Chapter 16
Pamela Finns
TUMAAS ANG KILAY KO nang nakita ko kung sino ang dalawang transferee sa klase namin. Well, seriously, they're gorgeous. Pero para sa akin talaga, hindi matutumbasan ang salitang 'gorgeous' sa kanilang dalawa.
"Maaari kayong magpakilala." nakangiting saad ng aming professor.
"Hi, my name is Eloise Jenkins and this is my..." nakangiti niyang tinuro ang babae na walang emosyon na parang hindi interesado na nakatingin sa amin. "My twin, Aspen Jenkins. Nice to meet you, guys. I hope we can be friends."
They're twins. Magkasing-tangkad. Maganda pero magkaiba ang kanilang emosyon na pinapakita. Si Eloise ay palangiti pero ang isa ay tila hindi interesado sa paligid. Gan'yan ba siya? Iba siguro ang pinaglihi sa magkambal na 'to.
"Welcome to Clariton University, Jenkins twins." ngumiti ang aming professor sa dalawang transferee.
"Thanks for welcoming us." tugon ni Eloise.
"Take a seat."
Agad na nilibot ang kanilang tingin sa buong silid-aralan. Ang iba naming kaklase ay nakita ko na pasimple silang sinesenyasan na umupo sa tabi ng mga ito pero tila wala sa kanila ang mga iyon, patuloy ang kanilang paglibot ng tingin hanggang sa dumako ang tingin nila sa taong tila walang interesado kung sino ang nakatingin sa kanya.
Si Celestina.
Walang emosyon siyang nakatingin sa kawalan. Walang pakialam. Hindi interesado. Lahat ng aming atensyon ay nasa kanya pero mukhang hindi niya naramdaman.
"P'wede ba kami na tumabi sa kanya, ma'am?" nakangiting tanong ni Eloise na mukhang interesado kay Celestina.
Mas lalong tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Is she trying to— nevermind. Bahala siya kung gusto niya makipag-kaibigan kay Celestina. Sino ba ang hindi magiging interesado sa kanya? Simple lang si Celestina pero napapatigil ang ibang tao para lang tingnan si Celestina. As in lahat ng nag-aaral dito sa Clariton ay interesado sa kanya pero hindi nila magawang lumapit dahil sa aming tatlo, nina Crisanta, Georgina, at ako.
"Of course, yes! But..." nang dumako ang tingin sa akin ng professor, tila naumid ang kanyang dila. "...sa kanilang harap kayo p'wede umupo dahil may nakaupo na sa tabi ni Ms. Devins."
Napunta ang tingin ni Eloise sa akin. Imbes na matakot siya sa pagsusungit ko ay mas lumapad ang ngiti niya at tila tuwang-tuwa sa nakikita. Ano ang kinatutuwa niya?
"It's okay, ma'am." tugon ni Eloise.
Natupad ang gusto niya. Umalis ang kaklase namin na nasa harap namin at lumipat sa bakanteng upuan, umupo naman ang bago naming kaklase doon kaya nasa harap na namin sila.
Nagsimula na ang pagle-lesson ng professor namin. Tanging hikab at mapupungay na mga mata ang nagagawa ko sa buong klase niya. It's so boring pero wala akong magawa dahil papagalitan ako ni Celestina kapag hindi ako pumasok sa klase nito saka ayaw ko na maging tres uli ang grado ko rito. Tama na 'yong first semester.
Habang nakikinig ay hindi ko maiwasang tingnan ang nakaupo sa harap namin. Nakunot ang noo ko nang nakita ko ang pasimple nilang pagtingin kay Celestina.
Tumayo ang lahat nang narinig namin na nag-ring ang bell hudyat na tapos na ang klase namin sa umaga. Mabilis na nagsilabasan ang mga kaklase namin.
Hindi ko rin nagawang tawagin si Celestina nang mabilis siyang lumabas ng silid-aralan. Nagtinginan kaming tatlo nang nakita namin na tila nagmamadali si Celestina. Anong nangyari doon?
"Let her alone." seryosong saad ni Crisanta at sinukbit ang bag sa balikat niya. "Let's go in cafeteria. I'm hungry."
Hinayaan na lang namin si Celestina dahil kanina pa namin napapansin na tila wala siya sa sarili. May problema ba siya? Hays.
Nawala ang atensyon namin sa isa't isa nang nakita namin ang paglabas ng dalawang transferee.
