Chapter 30 (Part 1)

109 10 2
                                    

Chapter 30 (Part 1)

Pamela Finns

"NO! CELESTINA!" malakas na sigaw naming lahat pero huli na.

Tuluyan na siyang nahulog sa bangin. Dahil sa panghihina ay napaluhod ako at hinayaan ako ng mga tauhan ni dad. Malakas ang hagulhol ang naririnig nila sa akin. Huling-huli na kami ng mga kaibigan ko, napatay na ni dad si Celestina.

Hindi namin siya nailigtas.

Isang malakas na halakhak ang narinig ko mula kay dad. Masamang tiningnan ko siya pero parang wala lang iyon sa kanya, mas lalong lumakas at tila tuwang-tuwa siya sa kanyang nagawa.

"Oops. I killed her." tila pang-aasar niya at tumingin sa amin.

"Mas masahol pa kayo sa demonyo!" galit na sigaw ko sa kanya. Wala akong pakialam kung tatay ko siya, hindi siya nakonsensya sa ginawa niya.

"Tatay mo ko, anak kita. Isa lang ibig sabihin niya'n." ngumisi siya at naglakad papalapit sa akin. "Pareho tayo ng dugo. It means, demonyo ka rin tulad ko."

"Fvck you, dad! You regret this!"

"No, anak. Simula nang nakapatay na ko, wala akong pinagsisisihan." napaiwas ako ng mukha nang akmang hahaplusin niya ang mukha ko. Mahinang natawa siya at bahagyang lumayo sa akin. "Let's go, boys. Tapos na ang tungkulin natin, iwan na natin sila rito para magluk—"

Hindi natapos ang sasabihin niya nang naramdaman namin na yumanig ang lupa. Napahawak ako sa lupa ng mas lalong lumakas habang ang mga kasama ko ay tila hindi nila alam kung paano nila ibabalanse ang sarili dahil nakatayo sila maliban sa akin na nakaupo sa lupa.

Napapikit ako nang narinig ko ang malakas na kulog sa kalangitan. Hindi ako nakatingin sa langit pero nakikita ko na dumidilim ang kapaligiran. Wala akong narinig sa balita na masama ang panahon, ah?

Biglang tumigil ang paglindol at ilang saglit ay naging maayos ang paligid, bumalik sa dati. Napatayo ako dahil nakatahan na ko. Nilibot ko ang aking paningin, sila naman ang napaupo sa sahig dahil sa paglindol.

"F-fvck... may nararamdaman akong malakas na enerhiya." narinig kong nagsalita si Eloise habang nakatingin sa bangin na kinaroroonan ni Celestina kanina.

"Mag-si-ayos na kayo! Aali—"

Napunta ang tingin naming lahat sa bangin ng may bigla kaming naramdaman doon. Napakunot ang noo naming lahat. Hindi kami namamalikmata, parang may naramdaman kaming dumaan sa hangin.

"Kayong dalawa, silipin niyo ang bangin kung talgang nahulog doon ang demonyong babae." Narinig kong utos ni dad sa dalawang tauhan niya.

Nag-aalangan man ay sumunod pa rin ang dalawa. Maingat silang naglakad papunta sa bangin at bahagyang sinilip ang baba.

"Wala po kaming makita sa ba—"

Sabay kaming napadaing sa sakit nang napatilapon kaming bigla sa sahig. May malakas na puwersang tumama sa amin dahilan para lumipad kaming lahat.

Napahawak ako sa aking balakang nang naramdaman ko ang pananakit no'n. Napakagat ako nang aking labi nang mas lalong sumakit ang likod dahil sa paghawak ko nito. Shit.

"Oh my... Celestina..."

Napamulat ako nang aking mata at napatingin kay Georgina ng narinig ko na nagsalita siya pero nakita ko na nakaawang ang kanyang bibig habang nakatingin sa isang direksyon kaya napalingon din ako kung saan siya nakatingin.

Namilog ang mga mata ko at halos malaglag ang aking panga nang nakita ko ang sinabi ni Georgina. Imbes na makaramdam ako ng saya ay mas lalong lumakas ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba at... takot.

The Princess of Hell | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon