback.
Araw-araw akong laging nandito sa bangin na ito. It's been five years pero hindi ako nagsasawa o sumuko man lang na bisitahin ito para ilapag ang bulaklak. Hinihintay ko ang kanyang pagbabalik dahil limang taon na ang nakakaraan ay wala pa rin siya.
Wala sa sariling napangiti ako nang may naalala ako. My family teased me about Celestina noong umamin ako sa kanila na may gusto ako kay Celestina. Gustong-gusto nila na makilala si Celestina pero hanggang ngayon ay wala pa akong balita sa kanya but it doesn't mean na susuko na ko sa paghihintay sa kanya.
Her friends, Aspen and Eloise lived in the mortal world for good. Maganda ang buhay nila ngayon dahil nakapag-tayo sila ng sariling mall. Jenkins Mall ang pangalan ng mall nila at nasa ibang bansa na rin nakatayo ang mga branches nito.
And then Celestina's other friends is busy in their lives. Hawak na ngayon ni Pamela ang clothing line ng ina niya habang si Crisanta ay may restaurant na pinatayo at si Georgina ay may sariling kompanya na puro kotse, galing sa mga magulang nila.
I'm a CEO of Wine Company. Sa pamilya ko iyon. It's a largest wine company in the world. Kilala ang kompanya namin sa ibang bansa dahil maganda ang lasa ng mga wine na ginagawa namin. It's expensive wine but it tastes so good.
Sa ngayon ay wala pa ang mga ama ng tatlo. Kinuha rin kasi ang ama nina Crisanta at Georgina dahil kasa-kasama sila sa mga kalokohan ng ama ni Pamela kaya hinuli sila. At nalaman naming na pinarusahan sila na pagkakakulong sa Devins Jail ng sampung taon. Tanggap iyon ng pamilya ng tatlo, at least hindi sila hinatulan ng kamatayan. 'Yon ang sabi sa amin ng Jenkins Twins nang bumisita sila sa Devins World noong apat na taon na ang nakakaraan.
Ayos na rin iyon para bayaran na nila ang kanilang kasalanan at hindi sila hinatulan ng kamatayan. May anim na taon pa sila roon sa Devins World para pagbayaran nila iyon kasama nila ang mga demonyo doon.
"Papasok na ako sa kompanya ko, Celestina. Bukas uli ay bibisita ako rito." paalam ko nang lumipas ang limang minuto.
Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad patungo sa aking sasakyan pero bago pa man ako nakarating doon ay may narinig akong mabining boses dahilan para mapahinto ako sa paglalakad.
"Ethan..."
Ramdam na ramdam ko ang tibok ng puso nang narinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Limang taon ko na iyon hindi naririnig pero pamilyar na pamilyar sa akin at hindi ako nagkakamali na makilala ang boses niya.
Dahan-dahan akong pumihit paharap sa bangin. Sumilay ang malapad kong ngiti nang nakita ko siya. Unti-unting bumababa sa harap ko.
Tulala akong nakatingin sa kanya. Maraming nagbago sa kanya. Mas lalo siyang gumanda sa white dress na suot niya. Gano'n pa rin ang kulay ng pakpak niya at may isa siyang sungay sa kanang bahagi ng kanyang noo pero kahit gano'n ay siya pa rin ang Celestina Devins na kilala ko... na minahal ko.
"C-celestina..."
"Hi..." mahinang sambit niya nang maitago na niya ang pakpak sa kanyang likod.
"H-hello..." bati ko pabalik at napaayos ng tayo. "Kamusta?"
"Okay lang, ikaw?" katulad lang ito noong nagpaalam siya sa aking aalis.
"Ayos lang din." dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya. "Masaya ako na... nagbalik kana." hinawakan ko ang kamay niya. Naramdaman ko ang milyon-milyong boltahe sa katawan ko.
"Ako rin." ngumiti siya.
"Thank you for coming back for us." saad ko.
"Thank you for waiting me in five years, Ethan." humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya mas lalong lumpad ang ngiti ko.