Sabay kaming lumabas sa silid-aralan. Habang nasa hallway kami ng building ay nakita namin na nagkakagulo ang mga estudyante pero nang nakita nila kami ay nagsigilid sila at ngumiti sa amin bilang pagbati kaya gano'n din ang ginawa namin bilang tugon.
"It's really weird." narinig kong nagsalita si Crisanta kaya tumingin ako sa kanya. "Something weird about them."
"What are you talking about?" nagtatakang tanong ko, maging si Georgina ay nagtataka rin pero naunahan ko siya magtanong kay Crisanta.
"I don't know but I felt something weird about the new transferee. It's like..." nakita ko ang pagsalubong ng kilay ni Crisanta pero ilang segundo lang ang tinagal no'n at umiling siya. "Nevermind. Let's go." nauna siyang naglakad.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Georgina at sabay kaming nagkibit-balikat dahil nagtataka sa inasta ni Crisanta. Tahimik naming sinundan ang isa para makakain sa cafeteria.
"SEE YOU tomorrow." nakangiting kong paalam sa dalawa kong kaibigan at pumasok sa sasakyan.
Basta ko na lang binato ang bag ko sa passenger seat at inayos ang sarili. This is the normal day for us but I felt something wrong about Celestina.
She's absent in our class, afternoon class to be exact. I don't know where the hell she is. I can't find her. She's nowhere to be found. The last I saw her when she goes out in classroom after morning class and the professor said that Celestina is excuse herself because she's not feeling well.
Akala ko ba okay na siya?
Biglang pumasok sa isip ko 'yong nangyari kanina habang nagka-klase this morning. She looks pale and parang hihimatayin na siya sa oras na iyon. Bakit kaya? Napansin ko rin na parang takot siya or nanamalikmata lang ako? Maybe uhm.
I started the engine. Nagkabit na rin ako ng seatbelt at pinaandar ang sasakyan paalis ng eskwelahan. Mukhang hindi ako hinintay ng dalawa dahil kanina pa nila gustong umuwi. Tamad kami sa ganitong araw, monday.
Hindi pala monday lang. Halos buong weekdays kaming tamad at sumisipag lang kami kapag weekends because it's shopping time but limitado na rin ako sa paggastos dahil napakagalitan ako ni Celestina because she said that I am gastadora.
Bumagal ang takbo ng sasakyan ko nang nakita ko sa gilid ang dalawang tranferee. Naglalakad lang silang dalawa. Si Eloise ay nakikita kong bumubuka ang bibig, mukhang nagsasalita habang si Aspen ay tahimik lang pero ramdam ko naman na nakikinig siya sa kanyang kapatid. Ano kaya pinag-uusapan ng mga 'to?
Maingat akong sumusunod sa kanila, mukhang hindi naman nila napapansin na sinusundan ko sila. Dahan-dahan lang ang pag-andar ko sa sasakyan hanggang sa ilang minuto ang nakalipas ay nakita kong huminto sila kaya gano'n din ang ginawa ko.
Naningkit ang mga mata ko nang nakita ko na may tinitingnan sila kaya sinundan ko iyon at napanganga na lang ako sa nakita.
I thought she's not feeling well?
Nasa cafe shop siya. Hindi niya kami napapansin tatlo pero malaya namin napagmamasdan siya mula sa labas, mukhang abala rin siya.
Naglilinis siya ng table at nakita ko rin na mabilisan niyang nilapitan ang customer saka hiningi ang order nito. Nakita ko pa na ngumiti ito sa customer. Tiningnan ko ang kabuuan niya, wala naman ako nakikitang problema. Wala siyang sakit. Excuse lang ba iyon para payagan siya makauwi? Pero bakit?
Bumuntong-hininga ako at napailing na lang. Akala ko porket kaibigan ko na siya, makikilala ko na siya ng husto ngunit nagkamali ako. May mga bagay pa kong hindi nalalaman sa kanya at handa kong gawin ang lahat para nalaman ko iyon. Hindi ako titigil hangga't hindi ako solve sa ginagawa ko.
Pakiramdam ko na hindi basta tao si Celestina. Pakiramdam ko iba siya sa amin.
~~~**~~~
Jammmyyykyut
BINABASA MO ANG
The Princess of Hell | ✔
Teen Fiction[FINISHED] - COMPLETED Celestina Devins ang prinsesa sa kanilang mundo, sa Devins World. Mula noong bata hanggang sa paglaki ay kuryoso siya sa mundo ng mga mortal. Pinapangarap niya na makapunta siya sa mundo ng mortal dahil gusto niya na mamuhay n...