Chapter 3
Celestina Devins
NANG MAGISING AKO NG MAAGA ay inayos ko ang aking sarili. Sinuot ko ang pang-lakad dahil required sa amin na gano'n ang suotin kapag pumapasok. Papasukin kami sa unibersidad kapag may ID kami.
Sukbit ang bag ng lumabas ako ng apartment. Kinuha ko muli sa tapat ng apartment ang bisikleta na nakapark do'n. Mabuti na lang mabait aang may-ari ng apartment nito na magpa-park ng sasakyan sa tapat niya.
Sumakay ako ng bisikleta at sinimulan itong paandarin. Ilang minutong byahe ay nakarating na ko sa unibersidad. Pina-paalam ko sa guard ang bisekleta ko bago pumasok ng tuluyan sa eskwelahan.
Dumiretso agad ako ng guidance para kumuha ng admission slip. Nang na-aprubahan 'yon ng nakatoka ro'n ay nagpasalamat na ko at nagpaalam. Kailangan ko itong ibigay sa mga teacher na hindi ko pinasukan ng klase kahapon. Ito pa naman ang first time na um-absent ako sa kanila.
"Ikaw nga ang nabalitaang na-detention dahil sa kopyahan. Hindi ako makapaniwala na ikaw pala 'yon." sabi ng teacher ko sa General Math.
Napayuko ako sa hiya. Alam na ng lahat ang nangyari sa akin. Isang kahihiyan 'yon dahil pinag-uusapan ako ng mga teacher ko.
"But it's okay. Mabuti na lang hindi ako nagpa-take ng quiz sa inyo." nakangiti niyang sabi at kinuha sa akin ang admission slip para pirmahan ito.
"Salamat po." yumuko ako at nagpaalam na sa kanya. Siya na kasi ang huling teacher na pupuntahan ko para pirmahan ito.
Hindi rin kasi excuse ang pag-detention ko. Pinapaalala sa amin ng professor na kapag wala kami sa silid-aralan, otomatik na absent kami.
Matapos ang aking gawain ay pumunta ako sa cafeteria para kumain. Hindi na kasi kumain sa bahay dahil kailangan ko tapusin ang gagawin ko bago pumasok sa silid-aralan.
May libreng dalawang oras pa ko. ten o'clock ng umaga kasi ang unang klase ko at mamayang five o'clock ng hapon ang uwi ko. Alam ng manager ng cafe shop ang schedule ko kaya naintindihan nila 'yon.
Nang makuha ko na ang order ko ay umupo ako sa pinakasulok kung saan hindi kapansin-pansin. Habang kumakain ako ay nagbabasa ako ng maaaring maging lessons namin.
Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko ay may naramdaman akong tao mula sa gilid ko. Sinara ko ang libro at nag-angat ng tingin.
"Uhm..."
"Bakit? May kailangan ka?" nakangiti kong tanong sa babae. Namumula kasi ang pisnge niya at mukhang nahihiya.
"P-p'wede po paturo ng lessons?" nahihiyang tanong niya.
Saglit akong napaisip bago sumagot.
"P'wede naman. Ano bang lessons ang ituturo ko sayo?" umayos ako ng upo at tinuro ang upuan na nasa harap ko. "Maupo ka."
Sinunod niya ang sinabi ko. Nang makaupo siya sa harap ko ay agad niyang binuksan ang bag niya at kinuha ang notebook na may lamang problema niya sa lessons.
Kinuha ko ito sa kanya at sinuri. Ilang minuto ang pagsuri ko rito hanggang sa nilapag ko ito at pinaintindi sa kanya ang lessons na 'yon. Natuwa naman ako na willing siyang makinig at matuto sa akin.
"Maraming salamat po." nakangiting pagpapasalamat niya ng natapos ang pakikinig niya sa akin. "Laking tulong po ito sa akin."
"Wala 'yon." tugon ko.
"Ano po gusto niyo? Huwag ka pong mag-alala, libre ko po."
Nakangiting umiling ako sa kanya. "Hindi na."
BINABASA MO ANG
The Princess of Hell | ✔
Fiksi Remaja[FINISHED] - COMPLETED Celestina Devins ang prinsesa sa kanilang mundo, sa Devins World. Mula noong bata hanggang sa paglaki ay kuryoso siya sa mundo ng mga mortal. Pinapangarap niya na makapunta siya sa mundo ng mortal dahil gusto niya na mamuhay n...