Chapter 28
Pamela Finns
PAKIRAMDAM KO ay parang tinakasan ako nang lakas sa sinabi ng lalaki. Wala sa sariling napahawak ako sa pader para doon kumuha ng lakas. Hindi man inulit iyon ng lalaki pero paulit-ulit kong naririnig iyon sa utak ko.
Fvck. No way.
Nakita ko ang gulat sa mga mata ni dad, pareho kaming nagulat sa nalaman namin. Nakatingin lang siya sa lalaking tumulong sa akin kanina, tulala at parang malalim ang kanyang iniisip.
"Sir Rodolfo, the girl is awake!"
Nawala ang atensyon namin sa lalaki nang narinig namin na sumigaw ang isa sa tauhan ni dad. Napalingon kami kung saan si Celestina at nakita ko siyang gising na gising. Parehong mulat ang mga mata pero sa mga matang iyon ay napansin akong emosyon.
She looking at us, angrily. Naging isang linya ang kanyang labi at nakita ko rin ang pagkuyom ng kanyang kamao.
Bigla kaming napaatras nang tumayo si Celestina. Akmang susugurin kami pero napansin niya ang bakal na nakapulupot sa kanyang wrist. Nanlaki ang mga mata namin nang isang hila lang ay nasira ang bakal.
'Red alert! Red alert! Red alert!'
Napalibot ang tingin ko sa paligid ng biglang naging pula ang mga ilaw. Nataranta ang lakas dahil doon at kanya-kanya sila ng mga ginagawa kung paano nila maibabalik ang ilaw sa dati. It means, this is a warning for everyone.
"Knock her down!" maotoridad na utos ni dad.
Muli bumalik ang tingin ko sa kinaroroonan ni Celestina. Bigla akong kinabahan ng nakita ko na sinusuntok niya ang salamin. Nag-crack ito dahil mas lalo akong kinabahan at napaatras sa takot.
"YOU KILLED MY MOM!" galit na sigaw ni Celestina habang winawasak ang salamin.
Pero bago pa man niya tuluyang mabasag ang salamin ay nakita ko ang paghawak niya sa kanyang leeg kung saan ang may bakal doon. Napaluhod siya sa sahig at ilang sandali ay nawalan siya ng malay.
Naramdaman ko na medyo nakahinga ng maluwag ang mga empleyado ni dad maging ako ay nawala ang kaba ko nang nakita ko na nawalan ng malay si Celestina.
"Ilagay siya sa isang room na mataas ang seguridad at hindi niya magagawang sirain." utos ni dad.
May pumasok na mga naka-labcoat sa kwartong ito at binuksan ang kwarto ni Celestina. Dahan-dahan nilang inalalayan si Celestina at binuhat para mailabas ito sa sirang kwarto.
"Bilisan niyo dahil mayamaya ay gigising na 'yan."
Tumango ang mga naka-labcoat bilang tugon sa utos ni dad. Inakay nila si Celestina palabas ng kwartong ito pero bago pa man siya mawala sa paningin ko ay may napansin akong kakaiba.
May itim na marka na gumapang sa mga kamay niya at pati sa kanyang paa, napansin ko rin na hanggang panga na niya ang itim na markang iyon na parang tinta ng ballpen. Ano 'yon?
"Umuwi kana sa bahay, Pamela." baling sa akin ni dad.
"W-what? Bu—"
"Today I'll not allow a visitor here because it's danger and ayaw namin mapahamak ang pupunta rito lalo kana." hinawakan niya ang kamay ko. "Hindi pa namin kontrolado ang babaeng 'yon kaya kailangan namin siya pag-aralan and bukas buo na ang desisyon ko."
Nakunot-noo ko sa sinabi ni dad. "Desisyon?" tanong ko.
"Kailangan mamatay ang babaeng iyon sa mas lalong madaling panahon."
BINABASA MO ANG
The Princess of Hell | ✔
Novela Juvenil[FINISHED] - COMPLETED Celestina Devins ang prinsesa sa kanilang mundo, sa Devins World. Mula noong bata hanggang sa paglaki ay kuryoso siya sa mundo ng mga mortal. Pinapangarap niya na makapunta siya sa mundo ng mortal dahil gusto niya na mamuhay n...