Chapter 17
Pamela Finns
"CELESTINA!"
Nakita kong tumigil si Celestina at tumingin sa direksyon namin. Ngumiting kumaway ako sa kanya.
"Halika, sumabay ka sa amin kumain!" aya ko.
Napawi ang ngiti ko nang umiling siya at tipid na ngumiti.
"Hindi ako magtatagal dito sa cafeteria. Bibili lang ako nang pagkain gaya ng inuutos sa akin ni Mrs. Cordillera." sagot niya at walang pasabing tinalikuran kami.
Napaawang ang bibig ko dahil sa kilos niya. Napatingin ako sa dalawa kong kaibigan na katulad ko ay tila nagtataka rin sa kinikilos ni Celestina.
"She's back." kibit-balikat na sambit ni Crisanta at muling ibinalik ang tingin sa librong hawak.
Bigla tuloy akong nawalan ng gana dahil doon. Hindi mawala-wala ang tingin ko kay Celestina na tila nagmamadaling umalis nang cafeteria hanggang sa nawala ito sa paningin ko. Otomatikong nakunot ang noo ko nang hindi nakaligtas sa paningin ko ang dalawang transferee na nakasunod ang tingin kay Celestina. Malapit sa exit ang pwesto nila kaya agad ko silang napapansin.
Simula nang pumasok ang dalawang tranferee ay usap-usapan na sila sa buong campus ng Clariton University. Mapababae't lalaki ang nagti-tsismis-an tungkol sa kanilang dalawa dahil na rin sa taglay nilang kagandahan at katalinuhan. Kaklase ko sila sa lahat ng subject kaya alam ko 'yon.
Sang-ayon ako, matalino sila at maganda talaga like Celestina. Araw-araw silang pinupuri ng mga professor namin pero kabaliktaran naman iyon kay Celestine, dahil simula nang dumating ang dalawang transferee ay hindi na siya aktibo sa klase kaya minsan pinapagalitan siya ng mga professor namin na parang wala rin naman sa kanya. Tulala lang siya sa klase at minsan ay hindi rin namin siya nakakausap ng maayos. It's been five days.
In short, umiiwas siya sa amin.
Crisanta's right, she's back. The old Celestina is back. Kung dati ay ilag siya sa amin, ngayon halos lahat ng mga estudyante dito iniilagan niya. Mas dumoble ang pagiging pang-iilag niya lalo na sa amin. Alam ko naman na tahimik siya pero kung tutuusin mas dumoble rin ang pagiging tahimik niya.
Iwas na iwas siya sa amin na para bang may bagay siya na tinatago. I tried to figure it out but she doesn't want to. She's hiding something. Wala kami mapapala sa kanya dahil tahimik siya at wala rin naman kami mapapala sa private investigator na kinuha ko dahil pare-pareho lang na impormasyon ang nakukuha ko. Sayang lang ang pera na binibigay ko roon dahil pare-pareho kaming hindi nakatuklas ng panibagong impormasyon kay Celestina.
Lately, napapansin ko rin na palaging nagmamasid ang dalawang transferee kay Celestina na para bang binabantayan ang kinikilos nito. Parang wala rin sila alam na pinagmamasdan ko silang dalawa habang abala naman sila kay Celestina. Pakiramdam ko ay parang kilala nila si Celestina.
It means, kaya sila nandito ay dahil kay Celestina? Pero anong dahilan? Hindi ko rin alam at gustong-gusto ko alamin. Kating kati na ko tungkol sa nililihim ni Celestina.
Naputol ang pag-iisip ko nang narinig ko ang last warning bell sa buong cafeteria. Nakita ko ang mga estudyante na nagmamadaling lumabas ng cafeteria habang kami ng mga kaibigan ko ay kalmado lang na inayos ang sarili pati ang bag naming dalawa saka pasimpleng lumabas nang cafeteria.
Hindi naman kami takot magalit ang professor namin. Sila dapat matakot dahil kapag may ginawa sila sa akin ay tiyak mapapaalis sila sa eskwelahang ito pero mabait naman ako kaya hindi pa nangyayari sa akin iyon. Behave rin naman ang professor sa akin kaya wala dapat ikabahala.
BINABASA MO ANG
The Princess of Hell | ✔
Ficção Adolescente[FINISHED] - COMPLETED Celestina Devins ang prinsesa sa kanilang mundo, sa Devins World. Mula noong bata hanggang sa paglaki ay kuryoso siya sa mundo ng mga mortal. Pinapangarap niya na makapunta siya sa mundo ng mortal dahil gusto niya na mamuhay n...