Chapter 29

111 10 0
                                    

Chapter 29

Pamela Finns

Pinaliwanag sa akin ni Eloise kung ano ang planong gusto niya. Bukas ng umaga ay pupunta kami ng mga kaibigan ko para kunin si Celestina sa agency at patakasin doon hanggang sa mapunta kami sa portal patungo sa kanilang mundo. Nakaantabay sila ng kanyang kapatid sa likod ng building dahil doon namin balak dalhin si Celestina para hindi makakuha ng atensyon sa mga empleyado't tauhan ni dad. Ang sasakyan ang gagamitin namin papunta roon, isa lang para maging madali ang aming gagawin.

Hindi rin nagtagal si Eloise, nagpaalam siya at hindi ko na rin siya naihatid sa labas dahil sa mismong bintana ko siya nakapasok. Nakahiga ako sa aking kama at hinayaan ang sarili na makapagpahinga para sa gagawin namin bukas.

Kinabusakan ay maaga akong nagising. Sa kusina ay ako na mismo ang nagluto ng pagkain dahil mamayang ala siyete ng umaga pa magigising ang mga katulong namin. Marunong naman ako magluto dahil noong fifteen years old ako ay tinuruan ako ng aking lola na magluto pero hindi ko lang magawa ito araw-araw dahil sa mg katulong namin at minsan ay late na rin ako nagigising.

Nilapag ko sa mesa ang bacon, sunny side-up, ham, at sinangag na mga niluto ko. Nagtimpla rin ako ng chocolate drink para may energy ako mamaya at hindi ako antukin.

"Sarap naman n'yan."

Napatingin ako sa entrada ng dining room nang narinig ko na may nagsalita. Napangiti ako nang nakita ko si mom na nakausap pa ng roba at nakahalukipkip na nakatingin sa akin.

"Sabay kana sa akin, mom." aya ko sa kanya.

"Oh, I love that." malapad na ngumiti si mom at umupo sa tabi ko.

"What's your plan today?" biglang tanong ni mom nang nasa kalagitnaan kami kainan.

"I need to stop my dad." buntong hininga ako. "Alam ko na sobrang sama na ng ginagawa ni dad kaya mas mabuting patigilin ko siya sa gusto niya at gisingin sa reyalidad habang may oras pa."

"Sang-ayon ako sa gusto mo but hindi ako makakasama sayo because company needs me." malungkot na ngumiti si mom sa akin at niyakap ako. "Pero mangako ka sa akin na mag-iingat ka, okay? 'Yon lang ang gusto ko, ayaw ko na mapahamak ka." magaang halik ang binigay niya sa akin bago humiwalay at ngumiti sa akin.

"I promise, mom."

Matapos ang pag-uusap namin ni mom ay nagpaalam na siya na maliligo dahil kailangan na niya pumunta ng kanyang kompanya. I understand her and ayaw ko rin na madamay siya kaya mas pinili ko na lang na hayaan siya na pumunta sa kanyang kompanya kaysa sumama sa akin.

Georgina texted me na paparating na sila sa mansyon kaya pumanhik na ako sa kwarto para makapag-ayos. Naglagay ako nang mga gamit sa isang bag at sinukbit ito sa aking balikat saka lumabas sa kwarto ko.

Nang makarating ako sa living area ay nakita ko ang mga kaibigan ko na masinsinang nag-uusap kasama ang Jenkins Twins pero napatigil sila nang naramdaman nila ang presensya ko. Akmang tatayo sila pero sinenyasan ko sila agad na umupo.

"Aalis na ba tayo?" tanong ko, umiling sila bilang sagot. "Mas maganda kung dumito muna tayo para mabuo ang plano nating lahat."

Umupo ako sa tabi ng mga kaibigan ko at tumingin kay Eloise, hindi ko magawang tingnan ang kanyang kapatid dahil baka masamang tingin ang binibigay nito sa akin lalo na't hindi pa kami nakakapag-usap ng maayos simula noong nakaraang araw na galit na galit niya akong dinala sa likod ng building para pagbantaan.

"Bakit pa tayo mag-ii-stay dito?" tanong ni Georgina kaya napatingin kami sa kanya. "Kailangan na natin makuha si Celestina sa agency hanggang may oras pa."

The Princess of Hell | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon