Chapter 15

100 11 0
                                    

Chapter 15

Celestina Devins

TULALA LANG AKO sa kawalan habang patuloy na pagtulo ang mga luha ko. Hindi ko magawang patahanin ang sarili ko dahil emosyon na mismo ang nanginigbabaw sa akin.

Nakakuyom ang mga kamay ko at doon kumukuha ng lakas dahil nanghihina na ko sa pag-iyak. Ang katawan ko na mismo ang pagod pero patuloy pa rin akong naghihinagpis.

Tuwing naalala ko ang sinabi ni Pamela ay parang ayaw ko paniwalaan ang sinabi niya pero may parte sa akin na dapat kong paniwalaan 'yon at magalit ako pero mas pinili ko na maging mahinahon sa sitwasyong ito dahil ako lang mismo ang tutulong sa sarili ko saka ang sakit din na malaman ang nalaman ko. Sobrang sakit.

Wala sa sariling napahawak sa aking buhok at namalayan ko na lang na sumisigaw ako. Sumisigaw dahil sa emosyon. Hindi ko magawang magalit kaya ginawa kong sumigaw para pakalmahin ang sarili ko. Ngayon ko lang ginawa ito pero at least nakakatulong sa sarili ko. Kailangan ko ilabas ang emosyon na nasa loob ko dahil hindi ko kaya ito kimkimin.

Napahiga ako sa kama at sa kisame naman ako natulala. Parang walang buhay ang katawan ko at hindi ko alam ang dapat kong gawin ngayon, ang tanging nagagawa ko ay ang umiyak para ilabas ang emosyon.

NAGISING AKO nang nakaramdam ako nang init sa mukha ko. Nang buksan ko ang aking mga mata ay nakita ko ang sinag ng haring araw na sumisilip sa bintana. Bumangon ako sa kama at pinasadahan ang aking daliri sa buhok ko. Nakalimutan ko ayusin ang kurtina bago matulog. Napabuntong-hininga ako.

Tinungo ko ang banyo. Humarap ako sa salamin at napangiwi na lang ako nang nakita ko ang sarili kong repleksyon sa salamin. Namamaga ang mga mata ko at magulo ang aking buhok. Hindi ko rin namalayan na nakatulog ako dahil sa pagod.

Napahawak ako sa lababo. Pumikit ako nang mariin at huminga ng malalim. Kailangan ko maging mahinahon. Pero natigil ako sa aking ginagawa nang narinig ko na nag-ri-ring ang cellphone ko kaya lumabas ako nang banyo at kinuha sa bedside table ang cellphone. Napakagat ako nang aking labi nang nakita ko na si Pamela ang tumatawag.

"Hello, Celestina! Good morning!" pambungad sa akin ni Pamela nang sagutin ko ang kanyang tawag.

"Morning." paos na bati ko.

"Are you okay now? May balak kaming pumunta sa apartment mo ngayon."

"No need. I'm okay now, Pamela. Thanks for asking." sagot ko. "Just let me rest today then after that I'm going to be okay."

"Okay. If that's what you want." ramdam ko na nakangiti siya ngayon. "Sige, ibaba ko na ito dahil kailangan ko na rin mag-ayos. 'Yong dalawa kasi may balak na mag-mall kaya sasama ako sa kanila at ikaw naman ay magpahinga kana lang para bumuti na ang kalagayan mo."

"Yes, thanks."

Wala na akong narinig na tugon sa kanya kaya nang tingnan ko ang cellphone ay nakita ko na binaba na niya ang tawag. Pabato kong binagsak ang cellphone sa kama at lumabas nang kwarto para kumain.

Sakto lang ang pagkain na hinanda ko para sa aking sarili dahil pakiramdam ko ay wala akong gana kumain ng madami. Matapos kong kumain ay naligo na rin ako at saka patamad akong humilata sa sofa para manuod sa telebisyon.

"Prinsesa Celestina!"

Halos mapatalon ako sa gulat nang sumulpot bigla si Zara sa harap ko. Napaupo ako sa sofa at otomatikong napahawak sa aking dibdib dahil nararamdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa gulat.

"Nakakagulat ka naman!" bulyaw ko na ikinatawa niya. "Bigla-bigla kana lang sumusulpot." sumimangot ako.

"Pasensya na, mahal na prinsesa." yumuko siya bilang paggalang at biglang paghingi na rin niya ng tawad sa akin. "Gusto ko lang bisitahin ka sa iyong tinitirhan."

The Princess of Hell | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon