Chapter 21
Pamela Finns
SA MGA SUMUNOD NA ARAW ay hindi namin nakita ang anino ni Celestina. Ang dahilan na sinasabi ng kambal ay may sakit pa ito at hindi pa nila pinapayagan pumasok sa eskwelahan dahil baka hindi kaya. Dapat ba akong maniwala doon?
Simula kasi na nahimatay si Celestina. Hindi ko na talaga siya nakita pa, maging ang mga kaibigan ko ay hindi na rin nakikita ito. Sa buong eskwelahan, ang kambal lang nakikita, wala na silang kasama pang iba dahil mukhang iwas din sila sa mga estudyante.
Wala rin naman kami balak pumunta ng apartment dahil binantaan na kami ni Aspen Jenkins. Ayaw niya kami palapitin kay Celestina. Saka dapat wala na kaming pakialam pa.
Pero hindi rin dapat kami magpakampante dahil baka may gawin si Celestina pati ang kambal na masama kaya dapat namin alamin ang kinikilos nila para sa seguridad ng mga tao rito.
"Pamela."
Napalingon ako sa taong tumawag sa akin. Napataas ang kilay ko nang nakita ko ang isang babae na nakangiwing nakatingin sa akin at parang may sasabihin pero dahil sa itsura ko ay tila naumid ang dila niya.
"Why?" tanong ko.
"A-ano po kasi... p-pinapatawag ka ni dean." nauutal na sagot niya at kumirapas agad ng takbo.
Sandaling nakunot ang noo ko. Ano ang sasabihin sa akin ng tiyahin ko? Importante ba o tungkol sa magulang ko na walang ginawa kun'di trabaho ang inaatupag?
Tumayo ako sa bench at nagsimula nang maglakad papunta sa dean's office. Nang makapasok ako roon at agad akong umupo sa sofa saka taas kilay na tiningnan ang tiyahin ko na abala sa folder na nakatambak sa lamesa niya.
"Ano ang gusto mong sasabihin sa akin?" tanong ko at maarteng tiningnan ang mga kuko.
Mukhang kailangan ko na pala magpa-manicure at pedicure. Yayain ko nga ang mga kaibigan ko sa salon at ililibre ko sila para samahan lang ako. Wala sila ngayon dahil nasa kanya-kanyang practice. Nagsimula na kasi ang early practice nilang dalawa para wala ng practice kapag uwian pero depende 'yan sa coach nila kaya minsan hindi na ko nakakasabay sa kanila dahil gustong-gusto ko na umuwi.
"May binigay na mensahe si Celestina Devins sa akin tungkol sa pagtuturo niya." tumingin sa akin ang tiyahin ko habang pinagsiklop niya ang kanyang kamay. "Hindi niya tinanggap ang pagiging tutor niya sa inyo tatlo."
Napairap na lang ako. Alam ko naman iyon kaya in-expect ko na ang desisyon ni Celestina. Sa ginawa ko ba naman, sinong hindi iiwas?
"After this semester, lilipat siya ng ibang school."
Napaawang ang bibig ko dahil sa gulat.
"Huh?" gulantang na reaksyon ko at halos hindi makapaniwala sa sinabi ng tita ko.
Mukhang alam nito ang reaksyon ko kaya may kinuha siyang isang papel at nilapag niya sa harap ko. Kinuha ko 'yon at tiningnan kung ano ang laman nito.
Dear Ms. Finns,
It's an honor to be a tutor to your niece but I have decision now, I declined your offer. Nitong nakaraan araw ay hindi ako pumasok dahil nagkasakit ako at nasa apartment lang para magpahinga. Sayo ko na ito diniretso ang sulat na ito para sabihin ko ang mga dahilan ko.
Alam mo na libre kong tinuturuan ang mga estudyanteng gusto magpaturo kaya pagpasensyahan niyo na po kung hindi ko tinanggap ang offer mo dahil may iba pa po ako dahilan kung bakit ko ginawa iyon.
Pagkatapos nitong sekondaryang semester lilipat na po akong ibang paaralan. Lalapitan ko na lang po kayo kapag dumating ang oras na iyon. Sana intindihin niyo po ang desisyon ko kahit na napamahal ako sa eskwelahan na ito.
BINABASA MO ANG
The Princess of Hell | ✔
Genç Kurgu[FINISHED] - COMPLETED Celestina Devins ang prinsesa sa kanilang mundo, sa Devins World. Mula noong bata hanggang sa paglaki ay kuryoso siya sa mundo ng mga mortal. Pinapangarap niya na makapunta siya sa mundo ng mortal dahil gusto niya na mamuhay n...