"It's all worth it." huling sinabi ko bago magaan na hinalikan sa noo.
Ilang segundo lang at humiwalay na kami sa isa't-isa, pareho kaming napangiti habang nagtitigan.
"Let's go." aya ko.
"Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong niya.
"Basta." nakangiting sagot ko at tiningnan ang kanyang pakpak sa likod. "Kaya mo bang itago 'yan? Pupunta tayo ng public place." tanong ko.
"Yeah. Sorry." lumayo ako nang nakita ko siyang nakapikit. Nakita ko na unti-unting nawala ang pakpak niya maging ang kanyang nag-iisang sungay, tila pumasok ito sa kanyang katawan. "Okay na."
Hindi na ko sumagot pa. Hinatak ko siya patungo sa aking sasakyan. Bago ako pumasok ay inalalayan ko siyang pumasok sa passenger habang ako naman ay pumasok sa driver seat.
Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating kami sa isang restaurant. Ngumisi ako nang nakita ko na walang kaide-ideya si Celestina kung bakit kami nandito sa restaurant na ito.
Lumabas ako ng sasakyan at paikot na tinungo ang passenger seat. Binuksan ko ang pinto at inalalayan ko si Celestina na makalabas ng sasakyan. Nakita ko ang paglibot ng paningin niya sa paligid na tila namamangha sa restaurant na nasa harap namin.
Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinila papasok sa restaurant. Tumango ako sa mga crew nang narinig ko na binati nila ako.
"Suki kana rito?" tanong ni Celestina nang napansin niya iyon.
"Oo, ito ang laging pinupuntahan ko o bumibili ng pagkain kapag nasa kompanya na ako." sagot ko at hinila siya sa ikalawang palapag. "D'yan ka lang. May pupuntahan ako saglit." paalam ko sa kanya.
"Huh? H-huwag mo ko—Ethan!" narinig kong tawag niya sa akin pero tuloy-tuloy lang ang lakad ko papasok sa isang VIP room ng restaurant.
"Nandito kana pala, Ethan." gulat na saad ni Crisanta nang nakita niya akong pumasok sa VIP room. "Tapos kana dumaan doon?" tukoy niya sa bangin na pinuntahan ko kanina.
"Oo, may ipapakilala pala ako sa inyo." nakangiting tugon ko at binuksan muli ang pinto.
"Sino?" sabay na tanong ng lima, nagtataka kung sino ang ipapakilala ko.
Lagi silang nandito sa restaurant ni Crisanta. Tatambay kami ng ilang oras dito bago magdesisyon na umalis para pumunta sa kanya-kanyang kompanya. Ito talaga ang tambayan namin dahil nagpagawa si Crisanta ng sariling VIP room para sa aming lahat.
Sinenyasan ko si Celestina na lumapit sa VIP room. Nag-aalangan man ay lumapit siya papunta sa akin. Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto at nakita ko ang gulat sa mukha ng lima nang nakita nila kung sino ang ipapakilala ko.
"Celestina!" sabay na tawag nila at nagmamadaling lumapit kay Celestina.
Halos muntik na silang mitumba nang dambahin nila ng yakap si Celestina. Nakita ko ang saya sa mga mukha nila kaya pati ako ay nahawa rin.
Masaya ako na nandito na si Celestina at sa araw na ito ay magsisimula ko na rin siya ligawan hanggang sa sasagutin niya ako. Kakayanin ko iyon hanggang umabot ng ilang taon. We're happy because she's here. She's back. My half demon and half angel, my Celestina Devins.
~~~**~~~
Jammmyyykyut
BINABASA MO ANG
The Princess of Hell | ✔
Novela Juvenil[FINISHED] - COMPLETED Celestina Devins ang prinsesa sa kanilang mundo, sa Devins World. Mula noong bata hanggang sa paglaki ay kuryoso siya sa mundo ng mga mortal. Pinapangarap niya na makapunta siya sa mundo ng mortal dahil gusto niya na mamuhay n...